Shayne PoV*
Nagising ako nakita kong tulog si dwayne, pinagmasdan ko ang mukha niya ang ganda ng pilik mata nito, mas mahaba pa kesa sakin, ang tangos ng ilong, ang ganda ng kanyang panga, ang kanyang labi, pulang pula . Napababa ang tingin ko sa kanyang adams apple shet, ang hot. Nagulat ako ng lumunok ito. Agad akong napaiwas ng tingin.
"Tapos mo na ba akong obserbahan?" Tanong sakin ni Dwayne.
"H-huh? Hindi kita ino-obserbahan! N-noh!" Deny ko.
"Weh? Kanina pa kita napapansing nakatingin sakin." Sabi niya habang nakangiti. Shit bat ang cute niya!
"Ah basta hindi, sa panget mong yan e!"sabi ko. Napatakip ako ng bibig ng maalala na ...
"Panget? Gusto mo talagang mahalikan noh?" Ngisi nitong sabi.
"H-huh! Hindi noh." Sabi ko nang bigla siyang pumunta sa harap ko, bali nakaupo ako tapos nasa unahan ko siya.
Unti-unti niyang nilapit ang kanyang mga labi sakin, hindi ako makagalaw, gusto ko siyang pigilan pero hindi ko nagawa.
Hinalikan niya ako, 5 secs siguro yun. Nangbigla namang bumukas ang pinto ng elevator.
Nakita ko namang natawa yung dalawang lalaking nasa haral namin.
"Mga kabataan nga naman" sabi nung isa.
Agad kaming tumayo , lumabas agad ako at iniwan siya. Nahihiya ako sa nangyari, Oo siya nga yung nanghalik pero nahihiya padin ako.
Agad naman akong nagbihis para pumasok, di na naman masyadong masakit ang ulo ko .
*SCHOOL*
Habang naglalakad ako, napapapansin kong nakatingin sakin ang mga tao. Pero di ko sila pinansin.
Agad akong pumasok sa Room .
"Huy , ang ganda mo lalo ngayon ah! Mukhang nag pa salon ka ah, Ikaw ah! Nagpapaganda ka sakin noh ? Ay teka , anong nangyare sayo kahapon?" Tanong ni ethan.
"Nambola ka pa , Hays Ayun sobrang napagod."sabi ko.
"Totoo naman e, Teka Okay ka lang ba? Dapat di kana pumasok para nakapagpahinga ka." Sabi ni ethan.
"Tumigil ka nga! O-okay lang naman ako." Deny ko, ang totoo niyan medyo masakit pa ulo ko. Inaantok rin ako pero di ko nalang pinahalata.
Nakita ko naman paparating si Blake.
"Baby ! Kumusta ?! Waaaw, ang ganda ganda mo lalo baby ko, Nagpasalon kaba? Ayieee , Wait Bakit ka nga pala nadetention kahapon?" Tanong nito.
"Isa ka pa, puro kayo mambobola ." Deny ko. Di ko sinagot tanong niya.
"Baby, maniwala ka sakin." Sabi ni blake. Buti nalang di niya na ulit tinanong pa kung bakit ako nadetention.
"Tigilan mo nga si babe ko!" Sabi ni Ethan. Ang hot ng pagkakasabi niya dun ah. Pero mas hot si dwayne sknya, aysh teka bat ko pinagkukumpara si Ethan kay dwayne?! Ahhh!! Erase erase.
"Balita ko may lilipat raw dito sa Room ." Sabi ni Ethan.
"Ha? Sino naman?" Tanong ni Blake.
"Yung Transfer, na anak ng may-ari ng school yung si , si Dwayne! Oo si dwayne! Yun nga." Sabi ni Ethan.
"Ano?" Sigaw ko. Pinagtinginan naman ako ng mga kaklase ko, buti nalang wala pa si maam.
"Oh bat parang gulat ka? Wag kang mag alala nandito naman ako, di ka na niya ulit maaaway."nakangiting sabi nito.
"Ha? Ano? Inaway? Sino? Aba't sinong nangaaway sayo ha , Bubugbugin ko!." Singhal ni Blake.
ESTÁS LEYENDO
My Childhood Boyfriend (COMPLETED)
Novela JuvenilHi my name is Shayne Mckdon , 6 yrs old palang ako nagkaroon na ako ng jowabelz. Nagbabakasakali akong balikan niya ako. Ngunit may isang lalaking darating sa buhay ko na magpapabago ng takbo ng puso ko.