Sixty-one - Who is she?

2 0 0
                                    

"Ate Tori!"

"Ate Tori!"

Naalimpungatan ako ako bigla dahil sa makailang beses na pagtawag sa akin. Hindi ba nila alam 'yung salitang tulog? Kapipikit ko pa lang. Ang sakit-sakit ng ulo ko. Parang pinukpok ng ilang beses.

"Ano ba? Kita n'yo nang natutulog e. Kung ayaw n'yong magtulog, magpatuloy kayo," asik ko at umayos ng pagkakahiga habang nakapikit pa. Pinunasan ko pa ang kung anong bagay na nasa may bibig ko at agad kong hinanap sa pwesto ko ang unan. Teka, bakit ang lamig naman ata sa kama ko? Saka bakit ang tigas?

"What's happening here, Clyde? Ang aga mong mambulabog." Narinig kong ani ni Seth.

"Seth. Si Ate Tori bumubula ang bibig." Narinig kong sagot ni Clydeus na parang iiyak pa. Minsan, gusto ko rin itong isako e. Gusto ko pang matulog.

Nakarinig ako ng mabigat na yabag ng paa at paghangos na parang ang layo ng tinakbo. Maya-maya ay may humawak sa magkabilang balikat ko, iniupo ako at saka niyugyog.

"Victoria! Victoria, gumising ka! Victoria Hermione, isa!" sigaw sa akin ni Seth. Iminulat ko ang mg mata ko at masama siyang tiningnan. Bakit ba ayaw nila akong patulugin?

"Clydeus, ano?! Tawagin mo sina Ivo! 'Wag lang tumunganga dyan. Isa!" muling aniya sa malakas na boses. Nagulat pa si Clydeus bago patakbong lumabas. Mukha itong natataranta. Mabigat rin ang paghinga nito. Humarap ito muli sa akin.

"Dalawa! Tatlo, apat, lima! Kahit magbilang ka pa ng isang libo. Ano ba, Seth? Gusto ko pa matulog e--- urrghk" reklamo ko at saka muling nasuka..Bakit ang pait?

Tumalikod ako at sumuka sa tub sa likod ko. Teka, tub? Inilibot ko ang tingin ko sa kinaroroonan namin. Banyo ko ito ah? Hindi pala ako nakabalik sa kama ko. Humarap muli ako sa tub at doon sumuka.

Maya-maya ay nakarinig ako ng yabag ng mga tumakbo. Ngunit hindi ko na ito nilingon pa.

"Bakit? Anong nangyari?"

"Is Milady... okay?"

"Bumubula ang bibig niya!" Dinig kong saad ni Clydeus. Kaya nilingon ko sila. Nakita ko naman si Seth na kumukuha ng face towel sa maliit na cabinet at bumalik ito sa akin saka ito ibinigay sa akin.

"Bumubula na ano? Nakatulog lang e. Ano ba kasing pinainom n'yo sa akin? Ang sakit sakit ng ulo. Halos ilabas ko na rin sa bibig ko 'yung lahat ng kinain ko pati na rin ang lahat ng lamang-loob ko," reklamo't asik ko saka dahan-dahang tumayo.

"P-pero bumubula kasi talaga ang bibig mo, Bunny. At... at wala ka ring malay," aniya na nanalalaki ang mata na parang gulat pa.

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya at napadako ang tingin sa paaanan ko upang alalahanin ang ginagawa ko. Doon ko nakita ang maliit na bote ng mouthwash na wala nang laman. Kaya pala ang pait ng panlasa ko kanina. Tsk. Kinuha ko ito at pinakita sa kanila.

"Baka dahil dito. Nagmu-mumog ako kanina, nakatulugan ko ata," walang ganang saad ko. At saka napalingon sa tub na may suka ko. Napangiwi ako bigla sa nakita. Kulay dilaw, itim, brown at kung ano ano pa. Yuck!

Hinawi ko sila sa daanan at saka ako pumunta sa sink upang magmumog ulit. Mula sa salamin ay nakita kong tiningnan lang naman nila ako sa ginagawa ko at bumalik muli kay Clydeus na umaatras na palabas. "Ahehehe~"

"Bumalik ka rito! Sinira mo ang tulog ko!" singhal ni Ivo at hinabol ito kaya tumakbo naman ang huli. Napailing na lang si Xavier at ngumiti sa akin bago lumabas. Nakalahukipkip naman sa likod ko si Seth na nakataas pa ang kilay.

Bewitching Hearts: Ground ZeroWhere stories live. Discover now