CHAPTER 29

218 20 1
                                    

SHAYNE'S POV

Nasaan ba sila? Ba't wala sila dito?

"Nasaan sila?" Tanong ko kay dwayne.

"Aba malay ko  , magkasama tayong nawala diba? Sakin mo itatanong." Natatawang sambit ni Dwayne. Hinampas ko siya.

"Malay mo kasi alam mo." Saad ko at tinarayan siya.

"I don't know." Nakakibit balikat niyang saad.

"Lets find them." I said.

"Alright!" Saad niya.

Pumaikot ikot kami sa loob , ngunit hindi namin sila makita. Tumaas kami sa second floor ngunit wala rin sila. Nagpasya kaming maghanap sa labas ng venue.

Kasalukuyan kaming narito sa labas . Ang tapat ng venue'ng pinagganapan ng birthday ni Stacey ay Dagat.  Sa gilid nito ay may swimming pool , sa bawat madadaanan mo may makikita kang cottages , ang hotel naman na tutuluyan namin ay nasa likod ng venue.

Hinanap namin sila ngunit hindi talaga namin sila makita ,  narito kami ngayon sa buhanginan. Nagpaapoy si dwayne ng kahoy.

"Maya-maya na natin sila hanapin , pagod na ako." Sambit ko. Saan ba kasi sila nagpunta.

"Okay , buti naman naisipan mong magpahinga , coz i'm tired too." Saad niya. Maya-maya'y natahimik kaming dalawa , walang nagsalita.

"A-ah yung kaninang nangyari? Pasensya ka na dun ha?" Saad ni Dwayne. Katabi ko siya , hinawakan niya ang kamay ko.

"A-ah ayun? Wala yun, i understand your sister. Saka wala talaga tayong magagawa kung ayaw niya talaga sakin. Tatanggapin ko na lang yun." Sambit ko habang nakangiti.

"You're so too kind baby."malambing na sabi niya. Humarap siya sa akin , humarap naman ako sakanya .

Sussssssssss.

"Baby your face hindi na ako sanggol!" Natatawang sambit ko

"I don't care , basta mahal kita."seryosong sambit niya. Napatitig ako sa mga mata niya. Biglang bumili ang tibok ng puso ko. Bat sa twing magseseryoso siya , ganito ang nagiging epekto sakin.

Hindi ako nakapagsalita.

"Okay lang kahit hindi mo pa ako mahal ngayon , hihintayin kong mahalin mo ako." Nakangiting sambit niya.

"Pasensya kana ha." Nahihiyang saad ko.

Tumayo siya .

"Stand up , baby." Sabi niya kaya't tumayo ako.

"B-bat mo a-ako pinatayo?"saad ko.

"Basta , look at me." Utos niya. Tiningnan ko nga naman siya.

"Huwag mong intindihin ang ibang tao kung ayaw nila sayo para sakin. Ang mahalaga  mahal kita , kung ayaw nila sa'yo , ipaglalaban kita." Seryosong saad niya. Nagulat ako sa sinabi niya.

"Hindi pwede , pamilya mo sila." Saad ko.

"Bahala na. Basta ang mahalaga kasama kita." Nakangiting saad niya.

"Sussssssss" nakangiting sambit ko. Parang kinikilig yata ako. Choss.

"Kinilig ka naman dyan !" Natatawang sambit niya.

"Hindi noh"natatawang saad ko. Konti langgg.

"Pag tiningnan kita , Tingnan mo ko para may pagtingin tayo sa isa't-isa." Natatawang sambit niya.

My Childhood Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now