CHAPTER 60

202 16 2
                                    

SHAYNE'S POV

Ilang araw na ang nakalipas pero hindi parin sila nagigising. Narito sina mama, papa at kuya ngayon dahil dito kami magcecelebrate ng pasko.

Sana naman ngayon pasko ay tuparin ni lord ang hiling ko. Ang hiling kong magising na ang dalawang taong importante sa buhay ko.

"Oh anak? Bat ganyan mukha mo? Ngumiti ka naman. Nagmumukha kang unggoy kapag ganyan ka kalungkot eh." Saad ni Papa, napatawa naman ako. Ngumiti siya sa akin , at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Pa naman eh." Sambit ko.

"Syempre joke lang anak , alam mo namang kayo ng mama ang pinakamagandang babae sa paningin ko." Nakangiting saad ni papa. Nginitian ko siya at niyakap, hindi ko napigilang mapaluha.

"Papa , salamat sa lahat ha? Kasi Hindi niyo kami iniwan kahit na nahihirapan kana sa sitwasyon natin noon." Saad ko.

"Anak , responsibilidad ko yun , saka mahal na mahal ko kayo kaya hindi ko magagawang iwan kayo , kayo ang buhay ko. Kung wala kayo parang wala narin ako sa mundo." Sabi ni papa, hinawakan niya ang buhok ko at hinipo hipo niya ito.

"I love you Pa!." Saad ko. "I love you anak! Tara na dun sa baba, at magcelebrate na tayo!. Ilang oras nalang ay magpapasko na." Yakag ni papa. Sumunod ako sakanya pababa, at nakita ko sina mama , kuya at manang na naghihintay sa amin.

Ang saya lang na makita yung pamilya ko na masaya , kahit na madami kaming pinagdaanan sa buhay , kahit na may mga problema kaming dinadala ay nagagawa parin naming tumawa at ngumiti.

Iisipin kona lang na magigising na ngayon sina Dwayne at Stacey para hindi ako masyadong malungkot.

Narito kami ngayon sa tabi ng swimming pool. Dito kami nagcelebrate sa bahay na ipinatayo ko. Ibibigay ko itong bahay na ito kay kuya , dahil alam kong mas mauuna siya sa akin na mag asawa. Nagulat siya kanina ng sabihin ko saknya na sakanya itong bahay na ito. Sobrang tuwa niya dahil malaking tulong daw ito sakanya.

"Merry christmas anak! " Saad ni papa.

"Merry christmas bunso!." Saad ni kuya.

"Merry christmas anak ko! Wag ka ng malungkot masyado magtiwala ka lang, magigising din sila. Alam kong may awa ang diyos kaya't hindi sila pababayaan nun." Saad ni mama at niyakap ako. Niyakap ko rin siya.

"Sana nga mama." Saad ko , biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko sa screen ang pangalan ni blake. Nagpaalam ako kina mama at papa na sasagutin ko lamang ang tawag.

"Hello? Bat ka napatawag?." Tanong ko.

"Merry christmas! I love youuu!." Sigaw niya. Nilayo ko ang cellphone ko sa tenga ko dahil nakakabingi ang sigaw niya.

"Ang ingay mo! Di kana nahiya sa tao jan." Natatawang saad ko.

"Di mo man lang ba sasagutin yung I love you ko?" Parang malungkot na sambit niya.

"Loko ka! Ang landi mo talaga!" Sambit ko.

"Malandi naba agad yun?! Mahal naman talaga kita ah , p-pero syempre bilang kamag anak. Hehe. " Saad niya sa kabilang linya.

"Nyeta kang Burnek ka! Loko ka talaga! Merry christmas din!. Mag enjoy kana lang jan." Sambit ko at tumawa.

"HAHAHA! baliw!. Oh sya sige na!." Saad niya at binaba ang tawag.

Narinig ko ang sigawan nila manang sa pool , pupunta na sana ako nang may tumawag muli.

Ang kulit talaga ni Blake. Akala ko si blake ulit ang natawag pero si Ate sky pala. Sinagot ko agad ito.

My Childhood Boyfriend (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt