CHAPTER 4

336 26 0
                                    

SHAYNE'S POV

Nandito ako ngayon sa tapat ng school, maglalakad na sana ako papasok ng may umakbay sakin. Si Blake.

"Goodmorning baby!" Lintek na lalaking to.

"Utot mo baby." Pagsusungit ko.

"Tara na sa room." Sabi niya.

Putek wag niyang sabihing kaklase ko siya.

"Tabi tayo sa upuan ah." Sabi niya.

"May katabi na ako sa upuan , Sorry kana lang" sabi ko.

"Aba aba eh sino naman?."inis niyang sabi.

"Ako baket?." Sabat ni Ethan.

 Gulat akong napatingin sakanya.

"Hindi pwede ,  ako lang dapat katabi niya. Hindi siya pwede tumabi sa panget na tulad mo dapat siya tumabi sakin kasi pogi ako." Pasigaw na sabi ni Blake, kaya naman nagtinginan ang mga estudyanteng nakapaligid samin.

"Hala ayaw na naman si ghourl ang landi talaga niya  kung kahapon si bebe Jason kasama niya  , Ngayon si baby blake kona!."

"Ang harot naman."

"Psh!  lahat na lang inagaw niya."

Pabulong nilang sabi pero narinig ko naman. Di ko nalang sila pinansin.

"Hoy ako nauna kaya ako don . Wag kang feeling okay? Mas pogi ako sayo." Pagmamayabang ni Ethan.

Magsasalita na sana si Blake ng bigla akong sumingit sa unahan nila.

"Magsitigil na nga kayo , para walang away sa gitna ako okay? Magbebell na oh." Inis kong sabi sa kanilang dalawa.

"Sorry baby." Sabay nilang sabi.

"Hoy ikaw gaya gaya ka ah, Tawag ko yon kay shay eh." Kunot noong sabi ni Blake.

"Tss, ikaw ang gaya gaya." Pang iinis na sabi ni Ethan.

"Hoy ano ba? Titigil ba kayong dalawa o titigil?." Singhal ko.

Magsasalita na sila ng bigla ko silang tinakbuhan. Mauuna na ako sakanila bahala silang dalawa. Nakakainis, nakakarindi silang dalawa.

Paakyat nako sa room ng biglang nag bell. Kaya nagsitakbuhan ang mga students kaya naman nadanggi nila ako at nanlaglag na naman yung mga libro ko. Mga pashneang nilalang!

Dali-dali kong pinulot ito ng biglang may paang tumapak sa libro ko.

At kung minamalas ka nga naman.

"Ano ba , 'Wag mo nga tapakan!." Singhal ko kay Dwayne.

"Paano kung ayaw ko?." Pagsusungit niya. Aba siya pa ang may ganang magsungit , siya na nga itong tumatapak sa libro ko.

"Pinaglihi kaba sa encyclopedia? Ang kapal ng mukha mo eh." Inis kong sabi.

"Etong mukha na 'to ? Pinaglihi sa Encyclopedia? Sa pogi kong 'to ." Pagmamayabang niya sabay ngisi sakin.

"Pwede ba ?Wag ngayon, malelate na ako. "sabi ko.

"Ako rin naman, edi sabay tayong malate!." Pang iinis niya pa.

Agad kong hinaltak yung libro ko , 'yung paboritong libro ko bagong bago nito sinira niya na agad yung cover.Huhuhu ang mahal mahal pa naman nito!

"Ayan tuloy nasiraaa! Kabibili ko lang nito e!" Pagmamaktol ko.

"Ikaw may kasalanan! Hinila mo e!." Pang iinis niya pa.

Agad ako umalis ng sumunod siya sakin.

"Sinusundan mo ba ako?." Kunot noong tanong ko.

"Ikaw susundan ko? Iw, in your dreams. Section B ako noh!" Pagmamayabang niya.

"Ah bahala ka jan!" Sabi ko sabay takbo.

Narito na ako sa tapat ng pinto ng room namin, paniguradong magagalit na naman Si Maam neto.

Tok* tok* tok*

"Bakit ka late Ms.Mckdon?." Taas kilay nitong sabi.

"A-ah kasi po nalate po ng gising." Pagdadahilan ko.

"Go to the detention office , Now!. Bago kapumasok sa D.O. Linisin mo ang C.R na malapit roon." Sigaw ni Maam.

Bago ako umalis nakita ko sila Ethan at Blake . Parang nag aalala sila. Umalis nalang ako at pumunta na sa C.R na sinasabi ni Maam.

DWAYNE'S POV

Hi sa wakas nagkaroon rin ako ng Point Of View. Hi Readers! Kasalukuyan akong naihi dito sa C.r , nadetention kasi ako  pinaglilinis pa ako ng C.R.Aba ako ang may ari ng paaralan na ito . Tapos paglilinisin nila ako. Bahala sila , pupunta nalang ako sa-.

       Naputol ang sinasabi ko ng biglang bumukas ang pinto ng C.R. Nandito ako sa isang cubicle. Hindi na ako lumabas pa dahil baka mautusan pa akong maglinis kung sino man yon.

"Ano ba yan, ang dumi dumi naman nito, nakakainis  bwisit na lalaking yun. Nang dahil sakanya maadedetention ako at ito Maglilinis pa." Singhal niya.

Nakaramdam naman ako ng awa ng makitang ko siyang pagod na pagod.

* Eh kung tinutulungan mo kaya?*

Bat ko naman tutulungan ang babaeng maliit na yan!

Sinilip ko siya sa isang butas nakita kong tinaggal niya ang kanyang salamin. Hindi naman siya Nerd , sadyang malabo lang talaga ata ang mata ng babaeng 'to.

Namangha ako sa kanyang taglay na kagandahan nung tinanggal niya ang salamin niya, kasabay nun ang pagtanggal niya sa kanyang contact lense na kulay itim.

Boplaks ng babaeng to , may salamin na may contact lense pa. Sinilip ko ng mabuti ang kulay ng ng kanyang mata , namangha ako sa kulay at ganda nito kulay blue . Kulay Blue ang kulay ng mata niya kahit na medyo malayo ako ay kitang kita ko ang kanyang mga mata mula sa salaming kaharap niya.

Sa sobrang haba ng bangs niya ay tinalian niya ito  kaya't nakita ko ang kabuuan ng kanyang buong mukha.

May maganda itong mata, mahabang eyelashes ,  pointed nose, manipis na mga labi na pulang pula. Napakaganda ng kanyang hugis ng mukha. Pero bakit kaya niya itinatago ito? Ano ang dahilan? 

Aysh , Hindi!  ano bang iniisip mo Dwayne!!

Nang biglang narinig ko ang pagbagsak ng kanyang salamin dahilan para mabasag ito.

Itutuloy....

End of chapter 4!

DON'T FORGET TO VOTE , COMMENT AND FOLLOW. THANK YOU!.

-BINIBINING E❤

My Childhood Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now