❤❤❤
DON'T FORGET TO VOTE , COMMENT , AND FOLLOW! THANK YOUUUU!❤KEEPREADING MY STORY!❤
"Oh Ethan? A-anong ginagawa mo rito?. Pasok ka" Tanong ko kay Ethan.
"Ahh sabe kasi nila dito ka daw nakatira eh kaya pinuntahan kita. Mabuti nalang at hindi ako namali ng kinatok na pinto." Saad niya at pumasok.
"ahh anong ginagawa mo dito?"
" Wala titingnan ko lang sana kung okay ka lang." Tanong niya.
Sasagot na sana ko ngunit biglang dumating si Dwayne.
"Okay lang naman siya , okay na okay." Saad niya na ikinanuot ng noo ko.
Pumunta siya sa likod ko at niyakap niya ako.
"Ano ba , Wala ka naman sinabe eh . Saka bitiwan mo nga ako." Bulong ko kay Dwayne.
" Wag ka ngang maingay jan." Bulong niya.
"A-ah mukhang nakaabala a-ata ako p-pasensya na , s-sige a-alis na a-ako. Kita nalang tayo bukas S-shayne." Utal utal na sabi ni Ethan bago umalis.
"Ano ba bitawan mo nga ako , tingnan mo tuloy umalis na si Ethan." Bulyaw ko.
"Pake ko." Sabi niya.
"Bahala ka nga dyan."
"Biro lang naman."Sabi niya sabay hawak sa braso ko.
"Ano ba?! Nakakainis ka talaga." Inis kong tugon.
Grabe na talaga ang lalaking ito. Nakakainis na sobra. Kung hindi lang niya talaga ako niligtas hinding hindi ako makakapayag na ganito.
Hinampas-hampas ko siya , punong puno na kasi ako.
"Aray ko naman , wag ka ngang manghampas"saad niya.
Sinaraduhan ko siya ng pinto at tuluyan na akong pumasok sa Condo ko.
May kumatok na naman...
"Oh ano na naman ba , ang kulit kulit mo talaga nakakainis ka na." Saad ko.
"Magbibigay lang naman ng lugaw , ayaw mo ba? Masarap pa naman 'to." Saad niya sabay inamoy amoy pa yung lugaw na dala niya.
Kanina pa kumukulo yung tyan ko , gusto ko sanang tanggihan pero gutom na talaga ako e.
"Oops ano yon? Kumukulo na tyan mo ah? Gutom ka na noh ? Tanggapin mo na 'to niluto ko pa naman 'to para-." Naputol ang sasabihin niya ng kuhain ko kaagad ito . Sinarado ko kaagad ang pintuan upang di siya makapasok.
"Hoy ano ba , di mo man lang ba ako papapasukin? . Di ka man lang nagpasalamat." Sigaw niya sa labas.
"Edi thank you , che! Dami mong arte." Tugon ko.
"I love you too Shayne." Saad niya .
Pagkatapos niyang sabihin yun narinig ko namang sumarado ang pinto ng condo niya. Anong nangyare dun? Wala naman akong sinabing I love you sakanya ah?
Nakain ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.Tumatawag si stacey.Agad ko naman itong sinagot.
"Hoy babaita ka , Kanina pa ako natawag sayo hindi mo man lang sinasagot." Sigaw niya mula sa kabilang linya.
"Pasensya na , may ginawa kasi ako." Pagdadahilan ko.
"Oh siya, pumunta ka dito sa bahay . Tutal wala namang pasok ngayon." Saad niya.
"Ano namang gagawin natin dyan?" Tanong ko.
"Wala naman kakain lang tapos manonood ng korean drama." Tugon niya.
"Okay sige,maliligo lang ako."
In-end ko ang call at naligo na.
Nagsuot lamang ako ng isang short na maigsi at over sized na damit.
Ilolock ko na sana ang pinto ng biglang may kumalabit sakin.
Alam ko na kung sino kaya hindi ko siya nilingon , pinapatuloy ko lang ang paglolock ko sa pinto.
"Hey ano ba pansinin mo naman ako." Saad niya na parang bata.
"Parang kang baliw."
"Hey baby wait! Where are you going? at bakit ang ikli-ikli ng short mo?." Tanong niya.
"Wala ka na dun." Inis kong sabi.
"Boyfriend mo ako kaya sabihin mo sakin." Tugon niya.
"For your information hindi kita boyfriend , ikaw ang may pakana nito diba? At sasabihin ko sayo na wala akong ibang magugustuhan kundi siya!." sigaw ko at umalis.
Bago ako umalis nakita ko ang mukha niya, malungkot at halatang nasaktan sa sinabi ko.
Oh my god,nasaktan ko yata siya?! . Dapat ba akong humingi ng tawad dahil sa nasabi ko sakanya? Haysh bahala na nga.
DWAYNE'S POV
Kanina pa ako dito isip ng isip kung sino ying tinutukoy niya. Kung sino yung 'SIYA' na binaggit niya kanina.Habang tumatagal nagiging interesado ako sakanya.
Una ko palang siyang nakita hindi ko na maipaliwanag yung nararamadaman ko. Nainis ako sakanya nitong mga nakaraang araw , pero kapag sa twing tinititigan at nakakasama ko siya lahat ng inis ko nawawala . Nakikita ko sakanya ang first love ko. Hahanapin parin kita.
Hinding-hindi ako magsasawang hintayin ka. Kahit kailan hindi ka nawala sa puso ko , pero ngayon hayaan mo munang ipahinga ko ang puso ko sayo kapag dumating ang araw na magbalik ka , iiwan ko siya para lamang sayo ,mahal ko.
End of chapter 11
-BINIBINING E.❤
YOU ARE READING
My Childhood Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionHi my name is Shayne Mckdon , 6 yrs old palang ako nagkaroon na ako ng jowabelz. Nagbabakasakali akong balikan niya ako. Ngunit may isang lalaking darating sa buhay ko na magpapabago ng takbo ng puso ko.