SHAYNE'S POV
Nagising ako sa katok ng pinto , kaya't bumangon ako para pagbuksan ito , bumungad sa akin si Blake.
"Oh bat ganyan itsura mo?" Tanong niya.
"Ha? Ano bang itsura ko?" Tanong ko.
"Tumingin ka kaya sa salamin." Nakakunot noong utos niya.
Pumunta ako sa harap ng salamin, nakita ko ang itsura ko , pugto ang mata ko , magulo ang buhok ko , yung damit ko gusot gusot. Naalala kona naman yung nangyari kagabi.
"Anong nangyari?" Tanong muli ni Blake.
"Wala 'to." Tanggi ko.
"Wala kang maloloko shayne , alam kong nagkausap kayo ni Dwayne , galing ako dito kagabi , nakita kong lumabas ka sa elevator , ata nakita kong kasama mo si Dwayne." Sambit niya.
"Alam mo na naman pala nagtatanong kapa." Sambit ko. Kumuha ako ng makakain sa ref.
"Naninigurado lang , eh ano bang..."
"Wag ngayon blake , please lang , napapagod na akong umiyak." Pamimigil ko sknya.
"Okay okay! Easy ka lang! Nga pala pupunta pa tayo sa hospital diba?."
"Saka! Ayusin mo nga sarili mo , dapat hindi ka nagpapahalata na sobra kang nasaktan, ikaw yung nagmumukhang kawawa eh." Umiiling na saad ni Blake.
"Kawawa naman talaga." Sambit ko.
"Nga pala , nakasalubong ko si Morgan , umiiyak at nagmamadaling umalis , ngayon lang umaga." Biglang saad niya. And then ? Anong paki alam ko?
"Oh eh ano ngayon?" Tanong ko.
"Wala sinabi ko lang. Parang ksing may nangyaring hindi maganda eh." Sambit niya.
"Oh eh ano ngayon? Problema na nila yun , hindi na natin problema yung nangyayari saknila. Saka problema na nilang mag-asawa yun." Masungit kong saad. Yan tama yan shayne! Wag kang pahalata na nasasaktan dapat magmatigas ka!
"Mag-asawa? Bakit kasal na ba sila?" Tanong niya.
"Hindi PA , pero may anak na sila." Sambit ko at nagpatuloy sa pagnguya. Nabilaukan siya sa sinabi ko.
"What the fuck! Anak? Kailan pa?! Kaya ka ba ganyan itsura mo?!" Tanong niya.
"Nung nakaraang linggo lang nila nalaman , at oo hindi ba obvious? Langan namang magsaya pa ako diba?" Sarkastiko kong pagkakasabi.
"Oo nga naman."
"Hahayaan ko na sila , kung dun sila masaya eh diba? Saka ano pa bang magagawa ko? Eh buntis na si morgan eh?" Saad ko.
"Alam mo? Pwede mo naman ipaglaban yung pagmamahalan niyong dalawa eh." Sambit niya.
"Hindi na pwede dahil may anak n sila , ayokong lumaki yung anal nila ng walang tatay."sabi ko at agad tumulo ang aking mga luha ng naisip kona naman ang nangyari kagabi.
"Sabagay , kung gagawin mo yun baka ikaw pa ang maging kabet." Saad niya.
"Hayyy! Bahala na sila." Naiiyak kong sambit.
Niyakap ako bigla ni Blake. Hinayaan ko lamang siya.
"Iiyak mo lang yan Shayne , mawawala rin yan. Mag move on kana , kasi patuloy ka lang masasaktan kung iisipin mo ng iisipin yung mga bagay na yan." Saad niya habang yakap ako , hindi na ako sumagot at umiyak na lamang sa dibdib niya.
"Mabuti pa , kumain nalang tayo sa labas , naririnig ko na yang tiyan mo e. Saka dumiretso na rin tayo kay Stacey , makikibalita tayo , baka gising na siya eh." Natatawang sambit niya.
"Mabuti pa nga , kaysa magmukmok ako dito." Saad ko at pinunasan ang luha ko.
Nagpaalam ako kay Blake na maliligo at mag aayos lamang ako , hihintayin niya nalang daw ako sa sala.
Nang matapos ako sa paliligo agad akong nagbihis , naglagay ako ng make-up para hindi mahalata yung eyebags at yung pamamaga ng mata ko , huhupa din naman 'to.
Naglagay ako ng foundation , lipstick , blush on at nagkilay din ako , nakasuot ako ngayon ng sexy black dress . Kinuha ko ang Salamin ko at isinuot ito para di mahalata ang pamumugto ng mata ko.
Nagpasya akong lumabas na , hinanap ko si Blake ngunit wala siya. Tiningnan ko siya sa labas ngunit wala din , kinabahan ako , nabigla ako ng bigla nalamang siyang sumulpot sa harapan ko , galing siya sa Cr.
"Ano ba naman yan Blake! Wag ka namang manggugulat!" Bulyaw ko. Napatitig lamang siya sa akin.
"A-ang ganda mo." Saad niya.
"Sus! Ikaw din!" Sambit ko.
"Ha!? Ako maganda! Tss sa gwapo kong 'to eh!" Saad niya na may halong pagmamayabang.
" I mean ikaw din gwapo ka din. Nagpalit ka pa talaga ng suot." Umiiling na saad ko.
"Aba syempre para terno tayo." Saad niya at kumindat.
"Sus! Tara na nga! Gutom na ako eh." Saad ko. Sumunod lamang siya sa akin palabas.
Ganito nga Shayne! Umakto ka ng hindi ka nasaktan , wag mong ipakita sa iba na kawawa ka , na mahina ka! Kailangang kalimutan mo na siya , dahil wala naman maitutulong yung pagmumukmok mo.
Kung saan sila masaya , dun narin ako. Mahal ko siya pero hindi tama kung aagawin ko siya mula sa mag ina niya.
Siguro nga hindi talaga kami para sa isa't isa. Na kahit anong ipilit naming maging kami , wala kaming magagawa.
END OF CHAPTER 54!
YOU ARE READING
My Childhood Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionHi my name is Shayne Mckdon , 6 yrs old palang ako nagkaroon na ako ng jowabelz. Nagbabakasakali akong balikan niya ako. Ngunit may isang lalaking darating sa buhay ko na magpapabago ng takbo ng puso ko.