DWAYNE'S POV
Sarap na sarap siya , halos ipikit niya na ang mata niya sa sarap. Hmmm gustong gusto niya talaga.
"Hmmm, grabe ang sarap . Hmmm !" Nasasarapang sabi niya.
"Sabi ko naman kasi sayo , masarap 'to." Nakangising sabi ko.
"Hmmm! Sulit ang bayad dun sa resto na binilhan mo. Grabe ang sarap! Kaya naman pala ang mahal ng bayad kasi masarap yung mga putahe. Thank you ah!" Masayang sambit niya.
'Tong babaeng 'to nahiya pa kanina. Hahaha kakain din pala.
Flashback*
"Kain kana masarap 'to" nakangiting sambit ko.
"Ay ayoko busog pa ako promise , saka kakain nalang ako mamaya dyan." Saad niya.
"Hmmm, ang sarap pa namn nito oh, ang tamis ng cake hmmm. Yummy!" Pang-iinggit ko sakanya. Hahaha Grabe, takap na takap na siya.
"Psh, bat ganto kasarap 'to! Hayst! Ang sarap talaga. Ayaw mo ba talaga? Tikman mo lang, kahit isang tikim lang." Nasasarapang sabi ko.
"Hmmm sige na nga." Sabi niya.
Krukk* krukk* krukk*
"Hahahaha kala ko ba hindi ka gutom? Eh bat kumukulo na yang tyan mo? Baka mamaya magutom na dyan yung mga bulate mo , kaya kumain kana" saad ko.
"Aysh! Wag ka ngang tumawa! Nagugutom na nga ako e." Nahihiyang sabi niya. Nakakatuwa yung itsura niya. Parang matatae na ewan.
"Hmmm! Grabeeeee ang sarap nga pala nito! Kainin ko na 'to ha?" Sabi niya. Tumango naman ako.
Sus aayaw-ayaw pa kakain din naman.
End of Flashback*
"Sabi ko naman kasi sayo. Paayaw ayaw ka pa kanina kakain din naman pala . Tss." Sambit ko.
"Kala ko kasi panget ang lasa eh!" Pagdadahilan niya at patuloy parin sa paglamon. Tumawa na lamang ako at nagpaalam ng umuwi.
Bigla kong naalala yung matanda kanina . Bat ganon na lamang ang galit niya sa akin. Anong kasalanan ko? Anong kasalanan namin ng pamilya ko?
Hayyy, i'm so tired ! I need to rest , a long long rest.
SHAYNE'S POV
Grabe ang sarap ng mga putahe na 'to , sa susunod pala yayakagin kong kumain dun sina mama. Kamusta na kaya sila? Hmm matawagan nga.
Kringgg* kringgg* kringg*
"Oh hello anak? Kamusta kana? Bat napatawag ka? May kailangan kaba?"
"Grabe ka naman ma! Porke tumawag ako may kailangan na? Ikaw talaga ma! , wala lang naman Ma! Kamusta na kayo diyan? Anong balita kay lola?" Tanong ko kay mama.
"Eto mas lalong nagiging mahirap ang sitwasyon ng lola mo , pero kaya niya pa naman daw. Gusto niya daw umuwi ka rito kapag sem break, or kapag bakasyon, gusto niyang makita ang babaeng apo niya." Mahabang litanya ni mama.
"Sabihin mo kay lola , magpagaling siya ah? Saka ingat kayo dyan ma, ikamusta mo na lang ako kay kuya at kay papa. Ibaba kona ang tawag . Inaantok na po kasi ako , may pasok pa po ako bukas." Ani ko.
"O siya sige sasabihin ko , mag-ingat ka dyan anak ha? Alagaan mo ang sarili mo! Hindi ko pa alam kung kailan kami makakauwi , basta sasabihin ko na lang sa iyo. At saka isa pa , may boypren kana ba? Kung meron , ipakilala mo naman samin ng papa mo." Sabi ni mama.
"Ma naman! Wala po akong boyfriend! Si dwayne palang diba?" Saad ko.
"Oh sya! Sige na , HAHAHA! Binibiro lang kita anak! Alam ko namang si dwayne palang . Ibaba kona ha? Iloveyou anak!" Sabi niya.
"Bye ma! Iloveyoutoo!" Sambit ko bago ibaba ang tawag.
Aysh! Sana maging okay na si lola, sana naman okay lang din doon sina mama , papa at kuya. Miss na miss ko na talaga sila. Hindi ako sana'y ng wala sila dito. Aysh! Buti nalang narito si Dwayne. Tsk!. Makatulog na nga lang.
ZzzzzzZzzzzZzzzzZzzzzzzZ*
Kinabukasan...
'Baby shark doo doo doo doo doo doo baby shark doo doo doo doo do baby shark'
(baby shark twerk version yan )
Narinig ko ang alarm ko , tsk tsk tsk. Teka parang napapasayaw ako ah. Charot lang!
"Aysh! Ano ba yan! Inaantok pa ako e!" Singhal ko.
Bumangon na agad ako at kumain , saka naligo. Ayokong malate baka mapagalitan ako ni maam cecil at madetention na naman.
*****
Pagkatapos kong maligo , agad akong nag-ayos ng aking mga dadalhin. Nagpulbo at nagsuklay ako saka lumabas. Saktong paglabas ko ay lumabas na rin si Dwayne. Ang bango niya. Hihihi. Ano kayang pabango niya?
"Goodmorning Baby!" Sambit niya.
"Don't call me baby , coz we're not magjowa! Dzuh!" Pagtataray ko.
"Suss! Gusto din naman! Di joke lang baka mamaya mainis ka na naman , baka mamaya umusok na naman yang ilong mo sa inis." Tumatawang pambibiro niya. Kahit kailan talaga ang lalaking 'to.
"Aysh! Umusok ang ilong?! Eh hindi naman nausok eh! Dzuh! " maarte kong sabi.
"Ah basta! Tara na nga! Baka malate pa tayo, sabay ka na sakin ha." Yaya niya at tumango naman ako agad. Aba syempre! Sayang din kaya yung pamasahe! eh dito libre na.
Mabilis lamang ang naging biyahe namin dahil hindi naman kalayuan ang condo na tinitigilan namin sa school. Pinagbuksan naman ulit ako ni dwayne.
Pagbabang-pagbaba ko ng sasakyan agad nagbulungan ang mga studyanteng nasa parking lot ng school.
'Oh my god! Bakit sila magkasama?!'
'Totoo ba 'tong nakikita ko?'
'Ang pangit naman ni gurl! Tingnan mo naman oh! Hindi bagay kay bebe dwayne ko!'
'Ayan yung babaeng poor diba?! Bat niya kasama si dwayne! Hindi sila bagay!'
'Oh em gieee! Ang gentleman naman ni dwayne! Sana ako nakang si ate gurl! Ang swerte nya!'
Ilan lang yan sa mga narinig ko ngunit di ko na sila pinansin pa. Magaaksaya lang ako ng panahon sakanila kung papatulan ko pa.
Habang naglalakad kami ni dwayne, may babaeng biglang sumulpot sa harapan namin.
"Alam mo girl hindi ka bagay kay dwayne! Pineperahan mo siya noh! Ahahah gold digger siya guys!" Sigaw ng babaeng ito ng nasa loob nasa path way na kami.
"For your information , i'm not a gold digger. Pinalaki ako ng magulang ko ng maayos." Saad ko. Nakakainis ang babaeng 'to ! Ang aga-aga binubwisit ako.
"Eh halata naman, lapit ka ng lapit kay dwayne kasi gwapo at mayaman siya!." Sigaw niya. Nagsilapitan ang mga studyante sa amin. Kaya't mas lalong nadagdagan ang bulungan ng mga studyante .
Bigla na lamang niya ako tinulak dahilan para maupo ako sa sahig.
"You! , don't touch my girlfriend! Wala kang karapatan para saktan ang girlfriend ko! Listen! Sa oras na makita pa kita ! Ipapatalsik kita sa paaralan ko! Do you understand?!" Mahinahon ngunit may diin niyang sabi.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. B-bakit niya sinabi yun. Tiyak magiging issue 'to sa buong school. Sus maryusepppp!.
END OF CHAPTER 17*
-BINIBINING E❤
DON'T FORGET TO VOTE , COMMENT, AND FOLLOW.❤
YOU ARE READING
My Childhood Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionHi my name is Shayne Mckdon , 6 yrs old palang ako nagkaroon na ako ng jowabelz. Nagbabakasakali akong balikan niya ako. Ngunit may isang lalaking darating sa buhay ko na magpapabago ng takbo ng puso ko.