CHAPTER 77

148 13 0
                                    


DWAYNE'S POV

Kasalukuyan akong nakain dito sa isang maliit na table sa sala , binaba na namin yung mga pagkain dito sa baba para mas makagalaw kaming lahat ng ayos. Masyado kasi kaming marami sa kwarto kaya't medyo siksikan kami dun.

Nabulunan ako nang makita kong nagtatawanan at nagkikilitian sina Shayne at Blake.

Super duper ultra mega nakakainis tingnan yung nakikita ng mata ko ngayon!. Nawalan tuloy ako nang gana kumain.

Agad akong uminom ng tubig at pumunta sa kanila. Napatingin sila sa pagdating ko, pero patuloy parin sila sa pagtatawanan ,nakakainis!.
I want to punch the face of this fucking man!

"HAHAHA! GRABEE TALAGA NAKAKATAWA KA TALAGA BLAKE!."  Sambit ni Shayne habang tawang tawa. Ngayon ko lang siya nakitang tawang-tawa. Tss.

"WHAHAHAHA AKO PA! JOKER AKO NG TAON NOH!." sambit naman ni Blake. Di wow sayo!.

Pumunta ako sa likuran ni Shayne at pinulupot ko ang aking dalawang kamay sa bewang niya , pinatong ko ang aking baba sa kanyang balikat dahilan para  mapatigil sila sa pagtatawanan .

"Huyy ano ka ba. Mahiya ka naman nakatingin sila oh."  Bulong ni Shayne.

"Bat ako mahihiya? You are mine right?." Seryoso kong saad.

"Kahit na." Bulong niya. Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sakanya at umalis.


Nakakabad trip!.

Bago ako lumabas ng bahay ay sinilip ko sila , nag-uusap parin silang dalawa. Wtf?! Mas pipiliin niya talaga ang lalaking yun?. Tsk!

Dumiretso ako sa mini garden namin dito sa mansion at umupo ako sa duyan.

Nakakainis talaga!

Tumayo ako at pinagsasampal yung mga halaman ni mom!.

"Stupid plant! Am i not handsome and funny? Oh god! I'm so jealous!! I don't like this feeling." I said to myself. What happened to you dwayne??!!

Hindi ako nakuntento sa pagsampal sa mga halaman kaya't sinipa sipa ko 'to.

"Gwapo naman ako ah? Tss , mas gwapo pa naman ako sknya eh!."  Naiinis kong sabi.

"Mas maputi at mas maganda pa nga ako tumawa dun!" Saad ko.

"Mas matalino naman ako dun noh! Tss. Kala niya!." Saad ko ulit.

"Tss mas magaling ako magpatawa dun ,  pag tinitingnan ko pa nga lang si shayne kinikilig na siya. Tss." Mayabang na sambit ko sa sarili ko.

Sinabunutan ko yung sarili ko , tss!!! Bat ako nagseselos ng ganito? Nagtatawanan lang naman sila ah? Wala namang masama dun!

Tumingin ako sa mga halaman. "Gusto ko siyang sawayin na 'huwag kang makipagtawanan jan kasi nagseselos ako' , kaso ayoko dahil baka masakal siya sa akin . Baka sabihin niya napaka OA kong tao." Sambit ko.

Bigla na lamang ako nakarinig ng tawa mula sa aking likod.

"HAHAHAHA!." tawa ni Shayne habang nakahawak pa sa tyan niya.

"What's funny?!" Naiinis kong sabi.

"Narinig ko lahat!." Sambit niya habang nakangisi.

"W-what? Anong n-narinig?."

"Yung mga paselos selos mo jarn! Pinagtatatampal mo pa yung mga halaman jan!." Natatawang sambit niya.

My Childhood Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now