Naging maayos naman ang aming tanghalian. Okay, medyo maayos lang. Ang gulo gulo pa rin kasi nina Ivo. Matapos kumain ay tumulong ako sa pagliligpit at paghugas. Walang kaming katulong dito kaya lahat kami ang gagawa dito. Maliban na lang sa general cleaning na katulad sa mansyon ng mga Nightwood ay may naglilinis rin dito, 'yun nga lang ay kada-Sabado lang.
"Halina sa labas." Pagtawag ni Seth sa amin. Agad ko namang kinuha ang bag ko at sumunod sa kanila.
"Van?" Tanong ko ng makita ko ang nasa harap ng dorm na kulay puti at malapad na van.
"Yup! Hihi. Tabi tayo, bun bun, ha?" Sagot sa akin ni Clydeus na may hawak na lollipop. Inakbayan ko na lamang siya at ginulo ang buhok.
"Kanino 'yan? Sa school?" Tanong ko pa. Di pa rin kami sumasakay. Hinihintay pa namin yung iba.
"Ah. 'Yan? Kay Seth. We usually used that kapag pupunta kaming bayan. Tulad ngayon." Sagot ng kakarating lang na si Ivo. Nakauniporme pa rin naman kaming lahat. Ang iba nga lang e, nasa braso niya ang coat niya, walang necktie at bukas ang tatlong butones ng polo niya. Nakaayos rin ang buhok nito.
Napansin niya atang nakatitig ako sa kanya. He winked at me na ikinanunot ng noo ko. "Saan ang punta mo? Ayos na ayos ka ah." Tanong ko na lang.
"Secret." Sagot nito at tumawa pa saka pumunta ng Van. Isinuot rin niya ang shades niya. Tss. Taas ng araw.
"Don't mind him, Milady." Si Xavier pala. Siya naman ay nakasuot yung coat niya pero walang necktie ang polo, ganun rin si Clydeus ngunit bukas ang unang butones ng polo niya.
"Anong meron at ganyan ang ayos n'yo?" Tanong ko rito. Hindi kasi ako sanay na hindi nakaayos ang uniporme nila. Maliban lang noong unang kita ko sa kanila. Kumibit-balikat lamang sila at saka pumunta na rin sa Van.
Nilingon ko naman ang paparating pa. Si Seth at Calvin na bukas rin ang dalawang butones ng polo at naka-coat rin. Hawak naman ni Calvin ang leash ni Coco na nakasunod sa kanya.
"Tara na." Sumunod naman ako sa kanya. Napalingon pa ako. Parang may kulang. Napansin naman ako ni Seth. "Nasa loob na siya, kanina pa." Sambit niya na para bang kilala ang hinahanap ko. Hindi na lang ako umimik.
Pagbukas ng pinto ng Van. Nauna sa pinak-likod sina Xavier at Ivo na busy sa kakadutdot sa phone niya. Hindi ko pa makita kung bakit hindi sa unahan sila pumwesto, ang laking harang ng mga nasa unahan ko e. Si Calvin naman ay inukupa ang sunod sa upuan nina Xavier, doon ito nahiga kasama si Coco. Kaya napataas ang kilay ko.
"Pasok na tayo, Ate Tori. Hihi." Paghila sa akin ni Clydeus. Kami na lang pala ang nasa labas kasama si Seth. Nauna akong pumasok sa van pero napatigil ako ng makita kong nasa pinakaunahan na upuan si Priam. Crossed arms and legs na nakasandal sa upuan at nakapikit. Mukhang pagod rin ito.
"Ate Tori?" Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako kay Priam. Sa sunod na row na lang ako pumwesto at saka ako naman ang humila kay Clydeus.
"Off we go! Hihihi." Masiglang pagsigaw pa ni Clydeus kaya napatakip ako ng tainga.
"Clydeus!"
"Ssssssh!"
"Arf."
"Clyde."
"Tsk."
"Ssshh. Wag kang maingay, Clydeus. Baka magising si Priam." Saad ko na lamang.
"E gising naman 'yan e." Sagot nito at nagpout pa. Hilahin ko bibig nito e.
"Whatever. Basta tumahimik ka na lang." Kumuha ako ng isang Bar ng Chocolate sa bag ko at ibibigay kay Clydeus para matigil siya.

YOU ARE READING
Bewitching Hearts: Ground Zero
FantasyInfamous by her own tagline, "I am Victoria and I do what I want." Victoria was once a mischievous lady. She's stubborn, she's uncontrollable, she hate rules, she always ditch her home classes, she's a frolicker, and she loves to sneak out of their...