AN: PAGANDA NABA NG PAGANDA YUNG STORY? HIHE! ABANGAN ANG MGA CHAPTER NA SUSUNOD ! HOPE YOU LIKE IT GUYS!
MY SHORT STORIES:
"THE MOST PAINFUL SACRIFICE WE DID"
;PUBLISHED!"MY MOTHER IS MY COVID PATIENT"
;PUBLISHED!DWAYNE'S POV
Narito na kami ngayon sa lugar na sinasabi ni Stacey. Ito daw ang madalas na puntahan ng mga taong nagpupunta dito.
Umakyat kami sa malaki at mataas na bato , makikita mo dito ang buong resort nila , makikita mo rin dito sa taas ang ganda ng tubig sa dagat. Nakaaliw at nakakarelax ang view at ang hanging nalalanghap ko.
Nakahawak parin ako sa kamay ni Shayne hindi ko siya binibitawan.
"Wait! Magpicture tayong lahat tapos mamaya isa-isang pipicturan." Saad ni Stacey , dala niya ang Camera niya.
Pinatong ni stacey ang camera sa isang bato at itinimer niya ang camera. Saka kami pumwesto.
"1 , 2, 3 smileeee! " Sigaw ni Stacey.
Nakailang shots kami. Nagpicture naman sila ng solo , syempre pati ako. Tsk papahuli ba naman ako sakanila? Syempre hindi HAHAHA.
"Wait guys , bago tayo umalis. Pipicturan ko yung mga love teams dito sa barkada natin HAHAHA!" Natatawang saad ni Stacey. Yan ganyan nga stacey.
"Oh, adery at ethan kayo muna alam ko namang may namumuo ng kung ano sa inyong dalawa." Natatawang saad ni stacey. Saka niya pinicturan ito ng ng tatlong beses .
"Kayo naman Sierra! Kayo ni Jason. Wag kang pabebe dyan, may pinagsamahan din naman kayo niyan!." Umiiling na sabi ni stacey.
"Ano ba yan! Isang shots lang ha!" Sabi ni Sierra.
"Susss gusto din naman, oh bilis na pwesto na."natatawang sabi ni stacey saka nito pinicturan ng tatlong beses sina Jason at Sierra.
"Hoy! Kayo naman ni Blake, stacey!. Hindi ba ikaw ang naggamot ng sugat ni Blake kahapon?!" Saad ni Adery.
"Huh?! Porke ako ang naggamot ?!" Asik ni Stacey.
"Dali na , tatlong shots lang naman. Diba blake?" Saad ni adery.
"Oh yes sure!" Saad ni blake. Tss.
"Okay okay!" Saad ni Stacey at binigay kay adery ang camera.
Inakbayan ni blake si stacey, tss. Akala ko ba si shayne ang gusto niya. Tsk tsk tsk. Pero okay narin para solong solo ko talaga si Shayne ko.
"Oh Dwayne , alam kong gusto mong magpicture kasama si Shayne. Halina kayo rito." Saad ni Stacey. Hinila ko papunta sa tapat ng camera si Shayne.
"Okay ready , 1 2 3! Smile." Saad ni stacey . Ngumiti ako.
Sa sumunod na shot , inakbayan ko si Shayne. At sa panghuling shot , hinalikan ko ang noo ni shayne.
"Ayieeee ang sweet sweet naman ni Dwayne. Nakakakilig." Kinikilig na sabi ni Adery.
"Perfect na perfect !" Saad ni stacey.
"Ang sweet niyo talaga ." Nakangiting saad ni Sierra.
"Wait , Si morgan pa. Diba magkaibigan kayo ni morgan?" Tanong sa akin ni stacey. Tumango ako.
"O sige kayo naman ang picturan ko. Pwesto dali!" Saad ni Stacey.
Pumwesto kami ni Morgan sa harap ng camera. Niyakap niya ako habang nakaharap sa camera. Pero hindi ko siya niyakap pabalik . Sa sumunod na shot , inilagay niya ang kamay ko sa balikat niya. Ngumiti na lamang ako. Sa last shot , nagulat ako ng ikiss niya ako sa pisngi. Nagulat din ang lahat ng mga kaibigan ko sa nakita nila.
YOU ARE READING
My Childhood Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionHi my name is Shayne Mckdon , 6 yrs old palang ako nagkaroon na ako ng jowabelz. Nagbabakasakali akong balikan niya ako. Ngunit may isang lalaking darating sa buhay ko na magpapabago ng takbo ng puso ko.