SHAYNE'S POV
Naisipan kong bumalik sa room. Buti nalang dumating agad si Sir, kung hindi dinaldal na naman nila ako. Nakita ko si dwayne na nakatingin sakin, bali nasa pinakagilid siya ng room malapit samin. Pero di ko na siya pinansin pa.
Discuss discuss discuss.
Natapos ang araw ng puro discuss. Aba self, Alangan namang hindi magdiscuss.
Naisipan kong dumaan sa pinagtatrabahuhan ko. Pagkarating ko dun ay agad ko naman sinabi kay nanay(boss namin )na aalis na ako dun, dahil ayaw ni mama at papa na magtrabaho pa ako. Naintindihan naman nila ako, at sabi nila sakin mamimiss daw nila ako. Parang pamilya na kasi kami dito. Kaya naman ganon nalang sila kalungkot nung nalaman nilang aalis ako, napahaba ang kwento namin at di kona namamalayan ang oras, alas onse na pala Di ko na namalayan. Agad naman ako nagpaalam sa kanila at umalis.
Kasalukuyang naglalakad ako papunta sa sakayan ng biglang may lumapit saking tatlong lasing.
"Oh , sinuswerte ka nga naman. " sabi nito sa akin.
"Paniguradong birhen pa 'to, napakaganda mo naman miss." Sabi nung isang lalaki na sobrang lagkit ng tingin sa akin.
Hahawakan na niya sana ako ng bigla silang natumba sa sahig, pinalo ng lalaking nakatayo sa aking harap ang tatlong lalaking lasing, at ang lalaking yun ay si dwayne.
Pinalo niya ang tatlong lalaki sabay pinagsusuntok ito. Agad namang natumba ang tatlong lalaki at agad na lumapit sa akin si dwayne.
"Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? May ginawa ba sila sayo? " sunod sunod na tanong niya.
"A-ah okay lang ako wala silang ginawang masama dahil dumating ka kaagad. Salamat dwayne." Wika ko saknya.
"Mabuti naman, tara sumabay kana sakin" hinawakan niya ang kamay ko upang ako'y makatayo sa pagkakaupo. Inakbayan niya ako na parang ako'y iniingatan niya.
Kasalukuyang nakasakay kami sa kotse ngayon.
"Hmmm, san kaba kasi galing?" Tanong nito sakin.
"A-ah dun sa dati kong pinagtatrabahohan , umalis na ako dun dahil ayaw na ni mama na magtrabaho ako."
"Nagtatrabaho ka? "Tanong nito.
"O-oo , dati." Sabi ko.
"Bat ka nagtatrabaho? " tanong niya.
"Kase mahal ang tuition, ayaw ko naman kaseng maging pabigat kila mama, tsaka dati walang may gustong bigyan ako ng scholarship pero nung nakilala ko si Ethan, binigyan niya ako , para di na daw ako magtrabaho pa." Mahabang litanya ko.
"A-ahh, yung ethan na yun ,diba boyfriend mo yun?"kunot noo niyang tanong.
"Ha? Hindi ah! Sinabi niya lang yun." Sabi ko.
"Edi mabuti , masosolo kita." Bulong niya pero narinig ko naman.
"Ha? Ano? " tanong ko.
"Ah wala wala! Nga pala? Yung usapan naten ah." Sabi niya.
"Anong usapan?" Tanong ko , kunware di ko naalala pero naalala ko talaga .
"Kunwari ka pa e . "Inis na sabi nito.
"Hindi ko talaga alam." Tanggi ko.
"Basta! Sa ayaw at sa gusto mo , magpapanggap kang girlfriend ko." nakangiting sabi nito.
"Ano? Ayaw ko nga!" Sabi ko.
"Niligtas kita remember? " sabi nito.
" Aba di ko naman sinabing iligtas moko ah!" Sigaw ko.
"Aba rereklamo kapa ikaw na nga niligtas, tsaka ang pogi pogi ko, tatanggi ka pa sakin." Kunot noong tanong ko.
"Teka nga? , bat alam mo kung nasaan ako?" Sarkastikong sabi.
"A-ah ewan ko, may bibilhin lang sana ako!" Sabi nito.
"Weh? Ikaw ah , Crush moko noh? Sinusundan moko e!" Natatawa kong sabi.
"Ang labo mo din e noh? Kanina iyamot ka sakin , Tapos ngayon sasabihin mo, Crush kita ?Pano kapag sinabi kong hindi kita crush at gustong gusto kita?" Inis nitong sabi.
"H-ha? Joke lang naman e, tsaka wag mo nga akong niloloko jan!" Sabi ko.
"Baka naman ikaw nagkakagusto sakin!" Nakangisi nitong sabi.
"Ako magkakagusto? In your dreams! Mamamatay muna ako bago yan mangyari!" Inis na sabi ko.
"Edi patunayan mong hindi mo ako gusto! " nakangisi nitong sabi.
"Edi sige! Daling dali e!" Pagmamayabang kong sabi.
"Kung di mo talaga ako gusto, pumayag kang maging gf ko in one month!" Nakangisi nitong sabi sakin.
"Edi sige!" Ha? Teka? Put a tongue ina , bat ako pumayag! Wala na, Nasabi kona.
"Wala ng bawian yan , Baby." Nagulat ako sa tinawag niya sakin.
"Anong sabi mo?" Inis kong sabi.
"Baby , Yun ang tawag ko sayo" nang aasar nitong sabi..
"Wag mo nga akong tawaging ganyan!" Pagmamaktol ko.
"Sa ayaw at sa gusto mo baby ang tawag ko sayo." Natatawa nitong sabi.
Hinampas hampas ko naman sya.
"Che!" Kunot noo kong tanong.
"Sus gusto din naman." Pang aasar nito.
"Ano ba tumigil ka nga!." Pinalo palo ko siya.
"Kinikilig ka lang kaya ka ganyan e!" pang aasar nito.
Di ko siya pinansin, napansin kong nandito na kami. Agad naman akong bumaba.
"Uy baby ko hintayin moko!" Sigaw niya.
Binilisan ko ang paglalakad ko pero naabutan niya rin ako.
"Okay , di na kita tatawaging baby , wifey nalang." Sabi nito.
"Sorry na wifey ko, bati na tayo. Ayaw kong nag-aaway tayo." Sabi nito sabay hila ng braso ko at sabay yakap nito.
"Bitawan mo nga ako" angal ko.
"Ayaw ko, Hanggat hindi moko pinapatawad, di kita papakawalan." sabi nito.
"Hays! Fine, okay na tayo." Mahinahon kong sabi.
"Talaga? Baka hindi ah?" Sabi nito.
"Oo nga, tara na nga!" Sabi ko.
Kasalukuyang naglalakad na kami papunta sa unit namin.
"Tawagin mo lang ako pag may kailngan ka ah." Sabi ni dwayne.
"Tsk,okay" pagsusungit ko.
Agad naman akong pumasok sa loob, inayos ko Ang gamit ko, kumain rin ako dahil gutom na gutom na talaga ako.
Papunta na akong kwarto ng magbrown out. Takot ako sa dilim, kaya tumakbo ako palabas ng unit ko para sana katukin si dwayne nang may nabangga ako, owemji multo ba 'to?.
"Waaaah!" Sigaw ko. Umalingawngaw ang boses ko.
Hinawakan ko kung ano yun, ang tigas, sobrang tigas, parang bato, hinawak hawakan ko ito, ng gumalaw ito, sheeet! Ano 'to?
Itutuloy....
End of chapter 9
DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, AND FOLLOW. THANK YOU!!❤
-BINIBINING E❤
YOU ARE READING
My Childhood Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionHi my name is Shayne Mckdon , 6 yrs old palang ako nagkaroon na ako ng jowabelz. Nagbabakasakali akong balikan niya ako. Ngunit may isang lalaking darating sa buhay ko na magpapabago ng takbo ng puso ko.