CHAPTER 71

182 16 1
                                    

SHAYNE'S POV

Maaga akong nagising dahil sa kagagawan ni kuya.

Agang aga kasi nambubulabog , nagsisisigaw siya sa labas ng kwarto ko kanina , kaya tumakbo agad ako palabas kasi akala ko kung ano ng nangyari sakanya.

Akala ko may magnanakaw na pumasok , yun pala kinikilig lang. Jusko daig pa ako ni kuya kung kiligin. Eh paano ba naman , nag propose daw siya kay ate sky , nag yes daw. So excited na daw siya sa kasal nila. Dapat daw siya ang unang ikasal , kaysa sakin.

Napailing nalang kami kanina nila dad. Kahit kailan talaga si kuya. Tsk tsk tsk.

Kasalukuyan akong narito sa hospital , binibisita ko si Stacey at si morgan. Nagiging maayos na ang kalagayan ni Stacey , at anytime ay pwede na siyang magising. Si morgan naman ay ganon parin ang kondisyon , malakas ang kapit ng baby niya. Nagagalak daw siya na malamang malakas  ang baby niya, gagawin niya raw ang lahat para lang mabuhay ito.

"Bess! Dami mo ng hindi nalalaman! Dami ko ng chika sayo! Gising kana jan! Aba! Bukas ng madaling araw bagong taon na! Gusto na kitang maka usap!. Aba baka ma stroke kana nyan , char.!" Sambit ko habang kinakausap siya ng tulog.

"Bess pagkagising mo! Magkukwento ako sayo okay?! Mahal na mahal kita. Pero kailangan ko ng umalis ha? Kasi may gagawin pa akong surpresa sa lokotoy na si Dwayne!." Saad ko at tumayo. Hinalikan ko siya sa noo at ako'y tumalikod na. Hahakbang na sana ako ng maramdaman kong may humawak sa kamay ko. Nagulat ako kaya't napaupo ako sa sahig sa sobrang gulat.

"Sino ka?." Mahinang sambit ng isang babae. Lumingon lingon ako sa paligid. Shit? May multo ba dito! Sinasabi ko na nga ba hindi nawawalan ng multo dito.

"Huhu! Kung sino ka man! Umalis kana! Hindi ko gustong makakita ng multo!." Saad ko habang nakatakip ang mukha.

"Sino ka? hindi kita kilala , bakit ka nandito.." saad nito , napagtanto ko na hindi ito multo , si Stacey ito , agad akong tumayo at niyakap siya ng mahigpit.

"Bess! Miss na miss na kita! Thank you lord dahil nagising na siya!." Masayang sambit ko. Nanatili akong nakayakap kay Stacey.

"S-sino ka?." Tanong niya. Napabitaw ako sa pagkakayakap. Agad na namuo ang mga luha sa aking mga mata.

"H-hindi mo ba ako naaalala? Ako ito si Shayne! Ang bestfriend mo!."sambit ko.

"Pasensya na miss pero hindi talaga kita kilala." Sambit ni Stacey. Hindi ko na napigilang mapaluha.

"Nagjojoke kaba?! Kung joke yan! Itigil mo na kasi hindi na nakakatuwa." Saad ko.

"Miss? Uulitin ko , i don't know you , baka namali ka lang ng kwartong napasukan." Saad ni Stacey.

"Ako nga ito si Shayne! Ang bestfriend mo! Diba?" Sambit ko habang lumuluha. Sana nagbibiro lang siya pero parang hindi eh.

"Miss! Ang kulit mo! Hindi nga kita kilala sabi! Umalis ka nga sa harap ko!." Sigaw niya. Napaatras ako , sunod sunod na nagsipatak ang luha ko. Papalabas na ako ng pinto ng tawagin niya ako.

"Bess!!!" Sigaw niya. Lumingon ako.

"It's a prankkk!!!" Natatawang sambit niya. Lumapit ako sakanya at agad siyang niyakap.

"Baliw ka talagang babaita ka! Pinapaiyak mo ako!akala ko hindi mo na talaga ako maalala eh!." Sambit ko.

"Ikaw makakalimutan ko?  Bess malabo yun ,parang kayong malabong maging kayo dahil sa bwisit na morgan na yun." Saad niya. Napatahimik ako. At maya maya'y tumawa.

"O? Why?" Tanong niya.

"Huli kana sa balita! Engage na kami ! At si morgan? Ayun buntis na siya kay Stevhen. Super dami nang nangyari , si kuya at si ate sky kaka engage lang nila kahapon." Sambit ko. Halata ang gulat sa mukha niya.

My Childhood Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now