DWAYNE'S POV
Nakakainis ang babaeng 'to , wala namang ginagawang masama si Shayne ah!. Kung hindi lang 'to babae , baka nasapak ko na 'to.
"You! , don't touch my girlfriend! Wala kang karapatan para saktan ang girlfriend ko! Listen! Sa oras na makita pa kita ! Ipapatalsik kita sa paaralan ko! Do you understand?!" Saad ko.
Narinig ko ang bulungan ng mga studyante sa paligid namin pero wala akong pake , ang mahalaga ay ang protektahan ang babaeng nasa gilid ko ngayon.
"Girlfriend ? Ha ha ha! Oh my gosh! Baka ginayuma ka lang niyang babaeng yan! Diba? Niligawan mo ako dati? Bumalik kana sakin dwayne , sasagutin na ki-." Saad niya , hind niya naituloy ang susunod niyang sabihin ng magsalita ako.
"Dati yon martha, at hindi na ngayon. Sinayang mo yung pagkakataong ikaw pa yung gusto ko , mas pinili mo si Jason kesa sa akin. Pasensya kana lang dahil may girlfriend na ako at wala na akong panahon para pag-aksayahan ka ng oras." Malamig na sabi ko kay Martha.
Dati ko siyang nililigawan, hmmm siguro grade 10? Nung time kasi na yon, nawalan ako ng pag-asa na makita si shayne yung babaeng minahal ko. Kaya sinubukan kong magmahal ng iba , kaso napunta ako sa maling tao.
Kaya ko lang tinigilan ligawan si martha dahil nakita ko sila ni Jason , nakita ko silang naghahalikan sa library. Kitang-kita ng dalawa mata ko kung pano sila sabik sa isa't-isa. Kaya kinalimutan at tinigilan ko na lang si Martha . Mag aaksaya lang ako ng oras kung ipagpapatuloy ko pa , hindi naman ako bulag para magpakatanga pa sakanya.
Nakita ko namang nabigla si Martha , Palibhasa'y hindi ko sinabi ang dahilan kung bakit tumigil ako ng panliligaw sa kanya. Akala niya siguro'y hindi ko alam ang pang-gagago niya sakin.
Tumakbo at umalis si Martha , kaya naman pinagbulungan siya ng mga studyanteng nakapalibot sa amin.
"Ayos ka lang ba baby?" Tanong ko kay Shayne.
"H-ha? A-ahh , o-oo naman. Hehe." Nauutal niyang sabi. Nabigla siguro siya sa mga nasabi ko kay martha.
"Good, lets go baka malate tayo" yakag ko at inalalayan siyang tumayo sa pagkakaupo.
"Hmm b-bakit mo sinabi yun sakanila? "Tanong niya.
"Kasi dun din naman ang tungo natin e, magiging girlfriend din kita soon HAHAHA." Tumatawang sambit ko. Bigla niya akong hinampas ng pagkakalakas.
'Ouch! It really hurts ang hampasin ng ganito'
"Loko ka! Paano yan! Tiyak kakalat ang balitang yun! Mas lalong dadami ang mga studyanteng magagalit sa akin!" Sigaw niya.
"Wag kang sumigaw , hindi naman ako malayo at hindi ako bingi. Saka mas maganda ng malaman ng lahat ." Seryosong sabi ko. Napahinto siya sa paglalakad kaya naman napahinto rin ako.
"Anong maganda dun!"inis niyang sabi.
"Kapag nalaman ng lahat yun, wala ng magtatangkang agawin ka sakin , wala ng lalapit-lapit sayong mga lalaki. Kaya masosolo kita . Ang akin ay akin , kaya dapat walang ibang umangkin." Seryoso kong sabi. Nakita kong natigilan siya .
YOU ARE READING
My Childhood Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionHi my name is Shayne Mckdon , 6 yrs old palang ako nagkaroon na ako ng jowabelz. Nagbabakasakali akong balikan niya ako. Ngunit may isang lalaking darating sa buhay ko na magpapabago ng takbo ng puso ko.