CHAPTER 50

194 22 6
                                    

SHAYNE'S POV

Agad akong nagimpake ng gamit ko.

UNKNOWN NUMBER:

Shayne , ako ito ang mama ni Stacey , Nasa hospital siya ngayon , malala ang pagkakadisgrasya niya . Ipapaliwanag ko na lang kung anong dahilan pag dating mo dito. Mag iingat ka sa biyahe.

Ayan yung sabi sa text , si tita pala yung natawag kanina. Agad akong bumaba pag tapos kong mag impake ng damit , nagtaka sina mama , papa , kuya at manang.

"Oh anak saan ka pupunta?" Tanong ni papa.

"Anak bat ka may dalang maleta?" Tanong ni mama.

"Lil sis? Bakit naiyak ka? May nangyari ba?" Tanong ni kuya.

"K-kasi si Stacey kasi , nasa hospital ngayon , may nangyring hindi maganda sakniy kaya kailangan ko siyang puntahan ngayon din , nag aalala ako sakniya eh." Saad ko habang nagpupunas ng luha. Mahalaga sa kin si Stacey , parang kapatid na din ang turing ko sakanya , marami siyang naitulong sa kin , matagal na kaming mag kaibigan kaya hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko siya nakikita okay.

"Oh eh pano yan anak? Sino kasama mo? Naku , may gagawin pa namn kmi bukas , gusto mo ba pasamahan kita kay manong Celso?" Saad ni papa.

"Wag na po papa , ako na...." Di ko naituloy ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto.

"Ay ! Pasensya na ho kung biglaan yung pagpasok ko , ibabalik ko lang sana itong gamit na naiwan ni shayne sa kotse ko." Saad niya kina mama at papa , napatingin din siya sa akin. Nagtaka siya.

"Ma kayo na po bahala rito , magtetext nalang po ako pag nakrating na kami dun , may makakasama na po ako sa pag biyahe." Saad ko. Nagmano ako kina papa , mama at manang. Nagpaalam din ko kay kuya. Pinaalalahanan niya ako , tumango lamang ako saknya.

"Tara na Blake." Saad ko at hinila siya palabas ng bahay.

"Uy wait? Where are we going? At bakit may dala kang maleta? Saka bakit ka naiyak?" Sunod sunod na tanong niya. Hindi ko siya pinansin , binuksan ko agad ang kotse ko at nilagay ang maletang bitbit ko.

"Sakay." Saad ko , sumakay naman agad siya.

Minaneho ko agad ng mabilis ng kotse ko papunta saknila.

"Baba na." Saad ko.

"What? Are you crazy? Kanina lang parang atat na ata kang umalis tayo tapos ngayon pabababain moko?" Nakakunot na tanong niya.

"Nyetang to , di pako tapos magsalita , mag impake ka , aalis tayo , pupunta tayo sa manila ngayon din , may nangyaring masama kay Stacey." Saad ko , natigilan siya.

"Hoyyy!" Sigaw ko. At agad naman siyang pumasok sakanila para mag impake.

Nag intay ako ng ilang minuto , kahit kelan talaga napakabagal ng lalaksot na yun.

Maya maya pa'y bumalik na siya , may dala siyang maleta , at isang malaking plastik. Sumakay ka agad siya sa kotse.

"Alam kong hindi ka pa nakain kaya nagdala ako ng mga makakain , saka pwede naman tayong bumili jan mamaya kapg nagutom ka." Saad niya.

"Salamat." Sabi ko at agad na pinatakbo ng mabilis ang sasakyan ko.

******

Hindi ko parin matanggal sa isip ko ang kaibigan ko , nag-aalala ako sakniya , hininhintay ko parin ang text ni tita ngayon ngunit wala parin. Ano na kayang nangyari sakniya? Sana okay lang siya.

My Childhood Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now