SHAYNE'S POV
Kasalukuyang nagmamaneho si Blake ngayon patungo sa St.John Paul hospital. Nagulat ako ng makita ko kanina si Dwayne , mas lalo siyang naging makisig at magwapo. Sa loob ng dalawang buwang hindi namin pagkikita ay marami naring nagbago.
Sa reaksyong nakita ko sknya knina ay halatang hindi siya makapaniwalang narito kaming dalawa ni Blake. Nagulat rin ako ng kaninang hawakan ni Blake ang bewang ko , pangalawang beses niya palang nhahawakan ng bewang ko , hindi niya ugaling hawakan ito kaya't nagulat talaga ako kanina.
Bago pa man kami makalampas saknila kanina ay nakita ko ang reaksyon ni Dwayne , para siyang naiinis , ewan ko ba kung naiinis nga o baka namalik mata lamang ako.
"Okay ka lang ba?" Tanong ni Blake.
"O-oo naman." Saad ko.
"Wag kang masyadong pahalata na apektdo ka parin sa nangyari sainyo." Sambit niya ,nilingon ko siya.
"Ha? Anong sinasabi mo?" Tanong ko.
"Shayne, don't deny it , masyado kang obvious sa mga kilos mo kanina. Halatang nsaktan ka sa nakita mo." Saad niya.
"H-hindi noh!" Utal kong sagot..
"Wag ka ng tumanggi , huli kana." Saad niya. Hindi ako nakaimik .
"Shayne , kung nasasaktan ka parin hanggang ngayon , huwag mong ipahalata para hindi ka magmukhang kaawa awa." Saad niya.
"Hindi naman kasi maiiwasan eh , malaki ang galit ko sknilang dalawa pero mas nananaig yung sakit eh." Sambit ko.
"Shayne , ano pang silbi ko diba?" Saad niya.
"What? What do you mean? Huwag mo sabihing?" Sambit ko.
"Yup!" Saad niya.
"No! Ayoko nga! Hindi ako manggagamit ng iba , hindi kita gagamitin para pang pagselosin siya." Sigaw ko.
"Eh anong gusto mo? Mag mukhang kawawa?" Tanong niya. Napaisip ako.
"Okay ganito nalang, magiging sweet nalang tayo sa isa't isa , but wala tayong babanggitin or sasabihin sa iba na "MAY TAYO" kahit wala. Basta magiging sweet lang tayo sa isa't isa." Saad niya.
"Hmmm."
"Pumayag kana!." Sambit niya.
"Okayy! Deal!" Saad ko.
"Papayag din naman pala." Saad niya.
Inihinto niya ang kotse , narito na pala kami , agad akong bumaba.
Tinawagan ko muna si mamq , at sinabing narito na kami , baka kasi mag alala siya kaya tinawagan ko muna.
Agad kaming naglakad papunta sa loob , ipinagtanong kaagad ni Blake ang room ni Stacey. Agad naman itong ibinigay ng nurse.
Nagtungo kami sa Room 143 ,kung saan naroon si Stacey at ang pamilya niya.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto , bumungad sa akin ang mahimbing na natutulog na si Stacey.
Nakita ko ang pamilya niya ,na. Naghihintay na magising si Stacey , nilapitan ako ni Tita.
"Iha , maupo kayo , pasensya na kung naistorbo ko pa kayo." Saad ni tita.
"Okay lang po yun tita , hindi naman po kayo iba sa akin." Sabi ko.
"K-kamusta nga po pala si S-stacey?" Tanong ni Blake.
"Ayun , hanggang ngayon ay hindi parin siya nagigising . Kakatapos niya lang kasing operahan kaninang alas nuebe , kaya hinihintay nalang namin siyang magkamalay." Saad ni tita. Napaluha ito. Kaya't napaluha rin ako.
"A-ano po bang nangyari sakniya?" Tanong ko. Pinaupo muna kami ni tita.
"Sabi niya kasi nung nakaraang araw , gusto ka daw niyang sorpresahin , ang balak niya ay pumunta siya dun ng hindi mo alam. Dapat nga magbabakasyon siya dun ng Isang Linggo , kasi miss kana daw nya , okay lang daw sknya na hindi siya makapasok ng isang linggo , basta daw ay makita at makasama ka niya." Naluluhang paliwanag ni tita.
"G-ganon po ba?, Ano po bang nangyari at nahantong siya sa ganyan?." Tanong ko.
"Nasa bandang cavite na siya ng maaksidente siya , may biglang tumawid na aso kaya iniwasan niya ito , tapos ayun napa bangga siya sa poste. May bigla nalang tumawag samin na nurse na nasa hospital ang anak ko. Kaya pumunta agad kami sa hospital na yun, kaso puno na ang room dun sa hospital kaya inuwi nalang namin siya dito at dinala na agad namin dito sa St.John Paul." Paliwanag muli ni tita. Nagpunas ito ng luha.
"P-pasensya na po tita , nang dahil sa akin ay nagkaganyan si..." Saad ko ngunit agad nagsalita si tita kaya hindi ko naituloy ang aking sasabihin.
"No , wala kang kasalanan. Hindi rin naman niya ginusto yun , sadyang nakatakdang mangyari sakanya yun , kaya wag mong sisihon ang sarili mo sa nangyayari sakanya ngayon. Hindi matutuwa ang anak ko kung sisihin mo ang sarili mo sa pagkakadisgrasya niya." Sambit ni tita. Naramdaman kong hinawakan ni Blake ang balikat ko. Napatingin ako saknya.
"Okay ka lang ba?" Tanong niya. Tumango lamang ako.
"Kelan po ba daw magigising si Stacey?" Tanong ko.
"Hindi ko pa alam."saad ni tita.
"T-tita kami nalang po magbabantay ni Blake dito , magpahinga nalang po muna kayo." Sambit ko.
"Hindi na , mas mabuting umuwi na lamang kayo at magpahinga kayo , alam kong pagod kayo dahil malayo ang biniyahe niyo. Itetext ko na lang kayo kapag nagising na siya. Umuwi na kayo at magpahinga." Nakangiting saad ni tita , halata ang pagod sakanyang mga mata , gustohin ko man na pilitin si tita na dumito muna ngunit pagod din ako sa biyahe , at sa mga nangyayari kaya mas mabuti pa ngang magpahinga nalang muna kami.
"Ah sige po tita , maraming salamat po. Babalik nalang po kami bukas dito." Sabi ni Blake kay Tita.
"Mauna na po kami tita , tito." Pagpapaalam ko.
"Salamat iha sa pagpunta dito , kahit malayo ay pumunta kayo , talagang napakabuti mo sa anak ko." Sambit ni Tito.
"Walang anuman po tito , napakabuti rin po ng anak niyo." Nakangiting sambit ko.
"Wag kang mag-alala iha , magigising din siya." Sambit ni tita.
"Salamat po tita." Sambit ko.
Nagpaalam akong muli sakanila atsaka kami pumunta sa parking lot ni Blake. Agad akong sumakay ng makarating kami sa kotse ko.
"Nga pala , uuwi nalang ako bahay namin dito. Hindi naman kasi pwedeng magsama tayo sa condo mo , baka kung anong isipin ng ibang tao , saka hindi naman magandang tingnan na magsama tayo dun." Saad niya habang nagmamaneho.
"Siya sige , basta itext mo ako kapag pupunta kana dito para masundo kita." Sambit ko.
"Hindi na kailangan , magtatrycicle nalang ako papunta dito." Sambit niya.
"Okay sige , basta hihintayin kita para sabay tato pumunta sa hospital. Tumango siya.
Maya-maya pa'y nasa MonteAlegre Building na kami.
"T-teka? Bat nandito tayo?" Tanong ko.
"Eh dito ka diba?" Tanong niya.
"Ha? Eh pano ka?" Tanong ko.
"Ha anong pano ako?"
"I mean magtatrycicle kana lang pauwi sainyo? " Tanong ko.
"Oo kaya ko naman eh , saka magpahinga kana lang." Sambit nita at bumaba.
"Ihatid na kaya kita?" Tanong ko.
"Hindi na nga , magpahinga kana lang." Sambit niya.
"Okay sige! Ingat nalang ha? Salamat nga pala sa pagsama sa akin dito." Sambit ko at bumaba na rin. Naglakad na siya palayo , at kumaway siya.
Nagpasya akong pumasok na ng building , isasarado ko na sana ang elevator ng may pumigil sa pagsara nito.
Nagulat ako ng makita ko ang makisig at magwapong si Dwayne.
END OF CHAPTER 51!
أنت تقرأ
My Childhood Boyfriend (COMPLETED)
أدب المراهقينHi my name is Shayne Mckdon , 6 yrs old palang ako nagkaroon na ako ng jowabelz. Nagbabakasakali akong balikan niya ako. Ngunit may isang lalaking darating sa buhay ko na magpapabago ng takbo ng puso ko.