PLAY THE SONG "THE DAY YOU SAID GOODNIGHT!" QDWAYNE'S POV
Hindi ko na naihatid si Shayne sa bahay nila dahil kasabay niya naman daw ang parents niya kaya okay lang daw na hindi ko siya ihatid.
Inip na inip ako sa bahay kanina simula ng umalis sila kaya narito ako ngayon sa isang coffee shop sa labas ng subdivision namin.
Alas otso na nang gabi at Kasalukuyan akong nainom ng kape nang biglang may sumagi sa braso ko kaya't natapon ang coffee sa short ko. Nainis ako dahil mainit pa yung kape. Pagtingin ko ay si Morgan pala. Dumoble ang pagkainis ko nang makita ko siya.
"S-sorry , hindi ko s-sinasadya na masagi." Sambit niya , napansin kong sobra ang putla putla niya at sobrang payat niya na lalo.
"Hindi sinasadya o baka naman sinasadya mo talaga?." Sarkastiko kong pagkakasabi.
"Hindi ko talaga sinasadya." Nanghihinang saad niya.
"Tss." Sambit ko , paalis na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang braso ko.
"What do you want bitch? Can you please don't touch my arm?!. Baka mahawaan pa ako ng kasamaan mo eh!" Inis na tanong ko sknya. Nakita kong unti-unting tumulo ang luha niya. Nakaramdam naman ako ng pagkaawa pero mas nangingibabaw parin ang galit ko saknya.
"Sorry. Sorry sa mga nagawa ko sayo , sainyo ni Shayne , sainyo ng family mo." Sambit niya , napalingon ako. Is this true? Nahingi ulit siya ng tawad? HAHA! baka nagpapanggal lang ha? Nagpapatawa yata siya.
"Sorry your face , nagpapanggap ka lang , alam ko na yang mga style mo. Bulok na yan. Alam mo nakakainis ka! Ayoko ng makita pa yang pagmumukha mo!" Natatawa kong sambit.
"I'm telling the truth , believe me Dwayne , sorry for everything. Sana mapatawad mo pa ako , pero kung hindi , okay lang atleast nakahingi na ako ng tawad sa'yo , Sainyo. Pasensya na sa lahat , ang gusto ko lang ay magkaayos tayo , magkaibigan tayo diba?. " Naiiyak na saad niya , nakakainis siya! Kaya't naitulak ko siya , hindi ko napigilan ang sarili ko , nagulat din ako sa ginawa ko , shit!. Baka makunan pa siya nang dahil sakin.
"Okay lang 'to." Nakangiting saad niya at tumayo.
"Wag mo naman ako ganituhin dwayne , ang gusto ko lang naman ay marinig ko mula sa'yo na pinatawad mo na ako sa mga kasalanang nagawa ko sainyo , gusto ko bago ako mawala ay marinig ko mula sa'yo na pinatawad mo na ako " nakangiting sambit niya habang umiiyak. What? Aalis ba siya?.
"Tss , wala kang kwenta. Bwiset ka! Umalis ka na nga! Nag aaksaya lang ako ng panahon sa'yo." Masungit na saad ko at dali daling lumabas ng coffee shop. Sinundan niya ako kaya't binilisan ko pa ang paglalakad.
"Dwayneeeee!!!!" Sigaw ni morgan , hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lamang sa paglalakad.
Bigla na lamang may tumulak sa likuran ko. Nasaktan ako, ano bang nakain ng babaeng toh at tinulak ako! Tinapunan na nga ako ng kape itinulak pa ako!
"ano bang problema mong ba..." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng makita ko ang duguang si Morgan , nakahilata na siya sa kalsada at nagdudugo na ang kanyang ulo , at ibabang parte ng katawan niya. Shittt! What i've done?!!!
Agad ko siyang nilapitan , agad naman naglapitan ang mga tao , pilit ko siyang ginigising. Naiiyak ako sa mga nangyayari ngayon.
"Morgan , wake up!." I said while tapping her face. Nakita kong binukas niya ang mga mata niya.
"Shit! I'm so sorry! This is all my fault!. Sorry , sorry , sorry!" Umiiyak na saad ko.
"D-dwayne , w-wala kang kasalanan okay? G-ginusto k-kong iligtas ka , m-masaya ako na l-iligtas ka , huwag mong s-sisihin yung s-sarili mo. Ako dapat ang m-manghingi ng sorry sayo , mas m-marami ang kasalanan ko sa'yo , sorry for everything okay? P-please forgive me.." sambit niya habang hirap na hirap na sa paghinga. Shit! My tears!!! Sobrang naiiyak na ako.
"T-thank you for everything , t-thank you for loving me even i can't love you back , t-thank you for sacrificing your life and your baby's life to me. Sorry because i ignored you , sorry for everything , sorry dahil pati yung baby mo ay nawala nang dahil sa akin. Sorry sa mga nasabi kong masasakit sayo. Patawarin mo ako." Saad ko habang umiiyak.
"Kahit a-ano pang kasalanan ang magawa mo , ay papatawarin kita."saad niya habang papikit na.
"P-pinapatawad na kita , s-salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Lumaban ka okay? Malapit na yung ambulansya." Saad ko.
"Thank you D-dwayne , b-but h-hindi ko na kaya p-pang l-lumaban pa. Magiging m-masaya ako dahil m-makakasama ko parin ang anak ko kapag n-nawala ako. Stay s-strong sainyo , and c-congrats." Naiiyak na sambit niya.
"T-thank you! Salamat ulit. I love you as a bestfriend!" Sambit ko.
"T-thank you for l-loving me kahit na as a f-friend lang.........d-don't worry hindi p-parin k-ita pababayaan." Sambit niya atska nawalan ng buhay. Nanlumo ako at lalong naiyak ng makita kong wala na siya. Hindi ko akalain na mawawala siya ng ganito kabilis , nagsisisi ako na hindi ko siya pinakinggan , nagsisisi ako sa mga nasabi ko sknya , pero wala na akong magagawa pa ang nangyari ay nangyari na , Wala na siya.....
Wala na yung babaeng nagmahal sakin ng totoo kahit na hindi ko siya minahal pabalik....
Wala na yung babaeng isinakripisyo yung buhay niya para sakin.....
Wala na yung kaibigan ko....
Wala na yung babaeng gumawa ng masama para lang mahalin ko siya....
Ngayon alam ko na , alam ko na kung bakit siya nakagawa ng masama sa amin at sa akin , dahil ito sa sobrang pagmamahal, sa sobrang pagmamahal niya hindi niya alam na mali na yung ginagawa niya , sa sobrang pagmamahal niya lahat ng bagay ginagawa na niya kahit na makakasama pa saknya. Sa sobrang pagmamahal , pati buhay niya ay naisasakripisyo niya na.
Naiintindihan ko siya , kaya niya nagawa yun dahil nais niya akong makuha , gusto niya na siya ang mahalin ko , kaso dahil hindi ko siya kayang mahalin , gumawa siya ng paraan para makuha ako , yun ay ang paggawa niya ng masama.
"Salamat dahil sa huling pagkakataon ng buhay mo ay iniligtas mo parin ako." Umiiyak kong saad habang hawak hawak ko ang kamay ni Morgan. Hinalikan ko siya sa noo.
Salamat sa pagsasakripisyo mo morgan.
Salamat...
Salamat....
END OF CHAPTER 78!
AN: KAILANGAN NIYO BA TISSUE? SIGE BIGYAN KO KAYO BASTA AKIN NA BAYAD NIYO HAHAHA!.
YOU ARE READING
My Childhood Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionHi my name is Shayne Mckdon , 6 yrs old palang ako nagkaroon na ako ng jowabelz. Nagbabakasakali akong balikan niya ako. Ngunit may isang lalaking darating sa buhay ko na magpapabago ng takbo ng puso ko.