CHAPTER 61

192 12 4
                                    

SHAYNE'S POV


Kasalukuyan akong narito sa tabi ni Dwayne. Medyo naging okay ako ng makita kong okay ang heart beat niya , pero nag aalala parin ako sakanya na baka mamaya mag straight line na naman yung heart beat niya.


"Mahal ko , gising ka ha? Mahal na mahal kita , merry christmas." Naiiyak kong saad. Naramdaman kong may tumabi sa akin.


"Iha? Umuwi ka muna , kami na muna dito , masyado nang malalim ang gabi baka hinahanap kana sainyo." Saad ng Mommy ni Dwayne.


"Ah alam naman po ako sa amin, nagpaalam naman po ako, saka kasama ko naman po si kuya. Alam niyo po ba kung nasan  siya?" Tanong ko.


"Ahh nandun sila sa Vacant room ni Sky , tulog na yata silang dalawa dun." Umiiling iling na sabi ng mommy ni dwayne.


"Ahhh sige po." Sabi ko , tumingin ako kay dwayne at muling hinawakan ang kamay niya. Muli ns namang namuo ang mgs luha sa aking mata. Kumuha ang mommy ni Dwayne ng upuan at tumabi sa akin.


"Okay ka pa ba? Kaya mo pa?." Tanong niya.


"Medyo okay pa naman po. Saka kakayanin ko po para sakanya, siya nga po kinaya niya para saken eh." Naluluhang sambit ko.


"Para sayo?" Nagtatakang tanong niya.


"O-opo, b-bago po kasi siya mawalan ulit ng malay ay nagkausap po kaming dalawa. Lalaban daw po siya para sakin ." Saad ko. Kumunot ang noo niya.


"Eh bakit hindi mo kami tinawag nung nagising siya?"



"Dahil ayaw niya pong umalis ako sa tabi niya , mag aaksaya lang daw po ako ng oras." Sabi ko, tiningnan ko si tita , nanatili siyang nakatingin sa kanyang anak.


"You know what? Nagtataka nga ako eh , bakit sa dinami dami ng babae sa mundo eh ikaw pa ang nagustuhan niya. Aaminin ko na , Noong una ayaw na ayaw talaga kita para sakanya dahil nga sa estado ng buhay mo , nag-usap kami dati tungkol sa namamagitan sainyo , ang sabi niya pa nun, "Mommy , wala akong pakialam sa estado ng buhay niya , hindi naman mahalaga yun eh , mahal ko siya , at mahal niya ako , yun ang mahalaga , saka mahal ko ang lahat sakanya kaya wala kang magagawa dun. Sakanya ako masaya. Kaya sana mommy matanggap mo siya kahit ganun siya." Yan yung sinabi niya sakin dati. Hindi ako nakasagot nun dahil may punto naman siya. And then nabalitaan ko na nagkahiwalay kayong dalawa." Saad niya.


"Hindi pa naman po kami , dapat po nung araw na yun ay sasagutin ko na siya kaso nga lang po ay may hindi magandang nangyari." Sambit ko.


"Aww okay! You know what? Simula ng hindi na kayo nagkakasama or nagkikita , minsan nalang siyang tumawa or ngumiti then yung food niya hindi niya nauubos , tapos palagi siyang lasing kapag nauwi. Kaya nag-alala ako sakanya. After ng ilang months , nakita kita sa restaurant. Sobrang init ng ulo ko nun dahil nalulugi na yung company namen kaya kayo yung napagbuntunan ko ng galit. " Saad niyang muli.


"O-okay lang po yun , pasensya na po sa mga nasabi namin." Sabi ko , bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko.


"No iha , dapat ako ang humingi ng tawad sa iyo, ako ang nanguna hindi ba? Simula't sapul ay ako naman talaga , kaya dapat ako ang manghingi ng tawad sa iyo , dapat ay hindi kita hinusgahan, pasensya na sa mga nasabi ko sa'yo sana ay mapatawad mo pa ako." Saad niya pa.


"Okay lang po Maam. Maila , ayos lang po sa akin yun. Kalimutan na po natin ang nangyari , ang intindihin po natin ngayon ay yung kondisyon ni Dwayne, at yung paghahanap po ng  magdodonate po ng kidney sakanya." Naluluhang sambit ko.


"Don't call me Maam Maila , just call me Tita or Mama." Nakangiting sambit ng mommy ni Dwayne este ni *TITA*.


"Salamat po Tita." Saad ko.


"Para saan?." Tanong niya.


"Sa pagtanggap niyo po sa akin sa buhay ng anak niyo." Naluluha kong saad.


"Welcome iha , hindi ka naman mahirap tanggapin, sadyang mataas lang ang standards ko sa magiging asawa ng anak ko , pero dahil sa mga sinabi sakin ng anak ko ay naintindihan ko siya , na dapat suportahan ko siya kung saan siya masaya , dahil pagdating ng araw ng mawala na kami ng daddy niya kahit na mawala kami sa buhay niya ay magiging masaya parin siya kasi nandyan ka." Sambit ni Tita.


"Salamat po talaga." Saad kong muli.


"I'm so proud of you Iha , kasi napaangat mo yung pamilya mo. And kahit na ganyan palang yung edad mo ay marunong kana agad mag manage ng company and other business , nararamdaman kong mas malayo pa ang mararating mo sa buhay at natitiyak kong magiging proud din sayo ang magulang mo. Keep it up." Nakangiting sambit niya.


"Thank you very much po tita!."nakangiting saad ko. Nagulat ako ng bigla nalamang niya akong niyakap.


"Thank you for making my son so happy , nang dahil sa'yo ay sumaya ng ganito ang anak ko, mula kasi ng mahiwalay siya sa first girlfriend niya ay minsan nalamang siya ngumiti , palaging seryoso at minsan lang makisalamuha sa iba. Sana ay sagutin mo na siya after this , wala ng hahadlang sainyo , susuportahan namin kayo." Saad niya habang yakap yakap ako.


"Welcome po, hindi niyo na po kailangan sabihin , dahil gagawin ko naman po yan, sasagutin ko din naman po siya after nito. Salamat po ulit sa pagtanggap at sa pagsuporta saming dalawa , sobrang napasaya niyo po ako." Sabi ko. Humiwalay siya sa pagkakayakap at tumayo.


"One more thing , please Don't leave him , sana ay kayo na hanggang huli. Nararamdaman kong mas sasaya pa siya sayo kapag nagtagal." Sambit ni Tita.


"Yes tita , i will not leave him. Hindi ko kaya ng wala siya ih." Nakangiting sambit ko.


"And by the way , may magdodonate na sa kanya ng kidney." Sambit ni tita. Buti naman! Sino kaya siya? Napakabuti naman niya! Pagpalain siya ng diyos!.


"S-sino po?." Tanong ko.


"I don't know , bigla nalang may nagpadalang letter kanina na handa daw siyang i-donate yung kidney niya." Sabi ni tita. "Babae po ba or lalaki?" Tanong ko.


"Hindi ko din alam eh , wala kasing nakalagay dun. Sige iha? Labas muna ako ha? Maya-maya umuwi kana , para matuloy ang pagcecelebrate niyo ng pamilya mo. Merry christmas! Thank you for forgiveness that you gave to me." Nakangiting saad ni tita atsaka naglakad palabas.


Sino kaya ang taong yun?....


Sino ang taong magdodonate ng kidney kay Dwayne?....


At bakit naman kaya nagkusa siya?.....


Kilala ko kaya siya?.....



Sino siyaaa?....









END OF CHAPTER 61!





-Binibining_Eca






AN: Salamat sa pag aabang ng MY CHILDHOOD BOYFRIEND !❤️ Mwaps! I love you all!❤️

My Childhood Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now