DWAYNE'S POV
Iniwan kami ni Shayne dito ni Morgan sa loob ng C.R. Hindi ko akalaing ganun siya , akala ko pa naman napakabait niya. Sinaktan niya ang kaibigan ko. Mas matagal kong kilala si Morgan kaysa saknya kaya alam ko ang ugali ni Morgan.
Iniisip ko parin kung tama ba o mali yung ginawa ko. Hayy! Bahala na nga , madali naman siguro kami magkakabati dahil hindi ko siya kayang tiisin , ewan ko lanh kung ganun din siya.
"Dwayne , salamat ha?" Biglang saad ni Morgan.
"Welcome , dapat lang na napagsabihan ko siya dahil sinasaktan ka niya. Hindi naman tama yun diba?"
"Talagang hindi ,sobrang sakit ng katawan ko dahil sa ginawa niya , at kung ano ano pa ang sinabing masasakit na salita sa akin." Naiiyak niyang sambit.
"Don't worry gagamutin natin yang mga sugat at pasa mong iyan. Lets go." Yakag ko. Tumango siya at sumunod sa akin palabas.
Naglalakad kami ngayon papuntang clinic ng mapalingon ako sa kanan ko. Nakita ko si Shayne , may kasama siyang lalaki. Naiyak siya at yakap yakap siya nung lalaki. Sino siya?! At bakit siya nagpapayakap.
Napahinto ako sa paglalakad kaya napahinto rin si Morgan , nagtanong siya kung bakit ang sabi ko naman ay may napansin lang , ilang saglit pa nang kumalas sila sa pagkakayakap nakita ko ang pagmumukha ni Blake.
Bwisit kang hayop ka! Susugurin kona sana siya ngunit pinigilan ako ni Morgan.
"Hayaan mo na sila Dwayne , sinasabi ko na nga may namamagitan sa kanilang dalawa. Pinaglaruan ka lang niya Dwayne , Pinaglaruan ka lang nilang dalawa." Saad niya . "Hindi ka nararapat sa babaeng yan , pineperahan ka lang niya , narinig kong pineperahan ka lang niya nung nasa c.r ako , kaya nung sinabi kong sasabihin ko sayo ang narinig ko dun niya na ako pinagtatadyak at pinagsasabunot." Naluluhang saad niya. Niyakap ko si Morgan at hinawak-hawakan ang ulo niya.
"Shhh okay lang yan. Mabuti nalang sinabi mo , ganun pala ang ugali ng babaeng yan. Kala ko pa naman iba siya sa lahat." Sambit ko bago kami nagpatuloy sa pagpalakad.
Akala ko pa naman nagugustuhan niya na ako , feeling ko kase. So ano? Niloloko lang nila ako? Ano yung sweetness namin? Lokohan lang yun? Laro laro lang siguro sakanya? Akala ko pa naman katulad siya ng first love ko, pero madami silang pagkakaiba, and yes kaya ko siya nagustuhan dahil kapangalan niya ang first love.
May gusto na ako dati kay morgan ngunit ng makilala ko si Shayne , nawala ang lahat ng nararamdaman ko skniya.
Ano pa bang kulang ko?
"SHAYNE'S POV
Narito ako ngayon sa condo ko , kasama ko si Blake , at kasulukuyan akong nag iimpake ngayon. Bukas na ang alis namin. Saka bago kami umalis kanina sa schoop ay nag gawa ako ng letter , baka kasi mag transfer na ako dun. Dun na muna siguro ako, ayoko pa rin namang makita ang pagmumukha ni Dwayne.
"Sigurado kana ba? " Tanong ni Blake.
"Saan?"
"Na hindi ka magpapaalam sakniya?"
"At bat naman ako magpapaalam? Boyfriend ko ba siya? ". Masungit kong saad. Oh eh diba? Tama naman? Atsaka bat ako magpapaalam , ano siya ? Tatay , nanay o jowa ko?
"Hmmm okay." Sagot niya.
"Nga pala pwede ka ditong tumulog , dun kana lang sa kama ko at dito nalang ako sa sofa.". Nakangiting saad ko.
"No , ako nalang dyan sa sofa sanay naman ako matulog sa sofa." Saad niya.
"Aysh! Di na ako makikipagkulitan sayo ha? Inaantok na kasi ako. Saka salamat nga pala sa kanina? Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka, byeee goodnight. Tulog kana maaga pa tayo aalis bukas eh." Saad ko.
YOU ARE READING
My Childhood Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionHi my name is Shayne Mckdon , 6 yrs old palang ako nagkaroon na ako ng jowabelz. Nagbabakasakali akong balikan niya ako. Ngunit may isang lalaking darating sa buhay ko na magpapabago ng takbo ng puso ko.