CHAPTER 67

160 15 0
                                    

DWAYNE'S POV


"Congrats!." Sambit ni Dad.

"Thank you dad." Saad ko.  Kasalukuyan akong nakahiga sa aking kama , at aking inaalala ulit ang mga nangyari kanina. Hindi mawala sa isip ko ang kasiyahang naganap kanina.

Kahit na masakit at pagod pa ang katawan ko ay pinilit ko parin na bumangon para lamang isurprise siya. Ganon ko siya ka mahal , gagawin ko lahat.

Naaalala ko pa yung kabobohang ginawa ni ate kanina.


FLASHBACK*

Kanina pa kami nagtatalo ni Ate sa pag surprise kay Shayne. Nakakainis na nga kasi putak ng putak. Tsk, tsk ,tsk.


"Maniwala ka magugustuhan niya yan." Saad ni ate.

"Are you crazy? Sinong magugustuhan ang plano mo? Bibigyan ko siya ng maraming stuff toys? Ano siya bata? Use your mind nga." Sambit ko.

"Hoy! Grabe ka naman sa ate mong maganda! Nag susuggest lang naman ako ah!" Sigaw ni ate. Nakakarindi na talaga siya , daig niya pa yung naka mega phone.

"Maganda ? Saan banda? Muta mo lang maganda eh." Natatawang saad ko. Hinampas niya ako.

"Ouch! Masakit pa katawan ko pinapalo mo na ako!." Daing ko.

"Oopss, sorry, i forgot! Pero leche ka! Ang sama sama mo sa ate mo! Che!." Sambit niya.

"Im just kidding ate! Huwag mong seryosohin masyado." Natatawang saad ko.

"Oh huhu! I'm so thankful talaga kasi gising kana! Tapos kahit medyo mahina ka pa , nagpaplano kana agad isorpresa ang prinsesa mo. Binata na talaga ang totoy namin." Umiiling-iling na sabi ni ate. Napatawa ang kuya ni Shayne.

"Ate , she's not my princess! She's my Queen. Yung magiging anak namin yung princess." Sabi ko habang nakangiti. Bigla niya akong binatukan.

"Jusmiyo Dwayne! Anak agad iniisip mo hindi ka oa nga nakakapagtapos ng pag-aaral!." Sigaw ni ate. Nakakarindi na talaga promise. Sa totoo lang.

"Ang Oa mo." Natatawa kong saad.

Nagtawanan kami nila mom at dad. Pagkatapos nun ay napagdesisyonan ko na ang plano ko.

"Son? Talaga bang gagawin mo to for her?" Tanong ni mom.

"Yes mom , sure na ako dito." I said.

"Anak , talagang nag rent ka pa ng kabaong , tapos pinag itim mo pa yung mga kakilala natin. Jusko anak , nasisiraan kana ba talaga ng ulo?. Ano bang kulang namin sa pagpapalaki sayo?" Natatawang sambit ni dad. Napatawa si ate at mom.

"Dad , seryoso ako dito , saka may plano pa ako noh! Mag popropose na ako sakanya." Nakangisi kong saad.

"What?!" Sigaw na naman ni ate.

"Aba! Mauunahan mo pa ako magpakasal! Dapat ako muna!." Saad ni ate , kinaltukan siya ni mom , tumawa ako.

"Wag kang praning Sky Blythe! Malaki na ang kapatid mo , desisyon niya yan , kaya dapat suportahan natin siya. Atsaka nasa tamang babae naman siya kaya susuporta ako " saad ni mom at kumindat.

"Yup! That's right! Support din ako!." Sambit ni dad. Napangiti ako. Dati dati ay hindi sila boto kay Shayne , ngayon ay sinusuportahan na nila ako. Ang sarap sa feeling kapag ganito.

"Thank you. Mom and dad." Sabi ko, at niyakap sila.

"Sige na nga! Ako na nga din! Support din kita! Basta ayusin mo pag-aaral mo ha! , Pag di mo inayos papatanggal ko buhok mo sa ilong!." Natatawang saad ni ate. Tumawa kami ng tumawa.

My Childhood Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now