Enjoyyyy:)
DWAYNE'S POV
"Hindi ko siya mahal." Saad ko.
"Hindi ko siya mahal , dahil mahal na mahal ko siya." Dagdag ko.
"Dwayne, baka nagkakamali ka lang." Saad niya.
"Hinding-hindi magkakamali ang nararamdaman ko para sakaniya. Kaya huwag mo akong diktahan , kaibigan kita Morgan , kaya hanggang dun nalang yun." Sambit ko.
Kanina pinipilit niya akong mag stay kami dito.
Flashback*
"Dwayne, magpaiwan nalang tayo dito , alam mo na ang tagal nating hindi nagkasama baka pwedeng dito nalang tayo." Saad niya habang hinahawakan ang braso ko. Tinanggal ko ang kamay niya.
"Hindi pwede , may pasok ako bukas." Pagpapalusot ko.
"Sige naaa please?" Pakiusap niya. Hinawakan niya ang dibdib ko.
"Hindi talaga pwede."saad ko.
"Magugustuhan mo ang gagawin ko sa'yo kung mag stay tayo dito. Kaya kitang paligayahin." Saad niya at hinalik-halikan ang leeg ko. Pinigilan ko siya.
"Morgan tama na, bat ka ganyan? Hindi ka naman ganyan dati. Mabuti pa umalis ka na , baka dumating si Shayne at kung anong isipin niya." Saad ko.
"Hindi mo ba ako gusto? Palagi nalang shayne! Ano bang meron sa shayne na yan! Ako naman ang gustuhin mo kahit ngayon lang , matagal rin naman ang pinagsamahan natin ah?!" Lumuluhang sabi niya. Hinalikan niya ako sa labi kaya't tinulak ko siya.
"Si Shayne lang ang gusto ko at hindi na magbabago yun." Saad ko.
End of flashback*
"Mauuna na ako." Saad ko at iniwan siyang mag-isang umiiyak dun.
Pagkalabas ko ng room ko nakita ko si Shayne , naglalakad papalayo kaya sinundan ko kaagad siya. Hindi kaya nakita niya yung paghalik sa akin ni Morgan? Shit! Baka isipin niya na ginusto ko yun kahit hindi naman talaga.
"Shayne! " sigaw ko. Nakita ko siyang huminto. Kaya't agad-agad akong lumapit sakaniya. I huged her.
"Sorry." Saad ko.
"Ba't ka nagsosorry?" Tanong niya.
"So hindi mo nakita?" Tanong ko.
"Nakita ang alin?" Tanong niya.
"Wala , wala. Sabi ko mahal na mahal kita. Kahit na anong mangyari , sana pagkatiwalaan mo pa rin ako ha?" Saad ko. Ngumiti siya.
"Oo naman." Sambit niya saka niyakap ako pabalik.
"Tara na sa baba?" Yaya ko. At tumango siya.
Naglalakad na kami papalabas ng hotel ng may tumatawag sa cellphone ni Shayne kaya't sinagot niya ito. Pumunta siya sa isang gilid habang ako naman ay narito sa isang bench.
"Dwayne , naroon na daw sila sa sasakyan. Sumunod na daw tayo sakanila." Saad niya.
"Okay, lets go." sabi ko.
"Paano si Morgan?" Tanong niya.
"Hayaan mo na yun makakauwi naman yun ng mag-isa." Saad ko at tumango si Shayne. Hinawakan ko ang mga kamay niya at agad kaming nagpunta sa parking lot.
********
Nakapasok na kami ng sasakyan. Syempre magkatabi kami ni shayne.
"Oh nasaan si Morgan? Siya nalang ang wala." Tanong ni Stacey sa amin ni Shayne.
YOU ARE READING
My Childhood Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionHi my name is Shayne Mckdon , 6 yrs old palang ako nagkaroon na ako ng jowabelz. Nagbabakasakali akong balikan niya ako. Ngunit may isang lalaking darating sa buhay ko na magpapabago ng takbo ng puso ko.