Ito pala ay isang dibdib , kinapakapa ko pa ito. Kinuha ko ang cp ko at inilaawan kung sino yun, yun pala ay si Dwayne. Agad akong napayakap saknya dahil sa takot.
"Please , dito ka lang , wag moko iwan." Tanging nasabi kona lang at pumasok kami sa loob ng condo niya.
"Bakit kaba sumisigaw kanina ha?" Tanong niya.
"Takot kasi ako sa dilim eh, lalo na pag mag-isa." Sabi ko.
"Bat ka naman natatakot?" Tanong niya. Kasalukuyan kaming nakaupo sa sofa niya.
"A-ah, kasi nung bata ako, nagpakita yung tito ko sakin na galit na galit sa papa ko, sabi niya sakin, papatayin niya araw ako kapag madilim ang paligid" saad ko habang nanginginig.
"Bat galit ang tito mo sa papa mo?" Tanong nito.
"K-kase, nakatuluyan ni papa ko ang mama ko. Dati kasing nanliligaw si tito kay mama , pero di siya sinagot ni mama dahil mas gusto niya si papa na kapatid ng tito ko, nagpakamatay siya dahil tatlong taon siya mahigit nanligaw kay mama pero hindi siya nagawang suklian ni mama." Mahabang litanya ko .
"Sus, nagpakamatay agad? Hindi lang sinagot." Hangal nitong sabi.
"S-syempre, mahal niya si mama e , kahit nanliligaw lang siya nun, tapos 3 yrs syang nanligaw pero mas pinili ng mama ko yung kapatid nung tito ko , at yun ay si papa." Paliwanag ko.
"Kung ako yun, di ako magpapakamatay, hahanap ako ng iba, basic!" Pagmamayabang pa nya.
"Alam mo, ang hangal mo, sinasabi mo yan kasi hindi mo pa naranasan ang magmahal ng totoo, puro ka kasi landi , darating ka rin sa puntong yan" sabi ko.
"Lol, hindi ako puro landi, nagseseryoso rin ako,nagmamahal ako ng totoo noh! gusto mo iparamdam ko sayo?" Natatawang sabi niya.
Tsk, grabe ampota, brownout na nga anlakas pa magyabang at magbiro, pero alam nyo? Kahit papaano gumagaan ang pakiramdam ko, mejo nawala yung takot ko.
Everytime na kasama ko siya, feeling ko napakasafe ko.
"Tumigil ka nga , para kang baliw, ang dami mong kalokohan sa buhay" inis kong sabi.
"Shayne, hindi kalokohan ang magmahal ng tulad mo" seryoso niyang sabi.
"Tsk tumigil ka nga, Nakakainis ka!" Inis kong sabi.
"Tsk, bahala ka jan iiwanan na kita!" Seryosong Sabi nito.
"Edi iwan mo!" Sabi ko. Shit shit shit bat ko nisabi yun baka mamaya magpakita na naman si titoooo sakin! Huhubels.
"Edi sige !" Sabi niya. Tatayo na sana siya ng hawakan ko ang kamay niya.
"Wag kang umalis, joke lang naman e"pagmamaktol ko.
"Tsk, sabi mo diba sige?!" Seryso nitong sabi. Shit naiiyak nako.
"Joke nga lang e-e p-please , kahit n-ngayon lang wag moko iwan" pakiusap ko habang naluha.
"Shhh, tahan na tahan na, hinding hindi na kita iiwan at papakawalan, anong sabi mo ? Kahit ngayon lang wag kita iwan? Tsk, hindi kita iiwan dahil forever kitang sasamahan. Matulog kana, gigisingin nalang kita bukas okay. Tumahan kana." Sabi niya sabay punas ng aking luha.
Di ko alam kung kinikilig ba ako sa sinabi niya, pero nung sinabi niya yun? Bigla akong napangiti, oo nga at naiinis ako saknya pero everytime na nagseserysoo siya katulad ng ganyan, ay napapangiti ako. At umaasa akong tunay nga ang sinasabi niya. Self! Wag kang umasa! Masasaktan ka lang!. May Dwayne ka , hihintayin mo pa siya hindi ba?!
YOU ARE READING
My Childhood Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionHi my name is Shayne Mckdon , 6 yrs old palang ako nagkaroon na ako ng jowabelz. Nagbabakasakali akong balikan niya ako. Ngunit may isang lalaking darating sa buhay ko na magpapabago ng takbo ng puso ko.