Enjoyy! :)
SHAYNE'S POV*
Narito ako ngayon sa Villela's Bar , ang bar ng pamilya ni Adery. Agad na hinanap ng mata ko si Dwayne. Nagpaikot-ikot ako sa loob ng bar , at nagtanong narin ako sa mga nakakakilala kay dwayne, ngunit hindi raw nila nakita ito . Sobrang daming tao , hindi ko agad siya makita. Nasan na kaya siya?
May lalaking lumapit sa akin at bigla nitong hinawakan ang bewang ko. Napaigtad ako sa ginawa niya , kinakabahan ako dahil halatang may tama na ng alak ang lalaking 'to.
Lumayo ako sa lalaking yun , pero ramdam ko ang pagsunod niya sakin kaya't dali-dali akong pumasok sa C.r. pagkapasok ko ay walang tao. Hayyy salamat naman.
Teka, mali ang napasukan ko. C.r ng mga lalaki 'to. Ba't hindi ko napansin yun?! Shit namaaaan!. Narinig kong bumukas ang pinto , wala akong mapagtaguan. Walang cubicle rito, kaya't makikita niya agad ako kapag pasok niya.
"Hmmm, masosolo kita ngayon binibini. Wag ka ng magpakipot , alam ko namang gusto mo rin naman." Nakangising sabi ng lalaking 'to , hinubad niya ang polo niya at tinanggal ang sinturon. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, naginginig ang mga paa ko. Naiiyak ako. Nasan kana Dwayne.
"Huwag please , maawa ka kuya." Pagmamakaawa ko. Ngunit hindi siya nakinig , mas lalo siyang lumapit sa akin at hinalik-halikan ang leeg ko. Nagpumiglas ako, sinubukan kong tumakas pero masyadong siyang malakas. Paano na ako.
"Hmmm, ang bango mo . Wag ka ng magpumiglas kung ayaw mong masaktan. Mukhang masarap ka ah. " nakangising sambit ng lalaking to. Inihiga niya ako, hindi ako makawala sa mga kamay niya . Ang lakas niya.
Umiiyak ako ng umiyak habang hinahalik-halikan niya ang leeg ko, Dwayne , kailangan kita, tulungan mo ako.
"Tama na please. Dwayne tulungan mo akoo!!!" Nagmamakaawang sambit ko. Hindi siya nakinig patuloy lang siya sa ginagawa niya . Akmang iitataas niya na ang dress ko nang biglang bumukas ang pinto.
"Don't touch my wife! Walang pwedeng humawak sakaniya at lalong walang pwedeng pagsamantalahan siya. Let her go!" Galit na sabi ni Dwayne. Binitawan naman agad ako ng lalaki. Agad akong tumakbo papalapit kay Dwayne.
"Pare , ang sarap ng asawa mo. Sayang lang dumating ka kaya hindi ko-." Hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng bigla siyang suntukin ni Dwayne.
Pinagsusuntok ni Dwayne ang lalaking ito , ramdam kong galit na galit si Dwayne. Sinipa niya ba ang fishball ng lalaking yun. Kitang-kita ko ang pag-inda ng sakit nung lalaking manyakis. Bleh buti yan sayo! Napakabastos mo! Nagmakaawa ako pero hindi mo ako pinakinggan.
Pinagsusuntok muli ni Dwayne ito. Sige ayan! Suntukin mo pa! Bwiset kang lalaki ka! Oh pak! Pak! Boogssh! Wataa! Oha! Nasan ang tapang mo ngayon.
"Sa susunod na makita ko yang pagmumukha mo , hindi lang yan ang aabutin mo. Hinding-hindi ako magdadalawang isip na tapusin yang buhay mo. Walang pwedeng humawak sa Wifey ko , tandaan mo yan." Seryosong sabi ni Dwayne. Nakita kong natakot yung lalaki , kaya't dali-dali itong umalis. Bleh!
"Okay ka lang ba? Anong ginawa nun sayo! May masakit ba? Sinaktan kaba niya?" Nag-aalala niyang tanong saka mahigpit na niyakap ako. Niyakap ko siya pabalik.
"Thank you so much Dwayne, kung wala ka baka kung ano ng nagawa sa akin ng lalaking yon."yan na lamang ang nasabi ko at saka siya mas niyakap ng mahigpit.
"Don't worry , you're safe now.
I will protect you as long as i can ." Hinihingal na sabi niya. Shit! Inaatake yata siya ng hika."Are you okay? Nahihirapan ka bang huminga?" Nag-aalalang tanong ko.
"Yes, ipapahinga ko lang 'to magiging okay na ako. " nakangiting sabi ni dwayne.
"Thank you ulit ha? Sobrang natakot talaga ako kanina akala ko hindi kana darating."
"Welcome! , ang mahalaga ay ligtas kana ngayon. Hinding-hindi ko na ulit hahayaang mangyari yun. Lets go home?" Sabi niya. Agad naman akong tumango.
******
"Ba't ka nga ba hindi pumasok sa klase?" Tanong ko pag kapasok namin sa condo niya.
"Hmmmm." Tanging sabi niya. Nakitang kong tumulo ang luha niya sa kabilang mata , kaya pinunasan ko ito gamit ang daliri ko. Nakaramdam akong ng awa sakanya.
"Okay lang kahit hindi mo sabihin kung anong dahila-." Sambit ko , ngunit sumabat siya kaya hindi ko naituloy ang sasabihin ko.
"No , i'll tell you. Ayokong maglihim sa'yo." Malungkot na sabi niya. Aysh! Nakakahawa naman ang kalungkutan niya. Hinawakan ko ang kamay niya.
"Are you sure?" Tanong ko. Tumango lamang siya.
"May nakapagsabi kasi sakin na yung babaeng mahal ko, yung babaeng matagal ko ng hinahanap ay matagal ng patay. Lola niya yung nagsabi sakin. Kaya pala hindi ko siya mahanap kasi patay na siya. Ni hindi ko man lang siya nasilayan kahit saglit. Umaasa pa naman akong mahahanap ko siya , but now? Wala na, wala na akong aasahan kasi wala na siya." Lumuluhang sabi niya. Pinunasan ko ang mga luha niya saka siya niyakap. Ito lang ang tanging maitutulong ko sayo ngayon.
"Hindi lahat ng taong mahal natin ay mananatili sa tabi natin ng panghabang-buhay. Mawawala at mawawala sila , walang permanenteng tao sa mundo." Sambit ko.
"May mawawala nga , at sa pagkawalang iyon alam kong may darating pa sa buhay mo. Na magpaparamdam ng mga bagay na hindi mo naramdaman sakanya." Sambit ko. Narinig ko ang paghikbi niya. Naiiyak ako sa sitwasyon niya. Matagal niyang hinanap ang babaeng yun tapos malalaman niyang patay na pala ito.
"Hindi ka nag-iisa , nandito ako para samahan ka. Mananatili ako sa tabi mo , hindi kita iiwan. Walang permanenteng tao sa mundo pero may permanenteng nararamdam ang bawat tao ." Dagdag ko.
"Thank you so much Shayne, pinagaan mo ang pakiramdam ko. Mas mabuting tanggapin ko na lang ang nangyari , dahil wala na naman akong magagawa pa dahil wala na siya." Seryosong sabi niya. Kumalas siya sa pagkakayakap at tinitigan niya ako sa mga mata .
"Namatay ang first love ko, kaya't hindi ko hahayaang mawala ka sa tabi ko . Isa lang ang nasisigurado ko ngayon , mahal ko siya , pero mas mahal kita ." Sambit niya. Ito na naman ang puso ko tumatalon !
"Kung hindi mo pa ako mahal ngayon, maghihintay ako. Hindi kita pipiliting mahalin ako, hindi kita mamadaliing mahalin ako. Hindi ako magsasawang iparamdam sa'yo kung gaano ka kahalaga sa buhay ko. " nakangiti niyang sabi saka hinalikan ang labi ko. May kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Mamamatay na ba akes? Charr!
1*
2*
3*
4*
5*
6*
7*
8*
9*
10*
10seconds niya ako hinalikan, ginantihan ko siya ng halik. Shit why?! Tukso layuan mo ako. Layo!chupi!! chupiii!!
Siya ang unang bumitaw.
"Hindi ito ang tamang oras , baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Mas mabuting umuwi kana." Seryosong sabi niya. Agad-agad ako tumakbo palabas at pumasok sa Condo ko. Bat parang kinabahan ako dun?
Nubayan, nabitin ako don ah.
What the fvck?! Anong sinabi ko?!!! Nooo! Hindi ako nabitin dun. Medyo lang.
' Wag kang malandi Shayne ! '
Masyado yata akong kinilig kaya nagkakaganito ako ngayon. Ahihihi. Napaka talande mo self. Ang hitad mo.
END OF CHAPTER 21
DON'T FORGET TO VOTE , COMMENT , AND FOLLOW! THANKS A LOT !❤
HOPE YOU LIKE MY STORY:( HUHUHU
-BINIBINING_E ❤
YOU ARE READING
My Childhood Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionHi my name is Shayne Mckdon , 6 yrs old palang ako nagkaroon na ako ng jowabelz. Nagbabakasakali akong balikan niya ako. Ngunit may isang lalaking darating sa buhay ko na magpapabago ng takbo ng puso ko.