AFTER 10 YEARS...
DWAYNE'S POV
"AHHHH!." sigaw ni shayne habang nakaharap sa salamin.
Napatakbo Ako papunta sakanya. "Bakit wifey?." Nag-aalalang tanong ko.
"BabyHubby , ang pangit ko na. Baka maghanap kana ng iba." Malungkot na sambit niya.
"Ang dami ko ng pores , tapos palagi na akong haggard , yung buhok ko may mga puting buhok na , wala ng hugis yung katawan ko. Yung kutis ko di na katulad ng dati , tapos...." Di niya naituloy ang sasabihin niya ng yakapin ko siya.
"Babywifey , kahit na hindi ka na tulad ng dati mahal parin kita , at wala akong balak na ipagpalit ka. Don't down yourself baby, you're the most beautiful wife in the world for me." Sambit ko , hinalikan ko siya sa noo.
"Talaga?." Tanong niya.
"Opo , wag mong i-stress yung sarili mo dahil baka maapektuhan si baby natin." Sambit ko.
"Opo." Sambit niya.
"Mamahalin mo pa ba ako kahit mangulobot na yung balat ko? Kahit na pumangit na yung itsura ko?." Tanong niya.
" Oo naman wifey , hindi kita minahal dahil lang sa sexy at maganda ka , minahal kita dahil may magandang kalooban ka , mahal kita kung ano at sino ka , mahal kita kahit na mangulubot man yang balat mo , at mamahalin kita hanggang sa dulo ng buhay nating dalawa." Sambit ko.
"Mahal ko ang lahat sa'yo kaya wag kang mangamba na ipagpalit kita sa iba. Mahal pa kita sa mahal. " Sambit ko.
"Salamat sa pananatili sa tabi ko. Ikaw talaga ang pinaka the best na asawa sa mundo. I love you babyhubby ko." Sambit niya at dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
"Mama , papa." Tawag ng aming panganay na anak na si Gray. 9 years old na siya ngayon.
"Hi papa!." Tawag ni Pink. Ang aming pangalawang anak.
"Papa si Blue inaagaw yung toy ko " sambit ng aming anak na si Violet.
"Eh sinira mo kasi yung drawing ko eh." Sambit ni Blue.
"Kambal wag na nga kayong mag-away , magagalit satin si mama." Saad ni Gray sa mga kapatid niya.
Kambal sina Blue at Violet. 6 years old palang silang dalawa. Si pink naman ay 8 years old , samantalang si Gray ay 10 years old.
"Halika nga kayo dito." Sambit ko.
"Group hug!" Sambit ni Shayne. Nagyakapan kaming lahat.
"Mama gusto ko ipangalan sa magiging baby natin ay red." Sambit ng aming kambal.
"Oo nga po papa!." Sang-ayos ng dalawang si Gray at Pink.
"Oh siya sige mga anak! Tara na sa baba at kakain na tayooo!." Sigaw ko.
"I love you Hubby." Saad ni Shayne.
Inakbayan ko siya , " i love you more wifey , at hinding-hindi na magbabago yun." Sambit ko at hinalikan siya sa pisngi.
HABANG BUHAY KONG MAMAHALIN SI SHAYNE , MAGBAGO MAN ANG ITSURA NIYA , MAGBAGO MAN ANG LAHAT SKNYA , MAMAHALIN KO PARIN SIYA.
Masaya na ako sa kung anong meron kami ngayon.
Kaya mga kulay ang pinangalan namin ni shayne sa mga anak namin dahil mas binigyan nila ng kulay ang buhay naming dalawa simula ng dumating silang lahat sa buhay naming dalawa ni shayne.
Sobrang thankful ako kay god dahil binigyan niya ako ng mabait na asawa at malulusog na anak.
Wala na akong hihilingin pa kundi ang humaba ang buhay ko , gusto kong mas humaba pa ang buhay ko para makasama ko pa ng matagal ang asawa't mga anak ko.
Sila ang pinakamagandang regalo na ibinigay ng diyos.
Mahal na mahal kita Shayne , pang habang buhay at walang hanggan ang aking pagmamahal sa'yo, mahal ko.
—WAKAS🥀AN: MARAMING SALAMAT PO SA MGA SUMUBAYBAY AT NAGBASA NG STORYA KO , NAWA'Y WAG PO KAYONG MAGSAWA NA SUMUPORTA AT UMABANG SA MGA UP COMING STORIES KO. NANG DAHIL PO SAINYO AY MAS GINAGANAHAN AKO SA PAGSUSULAT!. SO HANGGANG DITO NALANG PO ANG STORYA NILA SHAYNE AT DWYANE! MARAMING SALAMAT READERS! I LOVE YOU ALL!❤️🥀
-binibining_eca♥️
YOU ARE READING
My Childhood Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionHi my name is Shayne Mckdon , 6 yrs old palang ako nagkaroon na ako ng jowabelz. Nagbabakasakali akong balikan niya ako. Ngunit may isang lalaking darating sa buhay ko na magpapabago ng takbo ng puso ko.