CHAPTER 48

210 18 5
                                    


SHAYNE'S POV

Pagkatapos ng pag-uusap namin kagabi ni mama tungkol sa amin ni Dwayne ay napag usapan namin ang pagbabalik namin , dito raw kami magpapasko ,at dun kami magbabagong taon. Dalawang linggo na lamang ay pasko na ,hayyy! Ang bilis talagang panahon.

Sabado ngayon , Alas sais  ng umaga , at kailangan kong pumunta ngayon sa gym. Palagi kasi akong nagpupunta sa gym kapag walang pasok. Kaya maaga akong natulog kagabi ay para maaga din akong magising.  Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si mama.

"Anak may bisita ka." Saad ni mama.

"Ay alam kona kung sino , hayy! Sige po mama  , maliligo at magbibihis lamang ako." Saad ko at tumayo para maligo.

Maya maya pa ay natapos na agad akong maligo at naghanda na ng dadalhin sa school. Pagbaba ko ay nakita ko si blake ,mama at manang nakain sina mama at blake habang si manang naman ay naghahanda pa ng ibang putahe.

"Oh shay! Kain na! Sarap nito oh , pag dito pala ako tumira mabubusog ako." Natatawang saad ni Blake.

"Baket? Hindi ka ba pinapakain sa inyo?" Natatawang sambit ko. "Pinapakain naman , kaso mas mabubusog ako kapag nakikita kita." Saad niya at kumindat . "Ers!" Singhal ko.

"Anong ers ka jan! Diba sabi nila kapag mahal mo ang isang tao , ipaglaban  mo kahit na maraming hadlang , saka sabi ni mommy ko hindi naman daw tayo magpinsan talaga , siguro mga 4th cousin na kita kaya pwede kita maging girlfriend, diba tita?" Saad niya at tinaas niya ang dalawang kilay niya.

"Yes naman , di naman kayo as in magkadugo , saka botong boto talaga ako dito kay bla.." saad ni mama ,  ngunit biglang akong nagsalita  kaya napatigil si mama sa pagsasalita.

"Mama namaaaan!" Inis kong sabi.

Alam ko at ramdam ko na hindi parin siya nakakalimot sakin , alam kong gusto niya parin ako , simula ng umuwi kami dito ay wala siyang ibang naging gusto kundi ako , inamin niya naman sakin yun , actually tanggap ko naman siya, okay naman siya , pero parang hindi parin sapat yung mga pinapakita niya eh . Napag isip isip ko kagabi pano kaya kung subukan kong mahalin si Blake? Hayy! Ang gulo na ng pag iisip ko! Dumating pa si Unknown boy na mas nagpagulo ng isip ko! Iniisip ko kung sino ba siya o kung kilala ko ba siya? O kung saan niya ako nakilala ? Kasi feeling ko nagkita na kami eh.

"Oh siya kumain kana! Nagbibiro lang naman ako!" Saad ni blake at nagpatuloy sa paglamon.

Umupo na ako at nagsimula narin kumain , araw araw akong sinusundo ni Blake , kaya araw araw siyang nag uumagahan rito samin , okay lang naman sakin at kay mama , lalo na kay papa at kuya.

Habang kumakain ako naramdaman ko ang paglungkot ng mga mata ni Blake , tinitigan ko siya , biglang siyang tumingin sakin kaya't iniba ko ang direksyon ng tingin ko.

"Uyy! Tinititigan ako! Sabi ko na nga crush moko e! Ayaw mo lang aminin." Natatawang saad niya , ganyan siya palagi pag nahuhuli niya akong nakatingin sakaniya. Tsk tsk , ganyan siya kalala.

Tumawa si mama at si manang. Napairap ako.

"Crush mo mukha mo! Tumigil ka nga! Agang-aga nagaassume ka!" Natatawang sambit ko at tumayo na para pumasok.

"Asus pakipot ka pa , tss ang daming nangangarap sa pagmumukha ko? Tas ikaw gaganyanin mo lang ako?  Tsk tsk tsk."  Saad niya at tumayo na rin.

"Hayy nako kayong nga bata kayo! Magsipasok na nga kayo at baka malate pa kayong dalawa." Saad ni mama. Nagpaalam nako kay mama pati kay manang at lumabas ,kasunod kong lumabas si blake.

"Shayne ayaw mo ba talaga sakin? Wala na ba talagang chance? Wala na bang paraan para mainlove ka sa tulad ko?" Tanong niya.

Sasagutin kona sana ang tanong niya nang biglang may tumawag sa cp kp , kinuha ko at nakita ko ang name ni unknown boy. Yeah unknowm boy name niya sa contacts ko.

"Hello?" Saad ko. Pero walang sumagot.

"Hey sino yan?" Tanong ni blake , at inagaw ang cellphone ko. Pinilit kong agawin pero di ko kaya , masyado siyang matangkad.

"Hey! Who aree you? Bakit mo tinatawagan ang girlfriend ko?" Saad ni Blake. Nagulat ako sa sinabi niya . Napahinto ako sa pag agaw ng cp ko nang marinig ko ang boses ni unknown boy. Hindi ako maaaring magkamali.

"So may boyfriend kana pala?" Saad ni Dwayne sa kabilang linya. Pati si blake ay nagular ng marinig ang boses ni Dwayne.

Biglang kumabog nang napakalakas ang puso ko , ngayon ko lang muli naramdaman ang pakiramdam na ito.

Bakit siya? Bakit siya pa? Bakit ang lalaking nanakit pa sakin ng sobra? Bakit siya pa? Yung taong kinagagalitan at kinaiinisan ko pa.

Ang lalaking hindi ko alam kung mahal ko pa .....

END OF CHAPTER 48!

My Childhood Boyfriend (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang