CHAPTER 12

262 26 0
                                    

SHAYNE'S POV

"Bess antagal mo hah?! Kanina pa kita hinihintay. Balita ko magkapit-bahay kayo ni Dwayne." Saad niya.

"Ah sorry  kung mejo natagalan naglinis pa kasi ako ng condo ko." tugon ko.

Tiningnan niya ako ng makahulugang tingin na nagsasabing ' HINDI AKO NANINIWALA SAYO'

"Ramdam kong may tinatago ka sakin. Magkwento ka nga ng nangyayari sainyong dalawa." Saad niya.

"Ha? Anong dapat kong ikwento? Wala namang nangya-."

"Wag kang lihimera! Kilala kita , halatang may tinatago ka oh. Magkaibigan tayo kaya dapat hindi tayo naglilihim sa isa't-isa." Sabi niya.

"Psh fine. Magkukwento na ako."

Kinuwento ko sakanya lahat ng nangyare sa amin ni Dwayne. Hindi pa siya makapaniwala nung una dahil bali-balita daw sa School  ,  ang sungit daw ni Dwayne . Mas kinikilig pa nga siya sakin eh . Kung siya daw yun , baka daw nilaplap niya na yun. Grabeng babaitang ito. Tsk , tsk, tsk.

"So ano? Pano yung sa magpapanggap kang girlfriend niya ? Hindi naman sa nangingialam ha. Ayokong masaktan ka , malay natin may ex yan si Dwayne na gusto niyang makalimutan. Tapos ano? Gagawin ka lang niyang rebound? Naku pag-isipan mo yan bess." Mahabang saad niya.

"Napag-isipan ko na lahat ito eh, hindi naman talaga ako papayag sana kaso niligtas niya ako diba? Atsaka may kondisyon siya diba? Na kapag di ako pumayag , twing makikita niya ako hahalikan niya ako minu-minuto."

"Ay ghourl! Wag ka ng pumayag magpanggap na girlfriend niya. Magpahalik kana lang minu-minuto. Oh my god nakakakilig yun! Grrr!." Saad niya. Nakakaloka ang babaeng ito. Bakin ga ganare ire lumake.

"Baliw ka talaga stace! Kung ikaw nalang kaya noh?!." Tugon ko.

"Joke lang naman , biro lang okie?! . Tara na nga manood nalang tayo." Suhestyon niya.

Mahigit isang oras kaming nanoood ng korean drama. Hindi ko namalayan ang oras alas sais na pala.

"Bess , uuwi na ako ha? Ayoko kasing gabihin eh , baka may mantrip na naman jan sa labas. See you on monday!"  Pagpapaalam ko.

"Ihatid na kaya kita? saad niya.

"Naku hindi na, magpahinga kana lang dyan. Sige una na ako ha? Byeee! I love youu mwah!." Tugon ko.

"Hays sige see you! Ingat ka ah? Iloveyoutoo! Mwaps!" Sabi niya atsaka ako umalis na nang tuluyan.

Malapit lang naman ang bahay nila stacey sa condo na tinitirhan ko kaya mabilis lang akong nakarating. Papasok palang  ako sa elevator nang may nakasalubong akong isang may katangkarang babae , sexy , mahaba ang buhok at ang kapal ng make-up.

Papasok na ako ng elevator habang siya'y papalabas naman. Nang bigla niya akong danggiin dahilan para  mapaupo ako sa sahig.

"Hoy inaano ba kita ha? Bat bigla kana lang nang dadanggi!." Bulyaw ko.

"Oops , sarreh? May tao pala dyan, kala ko wala e. Liit mo kasi." Saad niya na kinais ko ng sobra.

"Ang kapal ng mukha mo! Ikaw na nga ang nakasagi sakin tapos mang-aasar ka pa?!." Sigaw ko.

"Ay bakit? Naasar ba kita? Sorry." Natatawang sabi niya.

"Nang-aasar ka talaga eh noh!" bulyaw ko.

"Hindi na ako mag-aaksaya ng oras sayo gurl! Babush Shayne Mckdon" sabi niya na ikinagulat ko.

Sino siya?

Bakit niya ako kilala?

End of chapter 12




DON'T FORGET TO VOTE , COMMENT , AND FOLLOW. THANK YOU!!!❤



-BINIBINING E❤






My Childhood Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now