CHAPTER 57

171 11 0
                                    

SHAYNE'S POV

Play tha song DI LANG IKAW by Jurid

Nanatili siya sa mga bisig ko , ramdam ko ang pagod sakanya. Sinilip ko siya at nakita kong tumulo ang luha niya.

Nakaramdam ako ng lungkot , namiss ko yung mga pagyakap-yakap niya sa akin. Nakakamiss din pala yung mga dating ginagawa namin noh? Yung panahong wala pa kaming problema , pero ngayon sobrang dami na . Sana matapos na lahat ng 'to kasi nakakapagod na.

"Ang tagal kong hinintay na mangyari ulit 'to."

"A-ang alin?."

"Etong pagyayakapan natin." Sambit niya. Napaiwas ako sakanya at aking tinanggal ang pagkakayakap.

"Oh bat ka umiwas?" Tanong niya.

"W-wala." Sambit ko. Kinuha ko na lamang ang yelo at dinampi ito sa mga pasa niya sa mukha.

"By the way , a-ano nga palang nangyari s-sayo? Bat ganyan kadami yung sugat sa katawan mo?." Tanong ko.

"Bakit? Nag-aalala kaba?" Nakangisi niyang saad.

"Nagtatanong lang naman ako! Nag-aalala na agad?." Masungit na saad ko , nakita ko ang pagkalungkot sakanyang mga mata.

"Naaksidente ako , nung nakaraang araw , lasing ako nun , nag-away kami ni Morgan." Sambit niya.

"Eh ano naman ngayon kung naaksidente ka? Wala na akong pake dun , saka mas mabuti pa siguro na umuwi kana lang kasi baka maga..."

"Hindi mo na ba talaga ako mapapatawad? Alam mo naman kung gaano kita kamahal diba? Wag ka namang ganyan Shayne , wag mong gawin sa akin 'to." Sambit niya , nangunot lalo ang noo ko.

"Ikaw ang may kasalanan diba? Mas pinairal mo yang kakatihan mo , kaysa sa pagmamahal mo sakin. Akala ko pa naman tapat kang tao ,pero hindi pala." Sigaw ko.

"Mahal na mahal kita kahit ganyan ka , palagi mong tatandaan na hinding-hindi ka mawawala dito sa puso't isip ko , ikaw ang dahilan kung bakit gusto ko pang mabuhay sa mundong 'to , ikaw ang dahilan kung bakit lumalaban ako, Shayne kita mo naman kung gaano ako nahihirapan sa sitwasyon ngayon sana naman maintindihan mo lahat , makinig ka muna sa akin pwede ba?." Pakiusap niya habang umiiyak.

"No! I will never listen to your explanations! Tapos na tayo! Kaya hindi ko na kailangan yang mga paliwanag mo." Sigaw ko.

"Okay lang , basta tandaan mo ,kapag hindi ko na kinaya  ang lahat palagi mong tatandaan na kahit na mawala ako sa tabi mo , palagi parin kitang babantayan. Ganyan kita kamahal , kinakaya ko lahat , kahit na masakit na kakayanin ko para lang sa'yo Mahal ko. Mananatili ka sa puso ko at hinding-hindi ka mawawala sa isip ko ." Nanghihina niyang saad. Nakaramdam ako ng awa. Nakita kong hinawakan niya ang tiyan niya , at maraming dugo na pala ang nawala sakanya. Napaiyak ako sa nakita ko.

"A-anong nangyayari sayo Dwayne! Tara na sa hospital!." Sigaw ko.

"No , hayaan mo ako , kaya ko 'to , kung mawala man ako sana ay ingatan mo yang sarili mo , saka sana kalimutan mo na ako , para hindi kana masaktan at malungkot , sana maging masaya ka." Nakangiti niyang saad.

"Wag ka namang magsalita ng ganyan! Hindi ka pa mawawala!." Sigaw ko.

" M-may d-dapat kang malaman , hindi ko naman talaga a....." Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya ng bigla akong nakarinig ng putok ng baril , may biglang pumasok na isang lalaking malaki ang katawan. At tinutukan ako ng baril.

"Teka! Huwag na huwag mong ipuputok yan sakanya.!" Sigaw ni Dwayne.

"At bakit naman kita susundin? Pag gusto ko! Gagawin ko. Wag kang mangialam." Saad ng lalaki.

"A-ano bang kailangan mo sakin! Ibibigay ko lahat , huwag mo lang kaming sasaktan." Sambit ko.

"Ang kailangan ko lang naman ay lahat ng kayamanan mo , alam kong marami kang gintong tinatago , nasaang lugar yun! Kapag hindi mo sinabi papatayin kita." Saad niya. Lihim akong tumawag sa mga body guards ko, tinawagan ko ang isa saknila. Sinagot niya naman agad ito.

Nang tumalikod ang lalaki ay agad kong kinausap ang body guard ko.

"Tumawag ka ng pulis ngayon na, nandito kami ngayon sa room 12." Bulong ko at agad napinatay ang tawag.

"Ano na! Nasaan nga?" Sigaw niya.

"Nasa likod ng bahay ko." Saad ko. Pero wala naman talaga dun , nasa bagong bahay ko ang mga ginto at diyamante ko. Nagpagawa ako ng underground Room , kung saan lahat ng kayamanan ko ay nandun.

"Mas mabuti pa , samahan mo ako pumunta sa bahay mo. Para makasigurado narin ako na nagsasabi ka ng totoo.

"Hindi pwede!." Sigaw ni Dwayne.

"At bakit? Sino kaba?." Tanong ng lalaki.

"Ako ang asawa niya." Sigaw ni Dwayne napatingin ako sknya at sumenyas siya na tumakas na ako pero hindi ko ginawa , ayokong iwan siya dito.

"Hahaha! Asawa? Eh balita ko nakabuntis ka daw ng iba ah?." Saad ng lalaki.

"Huwag kang makialam , hindi totoo yun. " Sigaw ni Dwayne , sinugod niya ang lalaki at sinuntok.

"Tama na."sigaw ko.

Tumayo ang lalaki at pinagsusuntok si Dwayne. Lumapit ang lalaki sa akin at tinutok niya ang kanyang baril. Umatras ako.

"Huwag mo siyang sasaktan." Saad ni Dwayne.

"Hindi ako tanga para sundin ka gagu." Sigaw ng lalaki. Bigla niyang pinutok ang baril , niyakap ako ni Dwayne . Hindi ako nakaramdam ng sakit sa katawan , hinawakan ko ang likod ni Dwayne at nakita kong may dugo ito. Sinakripisyo niya ang buhay niya para sakin , dapat ako yung nabaril at hindi siya.

"Mahal na mahal kita Shayne , lalaban a-ako para s-sayo , pero pag hindi ko na kinaya pa ay sana sumaya ka sa iba." Nanghihina niyang saad . Agad na tumulo ang mga luha ko , kasabay non ang pagpikit ng mga mata niya.

Mahal na mahal din kita Dwayne.

END OF CHAPTER 57!

My Childhood Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now