SHAYNE'S POV
Ilang buwan na ang nakalipas ngunit hindi parin nagkakamalay ang dalawang taong importante sa buhay ko.
Nagdaan na ang Bagong taon pero wala paring nangyayaring maganda sakanila. Araw-araw akong bumibisita sa hospital , dahil umaasa akong magising na sila. Na baka pag punta ko dun ay may malay na sila.
Gusto ko kasi na makita ko kaagad sila at marinig ko agad ang boses nila kapag nagising na sila. Excited na akong makasama silang dalawa..
Kapag nadalawa kasi ako sa hospital ay parang wala rin sila , dahil ni salita nila ay hindi ko naririnig . Namimiss ko na silang dalawa , minsan ay umiiyak na labg ako bigla kapag naaalala ko ang kalagayan nila.
February na ngayon , marami na ang nangyari , mag se second year college na ako. Sobrang busy na ako sa School ngayon dahil magtatapos na ang pasukan.
Pero kahit busy ako sa school nagagawa ko parin bisitahin si Stacey at Dwayne.
Isang buwan ang nakalilipas mula ng operahan si Dwayne , maayos na ang kalagayan niya ngayon dahil itinransfer na sakanya ang kidney na nanggaling sa hindi parin namin malaman kung sino. Araw-araw kong pinagdadasal na magising si Dwayne saka si Stacey , araw-araw din akong nagpapasalamat sa nagdonate kay Dwayne , dahil kung hindi dahil sakanya ay baka wala na ang taong mahal ko ngayon.
Simula nung nagkasagutan kami ni Morgan ay hindi ko na siya nakita pa dito , kahit si stevhen ay hindi ko na rin nakita pa. Balita ko nasa probinsya na daw sila at dun na maninirahan.
Kasalukuyan akong naglalakad rito sa School , at nakita ko ang dalawang naghaharutan. Jusko! Araw-araw na lang! Hindi na nagsawa. Tsk.
'ang bitter mo self'
"Hoy! Ang aga aga naghaharutan nw naman kayo." Saad ko sakanila.
"Bunso huwag ka ng makialam! Porke hindi pa gising yung bebeluvs mo ginaganyan mo na kami." Natatawang saad ni kuya.
"HAHAHA, shayne! Magtiwala ka lang magigising din siya." Saad ni ate Sky. Ngumiti ako at niyakap siya.
"Salamat ate! The best ka talaga magpagaan ng loob!." Sambit ko. Tumingin naman ako kay kuya.
"Bunso? Ako? Hindi ba ako the best sayo?." Tanong ni kuya. Napatawa kami sa inakto niya , para siyang bata.
"Hindi." Sabi ko. Tinalikuran niya kami , hahakbang na sana siya paalis ng yakapin ko siya.
"Hindi kasi The best ba The Best Kuya ka! . I love you kuya." Sambit ko , humarap siya sa akin at niyakap din ako.
"Kala ko di mo nako love eh ! i love you too bunso. Pano ba yan papasok na kami ng ate mo , pumasok kana rin ha?" Saad ni kuya. Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sknya.
"Bye kuya! Bye ate!." Pagpapaalam ko , kinawayan nila ako at saka sila nagsimulang maglakad paalis.
Kung iniisip niyo na sila ng dalawa? Oo sila na. January 1 sinagot ni ate si kuya , sabi ni ate sky , hindi niya daw maintindihan kung bakit ganon niya kabilis mahalin si kuya, sabagay kung titingnan mo nga naman si kuya ay talagang parang lahat ay nasa kanya. Halos lahat ng gusto ng babae sa isang lalaki ay makikita mo sknya.
Suportado ang pamilya ni ate sky sa relasyon nilang dalawa , lalo na ang pamilya ko.
Kelan ko kaya siya makakasama? Kelan kaya namin magagawa yung mga ginagawa ng magkarelasyon? Miss na miss kona siya.
Naglakad na ako papunta sa loob ng room , at naupo sa upuan ko.
****
Puro discuss lang ang ginawa ng mga teacher ngayon kaya naman tuwang tuwa ako. Maaga kaming nag uwian ngayon dahil may meeting daw ang mga teachers para sa gaganaping grand ball.
Naglalakad ako sa hall way nang may mabangga akong buntis na babae. Natumba siya kaya tinulungan ko siya.
"Sorry miss , hindi ko sinasadya na..." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng makita ko ang babaeng ito.
"Morgan?" Saad ko. Grabe ang pinagbago niya , sobra ang pinayat niya , yung balat at labi niya ay sobrang putla , kahit nakamake up siya ay kitang kita ang paghihirap sa mukha niya.
"Ako nga." Saad niya.
"Teka sandali." Pigil ko sknya.
" B-bakit?." Tanong niya.
"Bakit ganyan kana ngayon ? Bakit ang payat payat mo na ? May sakit kaba?" Sunod sunod kong Tanong.
"Hindi mo na kailangang malaman pa. Shayne." Sambit niya at tumalikod. Narinig ko ang paghikbi niya.
"Morgan , matagal na kitang napatawad sa mga kasalanan mo. May mga nasabi akong masama sayo kaya sana ay patawarin mo ako , kung may problema ka ay sabihin mo lang handa kitang tulungan." Saad ko. Humarap siya sa akin at nakita kong umiiyak siya.
"S-salamat Shayne napakabuti mong tao. Siguro ay oras na para malaman mo ang totoo. Pero bago yun sana ay alagaan mo si Dwayne, sana pag nagising siya ay ihingi mo ako ng tawad sknya , sana ay mapatawad niya pa ako. Pasayahin mo siya araw araw ha? . " Saad niya ng nakangiti.
"Gagawin ko yan lahat , at siguradongg mapapatawad ka niya. At Ang totoo? Anong totoo?" Nagtatakang tanong ko.
"Na ako ....." Hindi niya naituloy ang sasabihin niya ng mahimatay siya. Agad agad ko siyang sinalo at baka mapahamak pa ang baby niya. Humingi ako ng tulong , at agad namin siyang dinala st john paul hospital.
Ano ang nais niyang sabihin?
At bakit grabe ang pinagbago ng pangangatawan niya??
May sakit ba siya???
Nag-aalala ako.:(
END OF CHAPTER 62
YOU ARE READING
My Childhood Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionHi my name is Shayne Mckdon , 6 yrs old palang ako nagkaroon na ako ng jowabelz. Nagbabakasakali akong balikan niya ako. Ngunit may isang lalaking darating sa buhay ko na magpapabago ng takbo ng puso ko.