Mahangin sa buong paligid at tanging tunog lamang mula kalikasan ang aking naririnigㅡang lagaslas ng tubig sa mula isang talon hindi kalayuan, ang huni ng mga ibon, ang pagsasalpukan ng dahon na sumasabay sa ritmo ng hangin at ang malamyos na tinig ng isang babaeng humihimig na tila may sanggol itong pinapatulog ang aking naririnig.
Pamilyar sa akin ang lugar na para bang isa iting parte ng pagkatao ko ngunit alam kong kailanman ay hindi pa ako rito nakakapunta simula nang ako'y magkaisip.
Inilibot kong muli ang aking paningin at dumako ito sa babaeng may kulay tsokolateng buhok na hanggang balikat ang haba. Nakatagilid ito sa gawi ko habang hinehele ang isang sanggol na balot na balot sa kulay kremang telang hawak.
Hindi ko gaanong makita ang kabuuan ng mukha ng babae dahil nakaharang rito abg kaniyang buhok mula sa pagkakatungo. Ngunit nang humangin ay nakita ko ang kanyang labi, nakangiti ito habang humihimig ng isang pamilyar na awiting pampatulog. Hinahaplos niya ang braso ng sanggol na mahimbing ang pagkakatulog sa kanyang mga bisig habang isinasayaw ito.
Ang boses niya'y tila humahaplos sa puso ko at pakiramdam ko'y ako ang makakatulog sa pagkikinig sa kanya. Kakaiba rin ang dulot ng boses nito sa akin, kinakalma nito ang isip ko at pakiramdam ko'y ligtas ako habang narito ako.
"Hermione..."
Hermione.
Hermione..
Hermione...
"Aww," mahinang daing ko nang maalimpungatan ako bigla. Panaginip ba 'yon?
Ugh. Ang sakit ng katawan ko.
Umupo ako habang nananatiling nakapikit. "Apple. Cherry," tawag ko sa magkapatid na prutas. "Tubig!"
Ang tagal. Dati-rati naman ay isang tawag ko lang ay narito na agad sila sa harapan ko dahil inihahanda nila ang susuotin ko na bilin na rin sa kanila ni Martha.
Nauuhaw na rin ako. Sobra ang panunuyot ng lalamunan ko, pakiramdam ko ang layo nang nilakbay ko.
Nasaan ba ang mga tagapagsilbi rito?
Ipinitik ko amg aking mga daliri sa pag-asang may tubig ang baso ko sa bedside table ko. Napunta naman agad sa kamay ko ang isang baso ng tubig. Nanatili akong nakapikit, tila ayaw bumukas ng mga mata ko.
"Ang sakit talaga ng katawan ko. Cherry! Apple! Ipatawag n'yo nga ang punong manggagamot," pag-uutos ko.
Nang mapansin kong tahimik pa rin at walang sumasagot sa pagtawag ko, iminulat ko na ang aking mga mata ngunit nagulat ako sa aking nasaksihan.
"Sino ka?! Nasaan ako?!" gulat na tanong ko sa batang nakasilip sa bahagyang nakabukas na pinto. Maya-maya ay tumakbo ito papaalis.
Pinagmasdan ko naman ang silid na aking kinaroroonan, malaki ngunit simple lamang. Nasa kaliwang parte ng silid ang malaking kamang kinaroroonan ko na nakaharap sa gawing kanan ng silid. Sa magkabilang gilid ko naroon ang bedside table na may lampshade sa ibabaw. Sa kanang gilid ng kinaroroonan ko nakita ang nakasilip na bata sa may pinto kanina. Sa kaliwa ko ay ang malaking bintana na may kulay kahel at kremang kurtina. Sa dulo nito ay isang pinto patungo sa hula ko'y terase ng silid. Sa harap ko ay ang isang mesa na may silya, isang malaking salamin at aparador katabi ang isang pinto na hula ko rin ay ang banyo.
Napatingin naman ako sa aking sarili. Wala namang pagbabago, bukod sa... ang dumi ko.
"Marthaaaaaaaa!" sigaw ko habang nagpapapadyak sa higaan.
YOU ARE READING
Bewitching Hearts: Ground Zero
FantasíaInfamous by her own tagline, "I am Victoria and I do what I want." Victoria was once a mischievous lady. She's stubborn, she's uncontrollable, she hate rules, she always ditch her home classes, she's a frolicker, and she loves to sneak out of their...
