CHAPTER 45

218 27 6
                                    

AN: Pasensya na kung medyo natagalan pag uupdate! Busy akes sa modules ih! Saka sira cp ko:( hehe! Enjoyyy reading!💖

Lumipas ang madaming araw , oras , at minuto. Palagi akong nasa tabi ng lola ko , umaalis lamang ako sa tabi niya kapag maliligo at kukuha ng pagkain. Dun na rin kasi ako natutulog sa may sofa na malapit kung saan siya nakapwesto .

Araw-araw parami ng parami ang mga taong nakikiramay . Ganyan kabait ang lola ko , yun nga lang ay maaga siyang nawalay sa amin. Pero kahit ganon alam kong malalampasan namin ang mga pagsubok na ito.

Araw-araw kong ipinagdarasal na sana magpakita sakin si lola , kahit isang saglit man lang kahit isang beses lang. Mula ng isinilang ako ni mama , ay palaging si lola ang kasama ko , dahil busy si mama at papa sa pagtatrabaho , si kuya naman ay busy sa pag-aaral. Siya ang naging pansamantalang nanay ko sa mga sandaling wala si mama. Siya ang nagturo sa akin kung paano maging matatag sa buhay, kung paano maging mabuti sa kapwa at marami pang iba.

Noong panahon na yun ay hindi pa patay ang lolo ko , at hindi pa sila masydong mayaman. Nang tumuntong ako ng grade 3 , dun nagsikap si lola at lolo sa pagpapalaki ng kanilang negosyo para daw pagpumanaw silang dalwa ni lolo ay sa amin lahat mapunta lahat ng pinaghirapan nila , para raw hindi na mahirapan sina mama at papa na mag paaral sa aming dalawa ni kuya.

Sabi ni mama sa akin kanina , bago daw mawala si lola ay sinabi niya na "Ingatan mo ang aking dalawang apo , sila ang isa sa mga nagbigay inspirasyon sa amin ng ama mo para kami'y magsikap sa pagtatrabaho." Ayan ang huling sabi ni lola bago siya mawala.

Sa sobrang daming masamang tao sa mundo , bakit hindi nalang sila yung kinuha , kung sino pa yung taong mababait sila pa yung kinukuha kaagad. Pero wala naman tayong magagawa kung ayun ang nakatadhana hindi ba?

Ngayon , ngayon ang araw ng libing ni lola , natapos ang misa ng pari kaya't agad na siyang dinala kung saan siya ililibing . Kasalukuyang naghuhulog ng mga puting rosas ang nga taong malalapit sakaniya , isa narin doon sina mama , papa at kuya. At syempre ako.

Lumapit ako , at hinulog ang puting rosas na hawak ko , kasabay nito ang pagpatak ng mga luha ko , ito'y dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Mamimiss kita lola. Mahal na mahal ka namin at hindi magbabago yun " mahinang saad ko at tuluyan ng napahagulgol.

********

DWAYNE'S POV

"What?! Umalis sila? Silang dalawa ni Blake? Magkasama sila?" Pasigaw na tanong ni morgan. Narito siya sa condo ko ngayon dahil dinalhan ako ng pagkain , napansin niya kasing nitong mga nakaraang araw ay wala akong ganang pumasok kaya sinabi ko sakaniya ang tunay na dahilan.

"Ganun na nga ." Malungkot kong saad.

"Ang kapal naman ng mukha niya? Pagtapos ng ginawa niya sa akin? Bigla bigla nalang siyang aalis? " Singhal niya.

"Namatay daw kasi yung lola ni Shayne, sabi ni Stacey." Saad ko.

" Eh bakit kailangang kasama si Blake? Kung gusto ka niya ikaw ang isasama niya at hindi si Blake. Baka naman si blake talaga ang gusto niya at pinaglalaruan ka lang niya?." Sambit ni morgan na nagpakabog ng dibdib ko. Hindi nga kaya ganun?

"Hindi namn siguro ganun." Sambit ko.

"Ganun yun Dwayne, wag kang tanga, harap harapan ka ng niloloko hinahayaan mo lang? Dwayne wag kang magbulag bulagan." Sabi niya. Namui ang mga luha ko sa aking mga mata , siguro nga ay tama siya. Na baka pinaglalaruan lang ako ni Shayne , na baka mas gusto niya si Blake. Aaminin kong may pagkakamali ako sakaniya , na hindi ko siya pinaniwalaan. Hanggang ngayon hindi ko alan kung anong dahilan ng pag-aaway nila , tinatanong ko si morgan pero puro si Shayne raw ang nanguna. Tinatanong ko yung mga kaibigan ni shayne pero ayaw nilang sabihin.

" Dwayne, ako yung nasa tabi mo pero iba yung iniisip mo. Ako yung nandito pero iba yung hinahanap ng mga mata mo. " Lumuluhang sambit niya. Pinahidan ko ang luha niya gamit ang aking mga daliri.

"From now on , wala nakong ibang iisipin kundi pamilya , kaibigan ko at ikaw. Kung sino ang nandito sa tabi ko ay yun ang papahalagahan ko , hindi na ako magpapakatanga , kung ayaw niya sakin , ayaw ko na rin sakaniya , hindi ko pipilitin ang sarili ko sakaniya. Hindi lang siya ang babae sa mundo." Saad ko at tumulo ang luha sa kanang mata ko. Pinunasan ni morgan ito.

"Hindi nga lang siya ang babae sa mundo , dahil nandito pa ako. Nandito ako na kayang mas higitan pa ang mga ginagawa niya sayo." Saad niya at niyakap ako , niyakap ko siya pabalik.

Kumalas siya sa pagkakayakap at agad na hinalikan ang mga labi ko.

Gumanti ako sa kanyang mga halik , at inisip na si Shayne ang kasama ko. Kahit na anong gawin ko , hindi siya matanggal sa isip ko.

Sinabi ko mang ayaw ko na rin sa'yo alam kong hindi ko makakaya yun , dahil kahit na anong gawin ko ikaw ang. hinahanap ng puso ko.

Mahirap na bitawan ang isang tulad niya , hindi siya katulad ng iba , iba siya , ibang-iba siya. Kaya kahit masakit ay hihintayin ko siya kahit ito'y matagal pa.

Sabi nga nila , "Walang mahirap sa taong may pangarap." Ikaw ang pangarap ko , kaya kahit mahirap kakayanin kong magtiis kahit na masakit at mahirap para sa akin 'to.

Ikaw ang pangarap ko , ikaw ang buhay ko , at ikaw ang babaeng panghabang buhay na mamahalin ko.

END OF CHAPTER 45

DON'T FORGET TO VOTE , COMMENT , AND FOLLOW. THANKS A LOT!

-LOVELOTS!

-BINIBINING_ECA💖

My Childhood Boyfriend (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora