CHAPTER 31

230 20 0
                                    


Facebook: Binibining_EcaKnights
Fb page: EcaKnights Stories

Enjoy!:)

SHAYNE'S POV

Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun. Naguilty ako sa mga nasabi ko , gusto ko rin siyang makasama ngayon. Hindi ko alam kung bakit , dati naman naiirita ako sakanya , tapos ngayon gusto ko na siyang makasama.

Maagang silang nagpunta rito , pinag- usapan namin yung mga gagawin namin mamaya. Ipapasyal daw niya kami sa buong resort , at sa ALVIAR'S GARDEN ENCHANT. 

Magdadagat din kami mamaya , at magpipicture-picture din daw .  Pinilit pa ako ni stacey na mag SwimSuit , minsan lang naman daw.

Flashback*

"Bess naman! Pumayag kana kasi minsan lang naman ih! Atsaka kahit kailan hindi ka pa nagsusuot ng SwimSuit. Lahat kami magsusuot ng ganun tapos ikaw hindi?! Ang unfair mo naman." Asik niya.

"Eh ayaw ko talaga , nakakahiya!" Saad ko.

"Kahit ngayon lang. Para pare-parehas tayo."saad niya.

"Ayoko talaga , sa susunod nalang." Saad ko.

"Kaya ba ayaw mo magsuot ng swimsuit dahil magagalit si Dwayne?" Nakangisi niyang sabi.

"Hindi naman magagalit yun noh." Saad ko.

"Edi patunayan mo , kung talagang hindi siya magagalit , edi magsuot ka ng SwimSuit." Saad niya. Mautak ang babaeng 'to.

"Ayoko paren!" Naiinis na sabi ko.

"Ah ganun? Ayaw mo? Baka gusto mong sabihin ko kina adery at sierra yung nakita ko kagabi." Nakangisi muling saad niya. Shit! Tinatakot talaga ko. Hindi pwedeng malaman ng dalawang yun ang nakita ni stacey kagabi dahil paniguradong aasarin at sasabihin nun kina ethan. Maingay pa naman ang dalawang yun.

"Oo na , oo na! Magsusuot na! Pero ngayon lang huh?!" Nakasimangot na saad ko. Ba naman kasi!!!

"Good girl!" Saad niya at hinawakan pa ang ulo ko na parang asong pinapaamo. Tss.

End of flashback*

Wala akong magagawa kung hindi magsuot ng Swimsuit mamaya. Kasi naman eh!

Kauuwi lang ni Dwayne,  mag-bibihis lang daw siya . Sabay kaming kumain kanina. Nakita ko pa ang sulat sa plato  *I LOVE YOU* aaminin ko kilig ang lola niyo. Hshs!

Aysh! Makapag half bath na nga lang! Tss.

  * * * * * *

Kakatapos ko lang mag shower , at kasalukuyan akong nagbibihis. Isinuot  ko ang ibinigay na SwimSuit ni stacey kanina , at nagsuot ako ng White Dress . Para pag-tatanggalin ko mamaya ay hindi na ako mahihirapan.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Kitang-kita ang hubog ng katawan ko , ang cleavage ko at ang kalakihan ng butt ko. Hindi ako sanay na ganito , kung hindi lang talaga dahil dun sa sinabi ni Stacey hindi ako magsusuot ng ganito. Hays!

May kumakatok sa pinto kaya't pinagbuksan ko ito. Si Dwayne pala.

"Bagay sayo ang white dress , hmmm , sa susunod ang isusuot mo na ay white gown." Nakangiting saad niya.

"Bat naman ako magsusuot ng white gown HAHAHA!baliw." Saad ko habang tumatawa.

"Syempre , ikakasal ka sakin. Kaya magsusuot ka ng white gown." Nakangiting saad niya at kumindat. Oh my! My heart is beating so fast right now!.

"Loko ka! Parang siguradong sigurado ka sa mga sinasabi mo ah?" Natatawang sambit ko.

"Oh yes naman! I'm sure na sa akin ang bagsak mo." Mayabang na sabi niya. Susssssss.

"Baliw , tara na nga sa baba. Baka naghihintay na sila dun." Saad ko. Maglalakad na sana ako palayo ng hawakan niya ang kamay ko.

"I will hold your hand even you're not  mine , but i will do everything just to make you mine." He said. Mas lalong tumibok ang puso ko.

Sa araw-araw na kasama ko siya , walang araw na hindi bumilis ang tibok ng puso ko dahil sakaniya.

"Susssssss , lets go." Yakag ko sakaniya at lihim ako napangiti. He always makes me smile.

Hinawakan niya ang kamay ko , tatanggalin ko na sana ng hihipitan niya ang hawak dito. Kaya hinayaan ko na lang siya. Nakababa na kami at nakita namin agad sina Stacey. Lumapit kami sakanila. Narito na rin si Morgan na parang naiinis. Badtrip yata.

"Bagay na bagay sa'yo bess! Lalo na pagsinuot mo yung swimsuit na binigay ko kanina!" Saad ni stacey.

"Ay oo nga! Diba ngayon ka pa lang magsusuot ng ganun? Tiyak babagay sayo dahil maganda ang hubog ng katawan mo." Saad naman ni adery.

"I'm so excited to see you wearing SwimSuit." Nakangiting saad ni Sierra.

"Tama na this , lets go na! I'm so excited to see the view." Saad ko. Nagtawanan kaming lahat maliban kay Morgan. Bat kaya?

Naglalakad na kami ngayon sa buhanginan, sa dulong bahagi daw kasi ang magandang view kaya doon kami pupunta. Ang bagal maglakad ni dwayne kaya nahuhuli kami sa paglalakad.

"Magsusuot ka mamaya ng SwimSuit?" Seryosong sambit niya.

"O-oo , pinilit kasi ako kanina ni stacey dahil minsan lang naman daw , ayoko pa nga sana eh kaso sasabihin niya daw kina Adery yung pagkikiss natin kagabi , ayoko namang mangyari yun dahil tiyak na masasabi nila sa iba yun at aasarin pa ako. Alam mo naman ang dalawang yun." Mahabang sambit ko.

"You don't have to explain , okay lang kahit magsuot ka ng Sexy na damit, Swimsuit or what . Basta nasa tabi mo ako , ayokong mabastos ka ng iba kaya hayaan mo akong bantayan ka.  Kung ayan ang gusto mo susuportahan kita , wala akong karapatan para pigilan ka sa mga gustong mong gawin. Marami mang tumingin sa'yo , wala akong pakialam , basta kasama kita ayos na ako. Basta nakikita kitang masaya , masaya na ako." Nakangiting sambit niya , shit i love his words. Sa tingin ko'y madali lang siyang mahalin. Pero hindi ito ang tamang panahon.

"Salamat Dwayne , masaya akong makasama ka ngayon." Nakangiting saad ko. Ngumiti siya at niyakap ako agad.

"I will always love you , i will not leave you , i will protect you. I will support you . I will wait for you." He said.

"Kahit gaano pa katagal hihintayin parin kita  , kahit ilang taon pa ang lumipas , hihintayin kita hanggang sa mahalin mo ako pabalik. " dagdag niya. Niyakap ko din siya.

"Thank you." Tanging nasabi ko.

"Hoyy! Masyado kayong nang-iinggit dyan! Halina kayo rito. Mamaya na yang yakapan na yan." Sigaw ni Sierra sa amin. Napaka bitter talaga ng babaeng 'to.

"Masyado kayong sweet baka langgamin na kayo dyan." Sigaw naman ni Stacey. Ata nagtawanan ang lahat maliban kay Morgan at Blake.

Naglakad na silang muli , kaya't naglakad narin kami.

End of chapter 31!

-Binibining_Eca❤








DON'T FORGET TO VOTE , COMMENT , AND FOLLOW. THANK YOUUU!❤

My Childhood Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now