SHAYNE'S POV
Nagmamadali na ako sa paliligo ngayon dahil alas sais na ako nagising. Ang haba pala ng itinulog ko. Jusko , kung hindi pa ako gigisingin ni mama ay natutulog pa sana ako ngayon.
Nang matapos ako sa paliligo ay agad akong nagbihis at nag ayos ng mukha , naglagay lang ako ng lighy make up ,saka nag blower ako ng hair para tuyo siya.
Nang matapos ako sa pag-aayos ay lumabas na ako , nakabihis narin sina mama , papa ,kuya , manang at manong.
"Anak? Bat ganyan lang ang suot mo?!." Reklamo ni mama. Sumang ayon naman si mama sa sinabi ni papa.
Ano bang masama sa pagsusuot ng pantalon at t-shirt?
"Hay nako! May oras pa naman! Halika rito may ipapasuot ako sa'yo!." Saad ni mama at hinila ako pataas ng kwarto ko. Hindi na ako nakareklamo pa dahil ayokong masermonan.
Gulat ako sa nakita kong ipapasuot niya.
"Ma sigurado ka ipapasuot mo sakin yan?!" Tanong ko.
"Oo! Sure na sure! Dali anak! Suot mona bagy na bagay sa'yo toh!." Sambit ni mama.
"Eh ma..."
"Wag ka ng magreklamo pa! Isuot mo nalang yan!." Sambit ni mama , wala na akong nagawa pa kundi isuot ang sexy na dress na pinapasuot ni mama.
Isa itong maroon sexy dress , kita ang cleavage ko dito , tapos kitang kita ang likod ko dahil backless yung isusuot kong damit. Fitted ito sa katawan ko , simula dibdib hanggang ilalim ng pw*t . May punit ito sa kabilang side kung saan kitang kita ang legs ko kapag maglalakad. Hanggang paa ko ang dress na ito. Kumikinang kinang ito dahil sa mga nakadisensyo rito simple lang siya pero napakaganda.
Isinuot ko ang heels na binigay ni mama . Sabi niya ay isuot ko daw yung isang set ng alahas ko rito.
Isinuot ko ang mga hikaw, kwintas , singsing, at bracelet na may lalong bumagay sa suot ko. Kinuha ko ang pouch kong kay maroon at agad sumunod kina mama sa labas.
Pagkalabas ko ay pumalakpak sila lahat.
"Pang miss universe!" Sabay na saad ni manong , kuya at papa. Natawa kami ni mama at manang.
"Binobola niyo pa ako eh." Saad ko. Nagtawanan kaming lahat.
Sumakay na kami sa hiace , katabi ko si mama at manang.
"You look so beautiful tonight!." Puri ni mama.
"Tonight lang ma?." Nakapout kong sambit.
"Syempre araw araw kang maganda pero mas maganda ka ngayon." Nakangiting sambit ni mama.
"Naku iha , lahat mamamangha ang mga tao pag nakita ka nila. Ang ganda ganda mo! Ay artistahin nga pala ang mukha mong bata ka! Ang katawan mo'y parang si barbie imperial! " Saad ni manang.
"Nako manang ha? Wag mo kong binobola masyaso pag lumaki ulo nako! Hahaha joke lang! Thank you manang thank you mama!." Sambit ko. Tiningnan ko ang oras at 6:50.
7 o clock ang umpisa ng party kaya meron pa kaming 10 minutes.
Maya maya pa'y natanaw ko na ang mansion nil dwayne. Agad naming itinigil ang sasakyan sa tapat ng malaking gate nila kung saad kitang kita ng bawat taong nasa loob ang papasok, may red carpet na nakalatag sa aming daraanan .
Hindi ko makilala ang kanilang mansion , ngayon ko lang napagtanto na grabe ang luwag ng labas ng bahay nila.Dun pala sa likod ng bahay nila ay may basketball-an siya , dun gaganapin yung birthday niya maluwag kasi dun , dagdag mo pa yung mini garden nila sa kabilang side ng bahay nila.
STAI LEGGENDO
My Childhood Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionHi my name is Shayne Mckdon , 6 yrs old palang ako nagkaroon na ako ng jowabelz. Nagbabakasakali akong balikan niya ako. Ngunit may isang lalaking darating sa buhay ko na magpapabago ng takbo ng puso ko.