SHAYNE'S POV
"Bess? Okay ka lang ba?" Tanong ni Stacey. Tumango ako. " Oo naman." Pilit na ngiting saad ko.
"Sigurado kaba?" Tanong niyang muli.
"Promise okay lang ako." Nakangiting sambit ko.
"Ihatid kona kaya kayo sa bus terminal?" Saad niya. " Naku wag na , kaya na naman namin ni Blake." Sabi ko.
"Oo nga naman , hindi na naman kami bata para ihatid pa ano!?" Sabat ni Blake sa pag uusap namin ni Stacey. Binatukan siya ni Stacey.
"Ikaw! Kahit kelan talaga paepal ka! Nag uusap kami tapos sasabat kana lang bigla? Konting respect naman sa magaganda. Dzuh." Saad ni stacey sabay taray.
"Grabe , madadala na yata ako sa sobrang hangin. Shayne help me baka bigla nalang akong liparin dito. " Natatawang sambit ni Blake.
"Mukha mo hangin! Bwiset ka!" Bulyaw ni Stacey.
"Biglang nag-iba yung pakiramdam ko , mabuti pa tara na umalis." Sambit ni Blake.
"Ha bakit? May masakit ba sayo?" Tanong ko.
"Ano kasi eh, may dumaang masamang hangin. Parang may dimunyung dumaan." Natatawang saad niya. Kinurot ni stacey si blake.
"Alam mo pag magpaparinig ka , lumayo layo ka naman , masyado kong naririnig e." Saad niya at tinarayan si Blake.
"Oh siya tumigil na kayong dalawa, at baka maiwanan na tayo ng bus."sambit ko. Bigla akong Niyakap ni Stacey , niyakap ko rin siya. Hayss mamimiss ko ang pangdadaldal niya sakin.
"Mamiss kita bess! Uwi ka kaagad dito kapag naayos na ang lahat ha? Saka pasensya na talaga kung hindi ako makakapunta , alam mo naman kung bakit diba?" Sabi niya. Kumalas ako sa pagkakayakap .
" Mamimiss din kita bess , matagal-tagal tayong hindi magkikita , pero pag ayos na ang lahat , babalik din ako. Saka naiintindihan naman kita kaya wag ka ng mag-alala dun." Nakangiting sambit ko.
"Bess ang hiling ko lang naman ay pasalubong, kahit hotdog lang na may chocolate or gatas sa loob." Saad niya , natawa naman ako , saan naman kaya ako makakahanap ng ganun. Hay nakoo ang babaeng ito talaga.
"Hotdog ko ayaw mo ?.". Natatawang sambit ni Blake. Hinila ko ang patilya niya. " Arayyy ko namaaan shayne." Inda niya. Tumawa ng tumawa si Stacey.
"Ikaw! Daldal ka ng daldal , bagay kayong dalawa. Parehas kayong madaldal." Natatawang sambit ko.
"Teka anong hotdog ba yan Blake? Malaki ba?" Natatawang tanong ni Stacey.
"Oo, jumbo hotdog toh e." Saad niya sabay kindat. Ano ba tong mga toh.
"Tumigil nga kayong dalawa ang babastos niyo." Singhal ko , sandali kaming natahimik.
Biglang tumawa ng malakas silang dalawa. Ano na naman ba toh?
"A-ano?" Utal kong tanong.
"Ang green minded mo." Natatawang sabay na sambit nilang dalawa. Napaiwas ako ng tingin at walang pakundangang naglakad paalis.
"Oyy teka wait lang!" Sigaw ni Blake habang tumatawa. "Bye bess! Chat chat nalang tayo haaa!!" Sigaw naman ni Stacey habang tumatawa. Bagay nga silang dalawa dahil parehas silang loko loko. Hayss!
"Shayne! Nagbibiro lang naman kami HAHAHA." Natatawang saad niya.
"Tss, baliw niyo. Tara na nga baka maiwanan pa tayo ng bus." Sambit ko at pumara ng taxi.
YOU ARE READING
My Childhood Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionHi my name is Shayne Mckdon , 6 yrs old palang ako nagkaroon na ako ng jowabelz. Nagbabakasakali akong balikan niya ako. Ngunit may isang lalaking darating sa buhay ko na magpapabago ng takbo ng puso ko.