DWAYNE'S POV
After 1 month.......
Isang buwan narin ang nakalipas ng mawala si Morgan. Naging okay narin ako dahil sa mga ginagawa sa akin ni shayne , palagi niya akong pinapangiti , palagi niya akong pinagsisilbihan , palagi siyang narito sa bahay para alagaan at asikasuhin ako , para na nga kaming mag-asawa eh , kulang nalang ay anak.
Malapit na ako mag 19th birthday. Kay naman sina mommy, ate at daddy ay busy sa pag aasikaso ng plano sa birthday ko.
Kasalukuyan akong nagsusukat ng damit dito sa isang store sa mall , nagustuhan ko kasi ang damit na ito dahil may ka couple ito tsaka maganda rin ang design.
Nang makita kong paparating na si Shayne galing C.r ay tinago ko na agad ang isang kapares sa bag na dala ko.
Gusto ko sanang pagselosin siya hehe. Wala trip ko lang hehehe.
Saktong dumating yung sales lady.
"Hi sir bagay na bagay po sainyo " saad ng sales lady sa akin.
" Oh really? Thank you."
Hinawakan ng sales lady ang dibdib ko. " Sir ang macho niyo naman po pala." Pabebeng saad ng babaeng to , actually naiirita na ako pero dahil goal kong pagselosin ang fiance ko ay titiisin ko.
"Syempre naman ako pa eh." Saad ko ,tiningnan ko si Shayne at bad trip na bad trip na yung mukha niya , gusto kong matawa ksi para siyang papatay ng tao sa mga titig niya.
"Ahh sige una na ako ha " saad ko at pumunta kay shayne. Niyakap ko siya pero hindi niya ako niyakap pabalik. Gusto kong tumawa , promise! .
"Bat di mo man lang ako yakapin pabalik?." Kunwaring nakasimagot na saad ko kahit na patawang patawa na ako.
"Dun ka magpayakap sa sales lady tutal enjoy na enjoy ka kanina." Masungit na Saad niya. Hindi ko na napigilan na tumawa.
"HAHAHAHA!." Tawa ko.
"Ang cute mo naman magselos." Saad ko at pinisil ang magkabilang pisngi niya.
"Sus nambola ka pa eh , dun kana nga ! Di mo naman ako lab eh." Sambit niya. Niyakap ko siya patalikod.
"Crazy girl! Ikaw ang pinakamagandang babae sa paningin ko kaya di na ako maghahanao ng iba pa , lab naman kita eh. " Saad ko. Nakita ko ang pasimpleng pagngiti niya.
"Tss , kunwaring sungit sungitan , sus! nagpapasuyo ka lang ehm" pang-aasar ko sknya.
"Hindi noh!." Nakakunot na sabi niya . " Oh eh bakit ka nagpipigil ng ngiti jan kanina. Sussss!." Natatawang sambit ko.
"Leche kaaa Dwayneeee!" Naiinis na saad niya. Tumawa ako ng tumawa.
"Tara na nga , uwi na tayo.." yakag ko sknya pero hindi siya nakikinig , nanatili siyang nakatingin dun sa lalaking naka sumbrero! Nakikipagtitigan siya dun.!!! Waaaah! Nakakainis!.
Humarang ako saknya.
"Ano ba! Wag ka nga jan." Saway niya sa akin pero di ko siya pinakinggan. Tinakpan ko mukha niya..
"Hey baby! You are mine okay! Wag ka ngang makipagtitigan sa iba! Sakin laaaang!." Naiinis na saad ko.
"Tss alis jan!." Saad nya.
"Tsk! Bahala ka nga jan kung gusto mo makipagtitigan edi makipagtitigan ka!." Saad ko. At naglakad paalis. Pinigilan niya ako.
"I'm just kidding , sinadya ko talaga yun noh para makaganti ako sa pagpapaselos mo!!." Natatawang sambit niya.
"Tss! That's not funny!." I said.
"Wow kala mo naman nakakatawa yung ginawa mo kanina. Dzuh!." Mataray na saad niya. Wow ha?! Taray ni atengs!
"Okay sige dun kana sa sales lady mo at ako dun ako kay kuyang naka cap!." Masungit na sambit niya. Tss , ako talaga sinusubukan ng babaeng to eh.
Binuhat ko siya papunta sa stage. May stage kasi ang mall na ito , araw araw kasing may baklang nagpapatawa rito sa mall na ito kaya palaging naka tambay ang mga tao rito.
"Hey! Let me go! What are you doing!" Sambit niya. Nang makarating kami sa stage ay binaba ko siya.
"Hey anong gagawin natin dito?" Nagtataka niyang saad.
Inagaw ko sa bakla ang mic at nagsalita.
"This girl beside me is mine! Walang pwedeng umagaw ! She is my fiance! And soon i will marry her! . I really love this woman!!" Sigaw ko. Ang lahat naman ng tao ay naghiyawan. Humarap ako sknya.
"I don't want anyone else to have your heart , kiss you lips, or be in your arms because that's only my place. " Sambit ko , na mas lalong kina ingayan ng nga tao. Hindi niya napigilang mapangiti. Iba talaga talaga ako magpakilig. Tss.
"Ang akin ay akin! Si Shayne Mckdon ay Akinnnn!. Thank you!." Sigaw ko , naghiyawan at nagpalakpakan ang mga tao.
"Wow naman! Sana ol sa inyo! " Saad ng bakla habang naka mic.
"Thank you." Saad ni shayne.
"Tss , thank you lang? Wala bang kiss jan?" Sigaw ko.
"Kiss!." Sigaw ng mga tao.
"Tss. Kiss lang pala eh." Mayabang na saad niya.
"Tss alam kong mahihiya ka kaya hind mo gaga...." Di ko naituloy ang sasabihin ko ng halikan niya ako sa lips.
"Tsup!"
Hindi agad ako nakagalaw.
" ayieeeee!" Pangangantyaw ng mga tao.
"Nagbablush kana naman!." Sigaw niya. Shit nakakahiyaa!.
"Hehe." Nahihiyang saad ko.
Niyakap ako ni Shayne , at inagaw niya sa akin ang mic.
"This man beside me is mine , kaya ikaw na ateng sales lady , kung ayaw mong makatikim ng isang shampal! Wag mong hahawak-hawakan ang dibdib ng fiance ko! Akin lang ang lahat ng parte ng katawan niyan." Sigaw ni Shayne.
Damn!!! Mas lalong nag init ang pisngi ko , mas lumakas ang hiyawan ng mga tao.
Shitt! Grabe magpakilig ang asawa koooo!.
"Sayong sayo na lahat ng parte ng katawan ko pati yung...." Di ko naituloy ang sasabihin ko ng kuritin niya ang tagiliran ko.
"Wag ka ngang mag isip ng iba , alam ko ang takbo ng isip mo." Natatawang sambit ko. Nanlaki ang nga mata niya.
"Sayong sayo na lahat ng parte ng katawan ko pati yung puso ko! Yun kasii!" Saad ko at kinindatan siya na mas lalong nagpakilig sa mga kababaihan.
"Pero kung gusto mo yung lower part sige lang, free to touch , and free to taste."natatawang sambit ko , mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga kababaihan sa loob ng mall , well , iba talaga ang montealegre. Nanlaki lalo ang mata niya. Hinampas niya ang ng pagkalakas.
"I'm just kidding." Natatawang saad ko.
HAHAHAHA! BAKA DWAYNE 'TO.
END OF CHAPTER 80
YOU ARE READING
My Childhood Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionHi my name is Shayne Mckdon , 6 yrs old palang ako nagkaroon na ako ng jowabelz. Nagbabakasakali akong balikan niya ako. Ngunit may isang lalaking darating sa buhay ko na magpapabago ng takbo ng puso ko.