SHAYNE'S POV
Gabi na kami nakauwi dahil naggala pa kami at kumain pa ng kung ano-ano.
Natuwa ako kanina dahil nararamdaman ko ng magkakasundo na silang dalawa. Nalaman ko rin kay blake na hindi niya naman talaga ako gusto , nagpanggap lang siya para mas magalit sknya si Stacey , para mas madaling makalimutan ni stacey si Blake.
Mabait naman na tao si Blake , akala mo lang talaga masama pero mabait. Ayaw niya lang na nasasaktan yung mga taong mahahalaga saknya lalo na yung taong mahal niya. Si blake yung taong handang gawin ang lahat maprotektahan lang yung mga taong mahahalaga saknya. Okay lang saknya kahit masaktan na siya ang mahalaga saknya ay ligtas yung taong mga mahahalaga saknya.
Si blake yung taong hindi sumusuko sa isang bagay. Sana nga magkapatawaran na silang dalawa.
Kringgg kringgg kringgg**
Tumatawag si Dwayne kaya't sinagot ko kaagad ito.
"Hey! Bat ngayon mo lang nasagot yung tawag ko." Sambit niya.
"Lowbat kasi ako kanina kaya di kita naitext man lang. Nga pala naggala kami kanina nina stacey at blake ,hindi kasi kami natuloy nina mama sa lakad namin."sambit ko.
"Bat kasama pa si blake?." Tanong niya.
"Eh syempre bestfriend namin yun eh , saka nagdedate yung dalawa noh " sambit ko.
"Sino? Si stacey at blake? Really? Is that true! Nice , that's good para wala na akong kaagaw sa'yo " masayang sabi niya , napatawa ako.
"Ang OA mo!." Sambit ko habang tumatawa.
"OA na kung OA!." Sambit niya.
"By the way , bukas birthday mo na , kaya matulog kana , matutulog narin ako dahil antok na antok na ako , saka pagod ako kaya need ko na ng rest , alam kong pagod ka din sa kakatulong jan sa bahay niyo kaya magpahinga kana." Sambit ko.
"Okay okay! You know what i miss you! Maghapon kitang hindi nakita eh. Video call tayo saglit." Saad niya.
"Waaag naaa! Ang haggard ko kaya saka madilim na dito kaya. Tomorrow nalang , aagahan ko na lang yung punta ko jan tomorrow ." Saad ko.
"Promise?." He asked.
"Hmmm , i'm not sure , depende kung wala na akong masyadong gagawin dito sa bahay." Sambit ko.
"K fine! Pero pag di ako nakatiis ha! Pupuntahan talaga kita jan bukas!." Saad niya.
"Okaaay! Goodnight hubby! I love youu! Mwaps!." I said.
"Goodnight wifey! I love you more! Mwa mwa tsup tsup!." Sambit niya.
"MWA MWA TSUP TSUP TALAGA?." natatawang sabi ko. Tumawa siya.
"Papatayin ko na yung tawag okay? Alam kong pagod ka at kailangan mo ng pahinga. See you tomorrow!." Saad niya.
"See yah!" Saad ko , pinatay niya na ang tawag ,kasabay nun ang pagpikit agad agad ng aking mga mata.
★★★★★★★
SHAYNE'S POV
Maaga akong nagising dahil magbe-bake ako ng cake and cupcakes for dwayne.
Simple lang yung regalo ko pero alam kong maappreciate niya yun. Hindi naman siya yung tipo ng lalaking hihingi ng mga mamahaling bagay , simpleng bagay lang ay okay na sknya.
"Anak? Hindi kaba pupunta kina dwayne? Birthday niya ngayon ah?" Tanong ni papa.
"Magbe-bake muna po ako papa , dagdag ko sa panregalo sknya." Sambit ko.
"Naks naman! Support ako jan anak!." Sambit ni papa.
"Una na ako ha? May aasikasuhin pa ako sa company, uuwi naman ako mamaya , alas syete pa naman yung party diba?" Saad ni papa.
"Yes po." Sambit ko.
"Sige una na ako " saad niya .
"Bye pa , ingat!." Sambit ko.
Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko , mahirap pero kakayanin ko hehe , sana lang mahing perfect yung gawa ko. Dati na naman akong nagbe-bake pero yung ibang bake ko minsan ay nagiging palpak.
Maya maya pa'y natapos na ako sa pag mimix . Sunod ko itong nilagay sa oven. Habang nasa oven ito ay nagdilig muna ako ng halaman , wala rito si manang dahil namimili siya ng gamit sa bahay ,halos araw-araw na yata syang namimili hehe. Si mom naman naglilinis sa taas.
Hindi na kami kumuha pa ng yaya , dahil kaya naman naming linisin itong bahay kahit na napakalaki. Dagdag gastos pa kasi kapag may katulong , okay ng si manang at yung isa naming driver.
Narinig ko ang pagtunog ng oven kaya't dali dali kong inilabas ito, sinunod ko yung sa cupcake.
Habang nasa oven ang gagawin kong cupcake ay dinedesenyuhan ko naman ang cake.
Inabot ako ng isa at kalahating oras sa pagdedesign. Dahan-dahan lang ako sa pagdesign dahil baka magkamali ako , lalo pa't di naman ako masyadong sanay.
Nang matapos ko ang cake ay sinunod ko ang 20 pieces na cupcakes. Madali ko naman itong natapos.
Alas dyis na ako natapos sa pagbe- bake, at dahil wala pa si manang , ako na ang nagsaing at nagluto ng ulam.
"Anak! Naiimagine ko tuloy." Saad ni mama.
"Ha? Ano pong naiimagine." Tanong ko kay mama.
"Naiimagine ko kapag mag asawa na kayo ni Dwayne , alam ko at nakikita ko na magiging mabuting asawa sknya." Sambit ni mama.
"Ang advance mo naman ma! Pero syempre mana ako sayo noh! Mabuting ina tapos mabuti pang asawa!." Nakangiting sambit ko.
"Sus nambola pa." Saad ni mama.
"I'm not joking ma! I'm telling the truth!." I said.
"Oh sya kumain na tayo at nanjan narin naman si manang!." Saad ni mama.
"I love you Ma!." I said.
" I love you too anak!." Sabi ni mama.
Niyakap ko siya at niyakap niya rin ako , saktong pagbaba ni kuya, manang , at manong kaya't sabay-sabay na kaming kumain. Nag usap usap kami sa pagpunta namin sa birthday ni Dwayne.
Pagtapos kong kumain ay pumunta ako sa kwarto ko , sa sobrang pagod na aking naramdaman hindi ko na napigilang hindi ipikit ang aking mga mata.
★★★★
DWAYNE'S POV
Kanina ko pa hinihintay si Shayne pero hindi pa siya nadating tinawagan ko ang mama niya kanina ang tinanong kung nasan si Shayne sabi niya ay busy at may ginagawa.
Hindi na ako nakapunta ng bahay nila dahil unti unti nang nagsisidatingan yung mga kamag-anak namin galing ibang bansa , yung iba naman ay galing probinsya. Hindi na ako pinayagan ni mommy na umalis dahil kailangan raw ako dito sa bahay.
Alas singco na ng hapon at narito na lahat ng ibang kamag anak namin ,yung iba ay hindi makakadalo dahil busy daw. Kasalukuyan kong inaayos ang isusuot ko , maliligo na ako para tuyo agad yung buhok mamaya.
Tinext ko si shayne na pumunta na siya dahil namimiss ko na siya ,pero hindi siya nagreply , simula kanina ay hindi niya pa ako binabati , siya yung inaabangan kong babati sakin pero mas nauna pa yung mga taong di ko close sknya.
Napagpasyahan ko nang maligo , ayoko maging malungkot ngayong , sana lang ay dumating si Shayne....
Darating pa kaya siyaaa?...
Hays:(
END OF CHAPTER 83!
YOU ARE READING
My Childhood Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionHi my name is Shayne Mckdon , 6 yrs old palang ako nagkaroon na ako ng jowabelz. Nagbabakasakali akong balikan niya ako. Ngunit may isang lalaking darating sa buhay ko na magpapabago ng takbo ng puso ko.