CHAPTER 52

205 18 1
                                    

SHAYNE'S POV

Kinabahan ako bigla ng makita ko siya , siya lang at hindi niya na kasama si Morgan. Unti-unti siyang naglakad papasok.

Sumarado ang pinto ng elevator , kami lang ang narito sa loob. Walang may umimik sa amin , sobrang tahimik .

Maya maya pa biglang namatay ang ilaw sa loob ng elevator. Natakot ako kaya't napayakap ako sakaniya. Mas lalong gumanda ang katawan niya ,mas lalong tumikas at kumisig . Siguro'y nag gygym din siya este sila ni Morgan.

"Wala ka paring pinagbabago , takot ka parin sa dilim." Natatawang sambit niya. Napalayo ako saknya.

"Wala ka ng paki dun." Malamig kong sabi.

"Don't worry , nandito naman ako kaya wag kang matakot. Hindi kita pababayaan." Saad niya. Alam kong nakatingin siya sa akin , kahit hindi ko kita ay ramdam ko ang mga mata niya sa akin.

PLAY THE SONG "LET ME BE THE ONE"

"Talaga? Hindi pababayaan? Nagbibiro kaba?" Natatawang saad ko.

"Este Hindi NA." sarkastikong sabi niya. Hindi ako umimik.

Hindi parin nabubuhay ang ilaw ng elevator mukhang nasira na naman. Ito rin yung dating nasira.

"Shayne?"  Saad niya. Hindi ako umimik.

"I know na galit ka parin sa akin dahil sa nangyari , pero sana naman kalimutan nalang nati...."

"What? Are you crazy?! Kalimutan? Sa lahat ng ginawa mo sakin kakalimutan nalang? Nagpapatawa kaba?" Natatawang sambit ko.

"Shayne, hanggang kailan?" Tanong niya.

"Hanggang kailan aabot ang galit mo? Kapag namatay na ba ako?. Hindi na ba huhupa yang galit sa puso mo?. Hindi na ba tayo magkakaayos? Mananatili nalang ba tayong ga..."

" You know what ?  kasalanan mo naman ang lahat ng nangyari sa atin. Kung hindi ka naniwala agad sa Morgan na yun , kung pinagkatiwalaan mo sana ako edi sana Tayo na. Sayang ka Dwayne , ikaw sana yung pangalawang makakakuha ng matamis kong oo. Edi sana masaya tayo ngayon , at hindi tayo ganito. Mas pinairal mo kasi yang ka praningan mo." Sigaw ko. Napaluha ako , agad kong pinahiran ito. Hinawakan niya ang kamay ko , ngunit inalis ko ito.

"Hindi ko kasi alam na..."

"Yun nga! Hindi mo alam eh , pero ako yung naging masama kahit na wala akong ginagawang masama , pinagtanggol ko lang yung sarili ko!." Sigaw kong muli.

"Sorry , sorry sa mga nagawa ko , sorry kung mas pinaniwalaan ko pa siya kaysa sayo." Saad niya , narinig ko ang paghikbi niya.  Pero wala akong pakialam.

"Sorry? , HAHA! sayo na yang sorry mo , sobra mo akong nasaktan. Walang magagawa yang sorry mo sa mga nagawa mo." Natatawang sambit ko.

"Sana magkaayos na tayo." Saad niya , tumawa ako ng malakas.

"Magkaayos? Ha! Asa ka! Hindi ka kawalan sakin kaya okay lang na hindi tayo magkaayos! Hindi naman ako mamamatay kung hindi tayo magkaayos eh. Huwag ka ng umasa pa. Dahil baka kahit mawala ka ay hindi ko parin gugustuhin na makaayos ka. Masaya kana ngayon diba? Kitang-kita sa mga post niyo.  Masaya ka habang ako nasasaktan parin." Saad ko , hindi ko narin napigilan lumuha , napaupo ako.

"Shayne , please kalimutan nalang natin ang lahat , magkapatawaran na tayong dalawa , Mahal na mahal kita Shayne at hindi ko kaya na makita kong magkasama kayo ni Blake." Humihikbi niya saad. Nakaramdam ako ng kaunting awa sakanya. Ngunit nagmatigas parin ang puso ko. Hindi ko parin kaya , sa sobrang sakit ng pinaramdam niya ay hindi parin matanggal ang sakit.

"Napaka gago mo din pala eh noh?! May girlfriend kana! Nagmamahal ka pa ng iba , sabi nga nila kung mahal mo daw ang isang tao , hindi ka na magmamahal pa ng iba. Pero bakit ikaw? Nagmahal ka pa ng iba , walang salitang pagmamahal dun Dwayne , kung mahal mo ako , hindi ka maghahanap ng iba." Saad ko. Niyakap niya ako.

My Childhood Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now