CHARACTERS: ( Hindi pa po ito yung complete characters , nilapag ko lang po yung mga may ganap na sa storya! Abangan ang pagdating ni Morgan Bienvenito.)
*SHAYNE MCKDON
*DWAYNE MONTEALEGRE
*STACEY CARTER - Shayne's Bestfriend
*JASON FORD - Ethan's cousin
*ETHAN FORD - Jason's cousin
*BLAKE BICKFORD - Shayne's Ex Suitor
*ADERY VILELLA - Shayne's Friend
*SIERRA SCOTT - Shayne's Friend
*DIEGO MCKDON - Shayne's Brother
DWAYNE'S POV
Hindi ko napigilan ang sarili ko kanina kaya nasabi ko iyon. Hindi ko naman ginustong sabihin yun. Psh! Naawa ako sakanya kanina, nakita ko pang tumulo ang luha niya bago ko isarado ang pinto ng Condo ko. Naguilty ako sa ginawa ko sakanya.
Hindi ko dapat ginawa sakanya yun, nasaktan ko siya . At kitang-kita ko yin sakanya kanina.
Siguro nga , may gusto na ako sakanya. Pero hindi ko siguradong mahal ko siya dahil may mahal akong iba.
Patawarin mo sana ako Shayne kapag bumalik siya. Dahil mas pipiliin ko siya .
Naramdaman kong papikit na ako kaya natulog na ako.
KINABUKASAN*
Maaga akong nagising , nag- isip-isip ako ng gagawin ko ngayong araw at kung paano ako babawi kay shayne. Yayayain kona lang siyang lumabas ngayon , sana lang ay pumayag siya. Sana hindi siya galit sakin.
Nang tingnan ko ang oras sa aking relo , 8:00 am na. Kaya kumain at naligo na ako.
SHAYNE'S POV
Maaga akong nagising ngayon, hindi ko alam kung bakit. Ano kayang gagawin ko ngayon? Haysh! Bahala na.
Nagbukas ako ng Fb at tiningnan ang mga nagmessage at nag friend requests sakin. Nagulat ako ng madami akong nakitang nag-message sakin dati-dati ni isa walang nagchachat sakin tapos ngayon bigla nalang sila dadami. Nakita ko ang pangalan ni Dwayne sa mga nag-add sakin . Inaccept ko naman ito.
Ay rupok mo self huh!
Inistalk ko siya , wala namang masama diba?
Madami siyang reactors , sa status niya palang naabot na ng 500+ ang reacts. Samantalang pag ako nag post , 1hr na wala pang nag-rereact. Jusko dai! . Tiningnan ko rin yung mga profile pictures niya ang daming reacts , 3k+ ! iba talaga kapag gwapo . Hindi malabong hindi maging Sikat.
Haysh!!!
Makapag-update nga ng profile. 2017 pa last na update ko eh , kaya inaakala ng iba poser ako.
Naghanap ako ng picture sa gallery ko , nakita ko yung araw na namasyal kami ni Stacey , yung sexy ang suot ko. Hmmm eto nalang kaya? Wala namang magagalit eh.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa , inupload ko na agad ito! .
Nagpasya akong maligo na , nababahoan na akes sa sarili ko. Psh! Wala akong putok okie? Di katulad ni dudong , yung kaklase kong lakas ng putok. Parang sa twing dadaan siya sa harapan ko , feeling ko mahihimatay ako. HAHA Charot lang!
Papasok pa lamang ako sa C.r nang biglang tumunog ng tumunog ang Cellphone ko. Tiningnan ko ito at gulat akong napatingin nang umani ng 500 reacts ang aking profile in just 5 minutes! Grabe puro good comments ang nakita ko! Naks por da pers taym nakaani ng madaming reacts ang lola niyo.
Bigla kong naalala yung sinabi ni Dwayne. Nakaramdam ako ng lungkot. Kamusta kaya siya?
DWAYNE'S POV
Katatapos ko lang maligo nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ito at nakita kong inaccept ako ni Shayne. Tiningnan ko kaagad ang Profile nito at nakitang kong kakapost niya lang. Umani ito ng reacts at magagandang comments.
Nagreact at nagcomment din ako.
*Baby bakit ganyan ang suot mo? Psh! Masyadong sexy! Baka maagaw ka nyan sakin.*
Comment!
Nagbihis na ako at lumabas , kinakatok ko si Shayne ngunit walang sumasagot. Nang pihitin ko ang door knob bumukas ito. Aba't ang babaeng 'to pano kung may magnanakaw na pumasok dito.
Pumasok na agad ako , tiningnan ko siya sa kwarto niya ngunit wala siya. Palabas na ako ng kwarto ng bigla siyang sumulpot sa harapan ko. Nakita kong bagong ligo siya at nakasando at short na maikli lamang siya.
"Anong ginagawa mo dito?" Pagtataray niya.
Kasalanan mo yan dwayne kung bakit ka niya sinusungitan ngayon!
"Sorry nga pala sa nasabi ko kagabi , nasaktan lang talaga ako sa narinig ko sayo kagabi. Sana mapatawad mo pa ako" sabi ko habang nagpapaawa effect.
"Alam mo hindi bagay sa'yo ang magpaaawa , halatang-halata na umaarte ka dyan. Okay na yon! Sorry din . May pagkakamali din ako kaya okay lang." Nakangiti niya pang sabi. Tsk! Kala ko magsusungit na naman siya e.
"Thank you Shayne ang bait mo talaga!" Nakangiti kong saad. Yayakapin ko na sana siya ang bigla siyang nagsalita.
"Hep hep hooray ! Ngayon lang ako magiging mabait kaya sulitin mo na!." Saad niya. Na ikinalungkot ko. Ano ba yan kasi.
"Chareng lang!" Natatawa niyang sabi.
"Pwedeng payakap? Isa lang." Pagpapaalam ko sakanya. Sana pumayag.
"Ayoko! Ayokong yakapin mo ako! Gusto ko ako ang yayakap sa'yo." Sambit niya na ikinangisi ng labi ko.
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Niyakap ko siya pabalik. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito.
"Tara lumabas?" Yaya ko sakanya.
"Sure!" Saad niya.
"Magbibihis lang ako okay? Wag kang magsuot ng sexy okay! Saka kana magsuot ng sexy kapag official girlfriend na kita. Para kahit anong suot mong ikakahanga ng iba , sa akin at sa akin ka!"sabi ko sabay kindat.
"Sus daming alam! Sige na magbihis kana lang dun . Magbibihis lang din ako!" Saad niya.
Dali-dali akong nagbihis. Magiging masaya ang araw na 'to!.
End of chapter 15
DON'T FORGET TO VOTE , COMMENT , AND FOLLOW!. THANK YOUUUUU!❤
-BINIBINING E❤
YOU ARE READING
My Childhood Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionHi my name is Shayne Mckdon , 6 yrs old palang ako nagkaroon na ako ng jowabelz. Nagbabakasakali akong balikan niya ako. Ngunit may isang lalaking darating sa buhay ko na magpapabago ng takbo ng puso ko.