DWAYNE'S POV
Agad kong hinatid si Shayne sa kanila dahil pinapatawag na ako ni mom , sa office niya.
"Mom? Bat niyo po ako pinapatawag?." I asked.
"Tell your ate na asikasuhin na yung mga kailangang asikasuhin sa birthday mo. And! May nahanap na akong isusuot mo , kaya wag ka ng mamroblema dun. And nga pala yung planong sinasabi mo ay pinapaasikaso ko na rin sa secretary ko." Nakangiting saad ni mom.
"So yun lang po yung sasabihin niyo?." Walang reaksyong saad ko.
"Yeps! Why?." Nagtatakang tanong ni mom.
"Mom , ka date ko po kasi si Shayne kanina eh kaso sabi ni dad pinapatawag mo daw ako kaya pumunta agad ako dito." Kamot ulo kong saad.
"You're so cute son , binata kana talaga." Natatawang sambit ni mom.
"Mauna na po ako mom , aasarin niyo lang po ako eh! Bye mom! See yah later!." I said and i kiss her chick.
"Bye lover boy, take care!." Natatawang sambit ni mom.
"Mom!!!." Sigaw ko at umalis.
Alas dyis na ako nakarating sa bahay dahil sa sobrang traffic .Pagdating ko sa bahay ay agad kong tinawagan si Shayne.
"Hi baby!." Bungad ko.
"Hello. Napatawag ka?." Tanong niya.
"Nothing , namimiss lang kita."
"What the?! Kakikita mo lang saken kanina ah?" Natatawang sambit niya sa kabilang linya.
"Kaya nga , pero miss na kita agad eh. Excited na nga akong makasama ka ulit eh." I said.
"Makakasama mo ulit ako. Don't worry." Saad niya.
"Pero gusto ko ngayon na." I said.
"What!? Gabi na kaya!." Natatawang sambit niya.
"Tss , i want to hug you now! ." Sweet kong saad.
"Bukas nalang. Magkikita pa naman tayo tomorrow right?."sambit niya.
"Kaya nga pero matagal pa yun noh!!!." Inis kong saad.
"Just rest hubby!." Saway niya.
"Wait moko jan ha? Puntahan na kita."
"But..."
"No more buts!." I said saka ko pinatay ang tawag at agad na umalis ng bahay. Tulog na sina mom kaya di na ako nagpaalam , ayoko namang istorbohin pa sila , malaki na naman ako at kaya kona ang sarili ko.
Binilisan ko ang pagpapatakbo. Para makarating agad saknila.
Damn this feeling! I miss her so much! I want to be with her again!. I want her.
Few minutes later...
Nang makarating ako sa mansion nila ay di na ako nagdalawang isip pa na akyatin ang mataas nilang gate. Kahit na nahirapan ako ay sige parin , basta gusto ko siyang makita!.
Hindi na ako nag doorbell dahil alam kong tulog na sina tita. Baka makaabala pa ako sknila.
Nakita ko ang pinaka balcony ng kwarto ni shayne at inakyat ko ito.
Nang makarating na ako sa balcony ng kwarto ni shayne ay Biglang syang tumawag sa akin. Hindi nakabukas ang pinto ng balcony ni shayne at sarado narin ang mga bintana kaya't di niya alam na narito na ako.
YOU ARE READING
My Childhood Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionHi my name is Shayne Mckdon , 6 yrs old palang ako nagkaroon na ako ng jowabelz. Nagbabakasakali akong balikan niya ako. Ngunit may isang lalaking darating sa buhay ko na magpapabago ng takbo ng puso ko.