SHAYNE'S POV
Kasalukuyan akong nakaupo sa kama ko habang tinititigan ang mga damit ko. Biglang pumasok si mama at tumabi sa akin.
"Anak okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Bat parang wala kang gana?." Tanong ni mama. Ngumiti ako.
"Okay lang po ako ma , masakit lang yung ulo ko." Saad ko.
"Kaya mo pa ba? Gusto mo ba magpaiwan kana lang?." Tanong ni mama. Ngayon kasi ang punta namin sa resort , dahil magbabagong taon na bukas.
Nakakahiya naman na hindi summa dahil inaasahan ni tita yung pagdalo ko dun. Actually hindi naman talaga nasakit yung ulo ko , nagawa lang ako ng dahilan para hindi ako makasama. Pero dahil nahihiya ako sa pamilya no dwayne , sasama na ako.
"Hindi po Ma , sasama po ako. Nakakahiya naman po kina mr. And mrs. Montealegre kung di ako pupunta." Sambit ko.
"Buti naisip mo yan anak , basta kapag may problema ka anak ha? Wag ka mahiyang magsabi sa akin." Saad ni mama.
"Opo mama, aayusin ko lang po yung damit ko at bababa narin po ako." Saad ko , tumango si mama at lumabas na ng kwarto.
Hindi ko sinabi kay mama yung nangyari dahil ayokong masira yung image ni Dwayne kina mama. Kapag sinabi ko kasi yun kina mama , baka mawalan sila ng tiwala kay dwayne.
Agad kong inayos ang mga gamit ko at bumaba na. Nadatnan ko sina mama na nagaakyat na ng mga gamit sa sasakyan.
"Tara na!." Masayang sabi ni kuya. Ngumiti ako. Ayokong mahalata nila na hindi ako okay.
"Yipiiii!." Sigaw ko. Nagtawanan kaming lahat.
Pumasok na kami sa loob ng sasakyan at nagsimula ng bumiyahe patungo sa resort.
Tinext ko si Stacey at Blake na maki-join sa amin , ang sabi nila hindi daw sila makakadalo dahil mas gusto raw nila na kasama ang pamilya nila. Oh diba? Parehas pa sila ng dahilan , HAHAHA.
*****
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nilibot ko ang mga mata ko at napansin kong ako nalang pala ang tao sa loob ng kotse namin.
Nag-iwan si mama ng note , nakadikit ito sa bintana. Sabi niya sumunod nalang daw ako sa kanila , hindi na daw nila ako ginising dahil mukhang puyat na puyat daw ako.
Napasandal ako sa upuan , parang ayoko ng lumabas , alam ko kasing nandyan na si Dwayne...
Limingon ako sa aking kanan.
"Teka? Ayun yung babaeng nakita kong kaharutan ni Dwayne ah? Yung step sister ni Blake!." Saad ko. Pinagmasdan ko siya. Nakita kong may lumapit na lalaki sakanya.
Kinausap siya ng lalaking yun , tiningnan ko ng mabuti kung sino ang lalaking yun. Pagkaharap nito ay nakita ko si Dwayne Anong ibig sabihin nito???. May namamagitan ba sakanila?
Maya-maya pa ay nakita ko silang nagtawanan . Hinampas nung babae ang braso ni Dwayne. Anong meron?
Lumabas ako ng sasakyan at nagdire-diretso papasok sa resort. Nakita kong napansin ako ni Dwayne , sinusundan niya ako kaya't mas binilisan ko pa ang paglalakad.
"Shayne!!" Sigaw niya. Hindi ko siya pinakinggan. Wala akong panahon para pakinggan yung mga eksplenasyon niya.
"Shayne!!." Sigaw niya ulit.
"Shayneee!!!" Sigaw niya ulit , huminto ako at hinintay siya makalapit sa akin.
Pakkkkk*
"Isang sampal para sa pagsisinungaling mo sa akin." Sambit ko.
Pakkkk*
"Isa pang sampal para sa panloloko mo sakin." Saad ko.
Pakkkk*
"Isang pang sampal para sa tulad mong manloloko!." Saad ko at umalis.
Natulala siya sa aking ginawa. Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad at dumiretso na agad ako sa room namin.
Wala akong panahon sa tulad niyang manloloko.
Nagtext siya sa akin.
"Makinig ka muna sa akin. Wag ka kaagad magagalit hanggat hindi mo pa alam ang buong kwento." Text niya.
"Makinig? Sapat na yung nakita ko Dwayne." Reply ko at pinower off ko ang cp ko para hindi niya ako macontact.
Hindi kona napigilang hindi umiyak. Akala ko pa naman hindi siya ganung lalaki tapos ganto!.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Si mama pala.
"Anak? Alam kong may problema ka , nakita ko yung nangyari." Saad ni mama.
"Eh mama kasi eh , nakita ko si Dwayne na may kasamang iba." Saad ko.
"Anak , hindi porke may kasama siyang iba ay hindi ka na niya mahal." Sambit ni mama. Umiling ako.
"Nagtatawanan nga po silang dalawa eh." Saad ko.
"Anak , pakinggan mo muna yung side ni dwayne bago mo siya husgahan na nanloloko siya sa'yo." Sabi ni mama.
"Ewan ko Ma." Saad ko.
"Bsta Shayne , yung sinabi ko sa'yo. Baka pagsisihan mo kapag nalaman mo ang totoo." Saad ni mama.
"Wala akong pagsisisihan mama ." Saad ko , lumabas si mam ng kwarto at naiwan akong mag-isa. Tumulo na naman ang mga luha ko.
Sana nga wala akong pagsisihan. Nagagalit ako sa sarili ko dahil ganito ako , hindi ako marunong makinig kapag sobrang nagagalit.
Shitt!!! Shittt! Shitt!!!
END OF CHAPTER 74!
YOU ARE READING
My Childhood Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionHi my name is Shayne Mckdon , 6 yrs old palang ako nagkaroon na ako ng jowabelz. Nagbabakasakali akong balikan niya ako. Ngunit may isang lalaking darating sa buhay ko na magpapabago ng takbo ng puso ko.