CHAPTER 75

140 13 0
                                    

SHAYNE'S POV

Alas onse na ng gabi pero hindi parin ako nalabas ng kwarto , pumunta rito kanina si kuya at dinalhan niya ako ng pagkain , pinapalabas niya ako kanina pero tumanggi ako , sinabi ko sknya na masakit ang ulo ko.

"Shayne!" Sigaw ni papa. Napatayo ako sa sigaw niya.

"B-bakit po?" Tanong ko.

"Kahit saglit lang anak lumabas ka , gusto kang makita ng mga montealegre! Mahiya ka naman shayne." Saad ni papa.

"O-opo papa susunod na po." Saad ko at lumabas.

Nauna si papa na maglakad , nakasunod lamang ako saknya.

Nang makarating kami ay agad napatingin sa akin ang mga montealegre. Naiilang ako dahil nakatingin din si Dwayne.

"Oh iha? Ang ganda mo talaga ,pero bat pugto yang mata mo? Umiyak kaba?." Saad ni tita.

"Salamat po tita ha? Masakit po kasi yung ulo ko kaya ganito."saad ko.

"Oh sayang naman. Mas mabuti pa magpahinga kana lang okay?." Saad niyang muli.

"Sige po tita , pasensya na po kung di po ako makakapagcelebrate ng new year kasama niyo. Happy new year nalang po tito, tita , mama , papa ,ate at kuya." Saad ko.

"Happy new year din! Okay lang yun basta magpahinga kana lang ha?"saad ni tita.

"Opo tita , una na po ako sainyo."saad ko ,lumapit ako sknila at nakipagyakapan..

"Dwayne!." Tawag ni tita kay dwayne.

"Po?"

"Samahan mo muna si Shayne aa kwarto nila." Saad ni tita.

" No need tita , i can handle myself.." saad ko.

"Hindi iha.." saad ni tita. Tumingin siya kay dwayne at sumenyas ito na pumunta sa akin. Shit!!

"Una na po kami." Saad ni dwayne. Naglakad na ako papalayo. Tumakbo siya para makasunod sa akin.

Tahimik lang kami ng naglalakad , walang umimik sa amin. Nang makarating ako sa Kwarto na tinutuluyan namin ay nagsalita siya.

"Pakinggan mo lang ako , magiging okay na ang lahat sa atin." Saad niya. Hindi ko siya tiningnan.

"Wag kana magalit." Saad niya , hinawakan niya ang kamay ko.

"Hindi naman kita ipagpapalit eh , mahal na mahal kita." Saad niya. Niyakap niya ako. Tumulo ang luha ko.

"Mas mabuti pa , umalis kana. Di ko kailangan ng matatamis na salita mo." Saad ko at tinanggal ang mga kamay niya sa balikat ko.

"Mahal na mahal kita kaya di ko magagawang lokohin ka , wala kabang tiwala sakin?!." Malungkot na sambit niya.

"Hindi ko alam." Saad ko at pumasok sa loob ng kwarto.

"I love you kahit ganyan ka." Malungkot na saad niya. Nakita kong tumulo ang luha niya. Shit , naaawa ako sknya.

"I love...." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong tinalikuran. Umalis na siya.

Sana talaga di ko pagsisihan ang lahat ng kagagahang ginagawa ko.


Sana , sana , sana.

******

Natapos ang new year na hindi kami nagkakaayos. Pagkagising ko ay pumunta na agad ako sa dining area pero pamilya niya lang ang nandun , nauna na daw umuwi si Dwayne dahil may aasikasuhin pa daw siya.

My Childhood Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now