"Vi, saan ka pupunta?"
"Ama, maari ba akong lumabas?" Tanong ng isang pitong taong dulang na bata na nakatali ang kulay brown na buhok, nakabestidang puti na nasa hardin. Kakalipat lang nila ng tirahan. Kumpara sa dati nilang simpleng bahay ay di hamak na ilang beses itong malaki roon.
"Hindi pwede, anak." Sagot ng ama nito. "Kakalipat pang natin, malayo tayo sa ibang mga bahay."
"Bakit?" Tanong ng bata na wari'y nagtataka. "Kailan rin ba darating muli si Ninong V?"
"Hindi ko alam kung kailan, anak. Saka wala tayong kakilala rito, kukunin ka ng mga halimaw kapag lumabas ka. Gusto mo ba iyon?" Tanong nito sa anak at tinapik ang pisngi nitong mamula-mula.
"Ayoko! Nakakatakot sila." Nanlaki ang mata ng bata at umiling-iling. Natawa naman ama nito saka siya niyakap siya ng mahigpit.
"Ama..." Napabangon ako sa aking higaan at napasapo sa ulo ko. Ang sakit ng ulo ko.
Napatingin ako sa bintana, dapit hapon na. Huli kong naaalala ay nag-uusap lang kami sa opisina ni Headmaster V. Napabuntong hininga ako. Isa ba iyong panaginip? O parte ng alaala ko? Hindi. Sigurado akong ako ang batang iyon, kaya hindi iyon panaginip. Pero bakit ngayon ko lang naalala 'yon?
Tama. Noong bata pa ako, palagi ni Ama na sinasabing hindi ako maaaring lumabas dahil may kukuha sa aking halimaw o kung sino pa. Lumipat pa kami ng bahay at matapos noon ay hindi na bumisita si Ninong Vㅡ ang Headmaster. Pero dahil bata pa ako noon, sumunod na lang ako kay Ama. Naisip ko ngayon, baka panakot lang niya iyon para hindi ako umalis. Pero pakiramdam ko, may kulang pa rin.
Nang may maalala ako ay agad akong lumabas at pumunta sa silid ni Calvin. Pagpasok ko pa lang ay agad na akong nanlamig. Inilibot ko ang tingin ko sa silid niya. Isang malaking light blue na kama, bedside tables, study tables and chairs at ilang shelves, saka isang dog bed na may pangalan pang Coco. All in light blue in colors, but the walls are warm white. Ang umagaw sa aking pansin ay ang malaking bintana na may malaking counch na kulay puti, marami itong unan na iba't iba ang hugis.
"Arf." Napatingin ako sa gumalaw sa mga unan sa malaking couch. It was Coco. Agad itong bumaba at sinalubong ako. I pet his head and told him to keep quiet. Mukhang naintindihan niya naman ako.
Lumapit ako kay Calvin. Naka-sweatshirt siya na kulay blue, balot ng kumot ang kalahati ng katawan niya at mahimbing ang tulog. Napansin ko sa bedside table niya ang ilang mga gamot at tubig. Tiningnan ko naman ang kamay niya pero nakabalot ito ng benda, marahil ay hindi pa maayos ang sugat nito. Pero bukod roon ay wala na. Nakahinga naman ako ng maluwag. Inayos ko ang magulong buhok niya at kumot. Ngumiti ako. "Rest well, Cal. And thank you. Ako na munang bahala kay Coco." Saka ako lumabas. Hindi naman sumunod sa akin si Coco at natulog na lang.
Sunod ko namang pinuntahan ang silid ni Priam. Nag-iisip pa ako kung kakatok ba ako hindi pero ginawa ko pa rin. Nang walang sumagot ay binuksan ko ang pinto, pero ang bumungad sa akin ay ang silid niyang malinis at parang hindi man lang nagalaw. Agad aking sinalubong ng kaba. Narinig ko na naman ang tinig niya na hindi ko sigurado kung siya talaga iyon.
"Live, mi amore."
Patakbo ang bumaba at hinanap ang iba. Agad ko namang nakita si Xavier na nakahiga sa sofa, nakatakip ang kaliwang braso niya sa mukha at halos nasa sahig na ang isang kamay.
Hindi ko siya inistorbo at pumunta ako sa kusina dahil nakarinig ako ng pagkalansing ng mga kobyertos. Nakita ko rito ang nakatalikod sa akin na si Clyde at tila may hinahanap sa ref.
YOU ARE READING
Bewitching Hearts: Ground Zero
FantasyInfamous by her own tagline, "I am Victoria and I do what I want." Victoria was once a mischievous lady. She's stubborn, she's uncontrollable, she hate rules, she always ditch her home classes, she's a frolicker, and she loves to sneak out of their...
