CHAPTER 49

173 12 0
                                    

AN: ENJOYYY!



SHAYNE'S POV


Kanina pa nagtuturo ang teacher ko ngunit wala akong maintindihan, walang pumapasok sa isip ko kundi si Unknown boy , na si Dwayne naman pala.


Bakit naman kaya niya ginawa yun ,  hindi kayay mahal niya pa ako? O kaya nama'y hindi parin siya nakakamove on? Hindi ba't sila na ni Morgan? Nakikita ko yun sa Fb posts nilang dalawa. Ano siya? Niloloko niya lang si Morgan? Ganon? Grabe naman siya.


Hayy! Pero bat ko pa kasi siya iniisip? Ano namang paki ko sa lecheng lalaking yun! Dapat hindi ko na iniintindi yon dahil wala naman ako mapapala sa kakaisip don. Saka isa pa mas mabuti pa siguro na paghandaan kona lang yung pagreregalo ko kina mama sa pasko , ilang araw nalang pasko na , hindi na kami nag christmas party dahil msydong busy ang mga teachers at students.


"Okay class! Dismiss! See you on monday!" Saad ni Sir at agad na umalis , lumabas agad ako at muli na naman akong sinalubong ni Blake. Kahit kelan talaga.



"Shayneeee!" Sigaw ni kupal , kung makasigaw siy parang kami lang dalawa yung nandito ah.


"Oh bat na naman?" Walang gana kong tanong.


"Oh bat ganyan ka? Iniisip mo ba yung si Dwayne? Na siya pala yung si Unknown boy." Natatawang saad niya.


"H-hindi noh!" Utal kong tanggi. Kahit na iniisip ko talaga yung pangyayari kaninang umaga.


"Suss! I know you shayne! Kaya wag mo ng itanggi!" Sambit niya , kinuha niya ng bag ko at binitbit , hinayaan ko siya , sanay na ako na siya ang nagdadala ng gamit ko tuwing uwian kaya hinahayaan kona lang.


"Eh kasi naman e, nabigla talaga ako kanina , hindi ko akalain na siya yun , at wala akong idea na maaaring siya pala yun." Sambit ko , nag umpisa na kaming maglakad papunta sa parking lot.


"Kahit ako hindi rin makapaniwala, isa lang ang ibig sabihin niyan , namimiss kana niya or baka mahal ka parin niya , hindi naman agad nawawala sa tao ang feelings niya diba?" Saad ni Blake. Napaisip ako, tama siya pero kung ganun? Bakit super sweet nila ni morgan sa pictures? Na parang sila na , o baka naman sila na nga. Hayy! Bahala sila!


"Huwag na natin pang pag usapan ang walang kwentang bagay , mabuti pa umuwi na tayo." Sambit ko at naglakad papunta sa kotse.


Tumango na lamang siya at sumunod sa akin. Ilang sandali pa'y nakarating kami sa kotse , agad siyang nagmaneho at buong biyahe kaming walang imikan.


Nang makarating kami sa bahay ay saka siya nagsalita , ganon din ako.


"Una na ako , sunduin nalang kita ulit bukas kapag mag gym tayo." Saad niya at umalis. Napatango ako.


Wala nga palang pasok bukas , kaya mag gygym kami , mula ng tumira kami dito'y nag gym na kami , may gym kasi dito sa loob ng subdivision namin kaya madali lang mapuntahan.


Nagmano ako kina lola , papa at mama. Binati ko rin sila saka nagpaalam na umakyat.


Tumunog ang cellphone ko , tiningnan ko ito , may nagtext na unknown number na naman. Hayy nako! Di nako magpapaniwala sa ganyan.


Unknown Number:

Shayne , umuwi kana , may nangyaring masama sa kaibigan mo.

Text nito, hindi ko alam kung papaniwalaan ko ito o hindi , mahirap na kasing maniwala lalo na't naloko nako.


Hindi ko ito pinansin , nagbihis na lamang ako at inayos ang ginamit ko , ngunit maya maya pa'y tumunog muli ang cellphone ko. May tumatawag.


Tumatawag yung unknown number kanina , hindi ko na sana sasagutin ito ngunit naka ilang beses na itong tumawag kaya sinagot kona.


"Hello? Sino ba toh?" Naiinis na tanong ko. Narinig kong may umiiyak sa kabilang linya , bigla akong kinabahan dahil parang narinig ko na ang mga hikbi na ito.


"Hello! Magsalita ka! Sino kaba! Baka namamali ka lang ng numerong tinawagan!" Bulyaw ko ngunit hindi parin ito nagsasalita , patuloy lang siya sa pag iyak.


"Hello! Ano ba? Pinagtritripan mo ba ako?! Kung ganon hindi ako natutu..." Hindi ko naituloy ang sasàbihin ko ng biglang namatay ang tawag , nalowbat ako kaya't chinarge ko kaagad ng cellphone ko. Pamilyar sa akin ang iyak na yun eh. Hayyy! Wag naman sana.


"Anak? Anong ginagawa mo jan?" Tanong ni mama.


"Ah kasi ma may tumawag eh kaso namatay yung cellphone ko." Saad ko.


"Sino nman?" Tanong niya.


"Hindi ko nga po alam eh , naiyak po kasi kaya di niya masabi kung sino siya." Sambit ko. " Oh siya anak , bumaba kana kapag tapos mo jan ha? Kakain na." Saad ni mama at sinarado na muli ang pinto ng kwarto ko.


Maya maya pa , nabuhay ang cellphone ko. Nagtext sakin yung unknown number , binasa ko kaagad ito. Laking gulat ko ng mabasa ko ang text nito , biglang kumabog ng malakas ang puso ko , at pumatak ang luhang nasa mga mata ko.








END OF CHAPTER 49


AN: SORRY IF NATAGALAN NG UPDATE! HEHEHE BUSY KASI AKO SA MODULES , SAKA WALA AKONG SARILING CP KAYA HIRAP MAKAPAG UD! PASENSYA NA KUNG ONTI LANG YUNG CHAPTER 49🤦

My Childhood Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now