SHAYNE'S POV
PLAY THE SONG " KABILANG BUHAY BY BANDANG LAPIS"
Nagising ako sa sikat ng araw. Nakatulog na pala ako sa kakaiyak kagabi.
Bumangon ako at nagpunta sa C.r para maghilamos , nakita ko ang mata kong pugtong-pugto. Naramdaman kong may nagbukas ng pintuan ng kwarto ko.
"Anak?" Tawag sa akin ni mama.
"Po?" Sagot ko.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni mama.
"Mama naman eh! Sa tingin niyo po ba ay may aayos ang lagay kapag namatayan ka ng mahal sa buhay?." Tanong ko.
"Syempre anak wala ,nagtatanong lang naman ako." Sagot ni mama.
"Ma? Talaga bang wala na siya?." Tanong ko.
"Oo anak , kaya tanggapin nalang natin na wala na siya , hindi na naman natin maibabalik yung buhay niya eh." Malungkot na sambit ni mama. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Ma? Ano po bang nangyari? Bat po bigla na lang ganun? Bat po biglaan yung pagkamatay niya?." Tanong ko.
"Kahapon bago ka umalis ng hospital ay nagising na siya , nakalimutan lang nila ipatawag kayo dahil masyado silang nasiyahan na gising na yung anak nila. Hindi ka rin naman agad natawagan ng kuya at ate mo dahil lowbat sila." Saad ni mama.
"Ma? Parang di ko kaya ng wala siya." Sambit ko , habang tumutulo ang luha , pinahiran ni mama ang luha ko.
"Sige lang anak ,iiyak mo lang yan. Pero anak? Kahit na anong gawin mo hindi na maibabalik yung buhay niya."saad ni mama. Halata sa boses ni mama na nasasaktan din siya sa mga nangyayari.
"Mama." Tawag ko sakanya habang umiiyak , niyakap niya ako at niyakap ko rin siya.
"Nga pala anak , may pinabibigay daw si Dwayne sa'yo bago siya mawala. At yung project na ginawa mo ay pinapasa ko na kaya wag ka ng mag-alala dun okay? Intindihin mo na lang yung nangyayari ngayon." Saad ni mama , binigay sa akin ni mama ang sulat atsaka lumabas ng kwarto.
Umupo ako sa kama at nagsimulang basahin ito.
∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆
Dear Shayne ko ,
Siguro ay matutuwa ka kapag nalaman mong gising na ako , gusto ko kapag nabasa mo ito ay nakangiti ka , ayoko ng umiiyak at nalulungkot ka. Gising ako ngayon , pero nararamdaman ko sa katawan ko na hindi na ako magtatagal pa , masyado ng pagod yung katawan ko , ilang beses na kong lumaban para sa'yo hindi ba? Siguro ito na yung tamang panahon para bumitaw na , Shayne ko , hindi ko na kaya, nabalitaan ko na si Morgan ang nagdonate ng kidney para sakin , wala din namang magagawa yun dahil may sakit ako eh , yung sakit kong matagal ko ng tinatago dahil ayokong maging pabigat sa pamilya ko.
Gusto ko sanang bumuo pa ng pamilya kasama ka , pero malabo ng mangyari yun dahil baka hindi na ako magtagal pa. Haha! Naaalala mo ba yung unang beses tayong na trap sa Elevator? Diba ang saya nun? Kasi na kiss-an kita? Pwede bang ikaw naman yung kumiss sakin? Gusto ko ikiss mo ko kapag pumunta ka dito. Gusto ko yakapin mo ako , gusto ko ulit maranasan yung pag-aalaga ng isang shayne mckdon , gusto na kitang yakapin.
Shayne ko , mawala man ako ngayon sa mundo , sana ako parin yung maging mundo mo. Gusto ko kahit na mawala ako ay nakatatak parin ako sa puso at isipan mo. Kasi ako? Kahit saang lupalop man ako mapunta , hinding hindi magbabago yung nararamdaman ko sa'yo. Mahal na mahal kita Shayne , gusto kong pakasalan ka , gusto kong mag ka anak tayong dalawa , gusto kong ikaw yung kasama ko sa pagtanda pero alam kong hindi na mangyayari yun , dahil ramdam ko na kahit anong oras ay pwedeng mawala ako.
Shayne may Cancer ako sa dugo , at stage 4 na 'to. Pasensya na kung ngayon ko lang sinabi sainyo , binayaran ko yung doctor ng malaking halaga para hindi sabihin sa inyo. Dahil alam kong wala ng lunas para sa cancer na ito , mas malaki ang perang masasayang kapag pinagamot pa ako , kaya binayaran ko na lang yung doctor.
Shayne, mahal na mahal kita , gusto ko man na makita ka pero alam kong hindi na aabot , shayne ingatan mo yung sarili mo , huwag kang magpapalipas ng gutom , yung pag-aaral mo ayusin mo , para matupad mo yung pangarap mo. Sana mapunta ka sa tamang tao , pag may nanakit sa'yo mumultuhin ko. Palagi kitang babantayan , mahal na mahal kita.
Hanggang dito nalang mahal ko , nanghihina na ang katawan ko. Mahal na mahal kita.
Nagmamahal ,
Dwayne.∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆
Pagkatapos kong basahin ang sulat niya ay agad akong napaiyak sa sakit na nararamdaman ko.
Wala man lang ako sa tabi niya nung magising siya .
Hindi ko alam kung paano ako makakarecover nito , hindi ko alam kung paano ako ulit magsisimula ngayong wala na siya. Mahal na mahal ko si Dwayne , marami na kaming napagdaanan , matagal ko na namang natupad yung pangarap ko eh, Kasi siya yung pangarap ko.
Napakaimportante niya sa buhay ko , hindi ko akalain na may cancer siya sa dugo , mahal na mahal ko siya. Marami akong pangarap para sa aming dalawa. Siya yung lalaking gusto kong pakasalan, siya yung gusto kong maging ama ng mga anak ko. Pero paano ko magagawa ang mga bagay na gusto kong gawin kasama siya kung wala na siya?.
Bakit mo naman ako iniwan Dwayne?
Pero wala na akong magagawa eh.
Gusto niya ng magpahinga ehh...
Ilang beses na din naman siyang lumaban para saming dalawa...
Salamat Dwayne...
Dahil kahit sa huling araw mo dito sa mundo ay nasabi mo parin kung gaano mo ako kamahal....
Kahit na hirap na hirap kana ay nakapagsulat ka parin....
Salamat sa mga memories...
Salamat sa lahat...
Salamat sa pagmamahal....
Salamat sa paglaban mo sa sakit mo...
Mahal na mahal kita , kahit na wala kana , pakakasalan parin kita.
END OF CHAPTER 65!
STAI LEGGENDO
My Childhood Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionHi my name is Shayne Mckdon , 6 yrs old palang ako nagkaroon na ako ng jowabelz. Nagbabakasakali akong balikan niya ako. Ngunit may isang lalaking darating sa buhay ko na magpapabago ng takbo ng puso ko.