Shayne's Pov
Kasalukuyan akong naglalakad ngayon patungo sa gate , hayy , wala man lang ako natutunan kanina. Pano kasi eh , pinairal mo katalandian mo shayne!.
"Shayyy!" Sigaw ng kung sino , nilingon ko ito at nakita ko si Steven. Siya na naman??!!!
"What do you want?!" Inis kong tanong.
"Ito naman , lagi ka ng highblood." Natatawang saad niya. Inirapan ko lamang siya.
"Hatid na kita pauwi." Aniya.
"Hindi na kailangan , may kasabay na akong umuwi." Malumanay na sambit ko , tss, palagi nalang nanggugulo 'tong lalaksot na 'to. Kainis!
"Sino naman?, Luh may bago kana agad? Bilis ah?" Saad niya , huh? Parang ano ahh.... Ahh bstaaa!.
"Wala akong bago , kaibigan ko lang siya." Sambit ko. " Kaibigan? O kai-bigan?" Tanong niya.
"KAIBIGAN." Paglilinaw ko. Hina naman makaintindi nito. Kakasabi ko lang diba?
"Shayne tara na umuwe!" Saad ni blake , kakarating lang niya. Inakbayan niya ako. Hinayaan ko siya , wala namang masama diba? Kamag-anak ko naman siya eh kaya walang malisya dun. Pag kamag-anak , kamag-anak lang.
"Wala palang bago ha." Nakangising sambit ni Steven at umalis. Nagtaka ako sa inasta niya ,so ano namang problema dun? Porke may umakbay sakin? May bago na agad ako? Saka ano naman sakaniya yun? Balita ko may girlfriend na siya! Ang landi naman niya kung ganun.
"Sino yun." Tanong ni Blake. Tumingin ako sakaniya.
"Kutong lupa." Natatawang saad ko. " Jokk! Tara na nga umuwi! Marami pa akong gagawin!" Saad kong muli.
"Grabe naman sa kutong lupa , gwapo naman yun ah? Ayaw mo ba?" Natatawang sambit niya.
"Gwapo? San banda? De jok! Gwapo nga siya , eh masyado namang mahangin! Tapos malandi pa! Well , if you like him edi sayo nalang , tutal bakla ka naman." Natatawang saad ko.
"Wow! Grabe ka naman dun. Napaka judgemental mo naman shayyy! Saka i 'm not gay! Me gay? Eh dami ko ngang crush." Mayabang na saad niya.
"Nagsasabi lang naman ako ng totoo eh! Nong masama dun? Diba sabi nga nila , bawal magsinungaling kasi pagkakasala daw yun sa diyos." Sambit ko. Natawa siya.
"Oo nga naman." Natatawang sambit niya. " Haaayyyy! Tara na nga! " Saad ko.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad , madali naman kaming nakauwi dahil hindi na siaya masyadong nakipag usap sa mga kakilala niya .
Hayyy! Kapagod! Kamusta na kay si Unknown Boy? Magtetext kaya ulit siya mamaya?. Aysh! Eto na siguro yung tamang panahon para palitan ko si Dwayne. Siya naman yung may kasalanan diba? Siya yung naging praning sa mga nangyari noon.
Kakapasok ko lang sa bahay ng bigla akong sinalubong ni manang.
"Ineng , malapit na daw kayo umuwi dun sa dati niyong bahay ah? Diga'y mayroon kang juwa duon?." Saad ni manang , napalingon ako sakaniya.
"Manang naman eh! Wala naman akong jowa dun." Natatawang saad ko.
"Asus , diga'y nung bata ka? May naging juwa ka , aba'y kapag nagkukwinto ka nga saakin ay kilig na kilig ka. Ke bata mo pa nuon." Natatawang sambit ni manang natawa rin ako.
" Manang naman matagal na yun noh." Saad ko.
"Ay hindi mo pa ba siya nahahanap? Ay baka hindi mo naman hinahanap kaya di mo mahanap." Aniya.
"Manang wala po akong panahon para hanapin siya eh , siya yung nang iwan manang diba? Kaya bat ako ang maghahanap , dapat siya kasi ako yung iniwan niya." Seryosong saad ko.
Paano nga kaya kung makita ko na siya? Tapos may kasamang iba? Tapos ikakasal na pala siya , tapos may anak na siyang sampu. Ay grabe , katakawan naman niya. Sabi niya babalikan niya ako pero bat ngayon wala parin akong balita sakaniya. Hmp! Bahala siya , wala siyang pinagkaiba kay monte alegre!. Kung yung first love ko , iniwan ako , Si Dwayne ? Ay ewan ko na lang. Basta wala siyang tiwala sa akin!
Pagbumalik ako dun? Ano kayang magiging reaction nila? Hanggang ngayon hindi parin natatanggal ang inis at galit ko saknilang dalawa. Nakikita ko pa nga sa social media na maraming boto sakanilang dalawa. May picture pa nga silang dalawa na nakain sa labas , siguro ay sila na. Eh ano naman kung sila na? Kung kaya niyang humanap ng iba , kaya ko rin.
Nagpaalam na ako kay manang na aakyat na ako ss kwarto ko , pagpasok ko sa kwarto ko nakita ko si mama , inaayos yung mga gamit ko.
Nakita kong hawak niya ang litrato namin ni Dwayne noon.
"Mama! A-akin na po yan." Utal kong saad. Tumawa si Mama. Napasimangot ako , tsk , si mama talaga palagi na akong inaasar.
"Ayieee! Sabi ko na nga ba magkakatuluyan kayong dalawa eh!." Kinikilig na saad ni mama.
"Mama naman! " Inis na sambit ko. Napatigil siya sa pagtawa , mukhang alam niya na.
"Bakit anak? Wala na ba kayo?" Tanong ni mama. Umupo ako sa kama ko at nilapag ang mga gamit ko , tinabihan ako ni mama at hinawakan ang kamay ko.
"Anak? Anong naging problema niyo?"
"Mama hindi naman po naging kami ni Dwayne. At kahit kailan ay hindi na po magiging kami." Sambit ko.
"Aba eh bakit naman anak? Maganda ka naman ah? Matalino tapos mabait pa , halos na sayo na nga ang lahat." Natatawang saad ni mama.
" Mama naman , hindi naman po ganun eh. Kasi po may hindi magandang nangyari sa amin bago ako pumunta rito." Sabi ko.
"Eh ano ? " Tanong niya.
Habang kinukwento ko ang mga nangyari ay nananatili parin siyang nakangiti. Ang weird talaga ni mama minsan , tsk tsk tsk. So ayun na nga kinwento ko sakaniya lahat. Habang kinukwento ko ang mga nangyari , hindi ko napigilang malungkot. Nakita ni mama yun kaya't niyakap niya ako.
"Anak , hayaan mo sila kung anong gusto nila. Wala ka namang kasalanan sa nangyari , hindi ka pinaniwalaan ni Dwayne , hindi dahil wala siyang tiwala saiyo , siguro ay nabigla lang siya. Syempre mas nauna niyang nakilala si Morgan , mas nakasama niya ng matagal yun. Hayaan mong magpakasaya sila ngayon , darating ang araw na malalaman ni Dwayne ang lahat , ang totoong nangyari , at kapag nangyari yun, marerealize at magsisisi siya sa nagawa at nasabi niya saiyo." Saad ni mama habang yakap-yakap ako.
"Ma, sa tingin ko'y di ko na siya kayang patawarin pa , sabi niya mahap niya ako , pero bakit mas pinaniwalaan niya pa si Morgan. Kahit na matagal niya na yung nakilala o nakasama , kung ako ang mahal niya , ako ang paniniwalaan niya." Galit kong saad.
"Anak , kahit anong galit pa ang nasa puso mo , mawawala din yan. Alam kong may nararamdaman kapa sakniya , hindi naman agad mawawala yun." Saad ni mama.
"Matuto kang magpatawad anak , masama ang may galit sa puso." Saad ni mama.
END OF CHAPTER 47💖
YOU ARE READING
My Childhood Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionHi my name is Shayne Mckdon , 6 yrs old palang ako nagkaroon na ako ng jowabelz. Nagbabakasakali akong balikan niya ako. Ngunit may isang lalaking darating sa buhay ko na magpapabago ng takbo ng puso ko.