CHAPTER 63

187 19 3
                                    

SHAYNE'S POV

Kasalukuyan kaming nasa St.John Paul Hospital , narito ako sa tabi ni Morgan habang si Blake ay nasa labas , tinatawag niya si Stevhen.

"Papunta na daw si Stevhen." Biglang saad ni Blake , hindi ko na namalayan pumasok siya.

"Ano bang nangyari? Nag kaaway ba kayong dalawa kaya nahimatay siya?" Tanong ni Blake. Tiningnan ko siya.

"Hindi , h-hindi kami nag away , actually nanghingi pa nga siya ng sorry sa akin kanina , basta bigla nalang siyang nawalan ng malay. Kaya agad agad akong nanghingi ng tulong sa mga guards." Saad ko.

"Grabe ang laki ng pinagbago ni Morgan , halos wala na siyang laman , kung titingnan mo siya para na siyang kalansay sa sobrang payat , saka sobrang putla niya." Nagtatakang saad ni Blake. Napaisip rin ako at napatingin kay Morgan.

"Hindi ko rin alam Blake , You know what? Kahit na may mga kasalanan siya sa akin, nag-aaalala parin ako sakanya , sa kalagayan niya ngayon. Oo nga at marami siyang pagkakamaling nagawa sakin pero matagal ko na siyang napatawad. Kung dati galit at sama ng loob ang nararamdaman ko sknya , ngayon ay awa na. Nalulungkot ako kapag nakikita ko siyang ganyan. " Malungkot na saad ko.

"Napakabuti mo talagang tao Shayne , wala na akong masasabi pa sa'yo. Para sa akin hindi madaling magpatawad lalo na kung malaki at marami ang kasalanan nito sakin , pero ikaw? Ang saglit lang , parang sa isang iglap nawala lahat ng galit mo sknya. Dati nga halos patayin mo na siya sa galit mo sknya , tapos ngayon tinutulungan mo siya? Grabe isa kang anghel." Umiiling na sabi ni Blake , napatawa ako.

"Ganon talaga Blake , minsan kailangan nating magpatawad , masama ang magtanim ng galit sa puso." Saad ko.

"Sabagay tama naman yan." Saad niya.

"Bibili muna ako ng makakain sa labas." Paalam niya. Tumango ako at umalis naman siya agad.

Maya-maya pa'y bumukas ang pinto , akala ko ay si Blake na , yun pala'y si Stevhen. Tumingin siya sa akin at lumapit.

"S-salamat." Saad niya.

"Walang anuman." Saad ko.

"Inaway kaba niya kanina?" Tanong ni Stevhen.

"H-hindi. Nanghingi lang siya ng tawad." Sagot ko.

"Hayy , buti naman." Saad nito.

"B-bakit?" Tanong ko.

"Wala naman." Umiiling na saad niya.

"Pwede ba akong magtanong sayo Stevhen?" Tanong ko.

"Oo naman ano ba yun?" Tanong niya.

"May sakit ba si Morgan?" Tanong ko.

"W-wala." Sambit niya.

"Sigurado ka? , Bakit ganyan yung pangangatawan niya? Saka bakit siya namumutla?." Tanong ko , napaiwas siya ng tingin.

"O-oo , s-saka k-konti nakang kasi siya kumain ngayon kaya g-ganyan." Pautal utal na saad niya.

"Hindi ako naniniwala." Saad ko.

"Halatang nagsisinungaling ka , kaya umamin kana." Sambit ko.

"Wala akong dapat aminin dahil wala naman akong tinatago." Sabi niya at tumayo.

"Salamat nalang Shayne pero hindi ko na kailangan ng tulong mo , kaya ko na ng mag-isa to. Aalis na kami , salamat nalang." Sambit niya. Medyo nainis ako sknya pero hindi ko ipinahalata dahil ayaw ko ng away.

My Childhood Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now