CHAPTER 68

165 13 0
                                    

SHAYNE'S POV

Nagising ako sa sunod sunod na tunog ng cellphone ko.

"Hey baby!"

"Gising kana ba asawa ko?"

"I love you!"

"Miss na kita sobra sobra."

"Magkita na tayo ngayon na."

"Pupunta ako sa inyo."

"Btw! Goodmorning wifey."

"Wait moko dyan ha? Papunta na ako."

"Excited na ako makita ang asawa ko! Yuhuuuu!"

"Mahal na mahal kita."

Ilang lang yan sa mga texts niya. Grabe ang lalaking 'to.

Napabalikwas ako ng bangon ng maalala kong pupunta siya dito.

Shit! I need to take a bath! Nakakahiya sakanya kung ganito ang amoy at itsura ko.

Kumuha ako ng isusuot sa closet ko , papunta na ako ng c.r ng biglang magbukas ang pinto ng kwarto ko.

"Hi asawaaa ko! Goodmorning? Kumain kana ba? Teka eto may dala ako , ayoko ng nalilipasan ka ng gutom , alam mo namang mahal na mahal kita. Tara sabay na tayo mag umagahan." Sambit niya. Papalapit siya sa akin ng papalapit , habang ako'y papalayo ng papalayo saknya.

"Ah eh , sige baba kana , maliligo lang ako hehe. Wait mo nalang ako dun sa baba." Nahihiya kong sambit.

"Teka? Nahihiya kaba?" Natatawang saad niya.

"H-hindi noh!" Tanggi ko.

"Kilalang kilala kita kapag nagsisinungaling , tsk tsk tsk. Wag kang mahiya kung mabaho ka..." Sambit niya. Binatukan ko siya.

"So sinasabi mo na mabaho ako! Excuse me hindi kaya ako mabaho noh!." Sigaw ko.

"You know what? Kahit na ano pang amoy ang meron ka , kahit amoy tar kapa ng kalabaw , o ng baboy , tatanggapin kita , para sakin ikaw parin ang pinaka mabango sa lahat! Kahit na magkayat kayat ang laway mo jan! Kahit na puno ng muta yang mata mo , kahit na mangulangot ka pa sa harap ko , para saken ikaw parin ang pinakamagandang babae sa buong mundo." Nakangiting ssmbit niya. Napangiti ako ng patago. Hihi kinilig ako sa part na yun.

"Sus! Ikaw talaga!." Natatawa kong sabi.


"Ang misis ko ang pinaka mabango sa balat ng langit!" Sigaw niya. Tinakpan ko ang bibig niya.

"Hoy ang ingay mo! wag kang maingay baka malaman pa ng iba mainlove pa sila sa kabangohan ko."natatawa kong saad.

"Hmmmm." Nakasimangot niyang sambit.

"Kahit na isang milyon pang poging lalaki  ang mainlove sa akin, ikaw parin ang pinaka kakaiba sa lahat." Saad ko.

"So alien ako ganon?" Sambit niya , natawa ako.

"I mean , ikaw yung pinaka kakaiba sa lahat , kasi wala ng papantay sa isang katulad mo , ikaw ang pinaka gwapo sa buong planeta!" Sabi ko , napangit siya.

"Ang cute cute mo talaga!." Saad niya at pinisil ang pisngi ko.


"Wala akong pera , wag kang mambola." Natatawa kong sambit.

"Di ko kailangan ng pera mo , kahit kiss lang o..." Di niya naituloy ang sasabihin niya ng buksan ni mama ang pinto ng kwarto ko.

"Ops nakaistorbo ba ako? Hehe sorry , hinatayin na namin kayo sa baba, sabay sabay na tayo mag umagahan." Saad ni mama .

"Okay lang po mama." Sabay naming saad , nagkatinginan kaming dalawa at sabay na natawa. Natawa din si mama , atsaka siya bumaba.

"I love you wifey." Sambit niya.

"I love you too hubby." Saad ko.

Nagpaalam ako sknya na maliligo lang ako. Sumang ayon naman siya at hinintay na lamang akong matapos.

Nang matapos ako ay sabay kaming bumaba , binati namin sina , mama ,papa at kuya.

Sabay-sabay kaming kumain, marami din kaming napagkwentuhan.

Kinalabit ako ni Dwayne.

"Baket?" Tanong ko.

"May pupuntahan tayo." Sambit niya.

"Saan?" Tanong ko.

"Basta." Saad niya at kumindat.

"Teka magpapaalam muna ako." Saad ko. " Hindi na kailangan, dahil kanina pa kita pinagpaalam." Sambit niya.

"Nice!" Saad ko. Sabay kaming pumunta sa salas kung saan naroon sina mom and dad , nagpaalam kami ng maayos, bago umalis.

Kasalukuyan na kaming narito sa loob ng sasakyan niya.

"Saan ba tayo pupunta? Bat ayaw mo pa sabihin eh malalaman ko din naman." Sambit ko.

"Basta." Sambit niya sabay kindat.


Umiling na lamang ako.


******

"Wear this." Saad niya." Ha? Bakit naman?." Tanong ko.

"Basta." Sambit niya. Tumango na lamang ako at sinuot ang pantakip sa mata.

Inalalayan niya ako pababa ng sasakyan at dahan dahan kaming naglakad. Hindi ko alam kung nasaan kami.

"Pagkabilang ko ng tatlo , saka mo tatanggalin okay?" Saad niya , tumango ako.

"1."

"2."

"3."sigaw niya.

Tinanggal ko ang piring sa aking mga mata. Bumungad sa akin ang isang hardin na napaka ganda.  May mga pagkaing nakahanda at rose petals na nagkalat sa damuhan . Kinuha ni Dwayne ang isang boquet at isang kahon ng chocolate.

"This is for you , i love youuu!" Sambit niya. Binigay niya sa akin ang boquet at chocolate.

Ang sweet sweet niya talaga , hindi ko akalain na darating siya sa buhay ko , hindi ko akalain na may magmamahal sa akin ng ganito.

Napaiyak ako sa sobrang saya.

"Oh? Why are you crying baby? Hindi mo ba nagustuhan?" Tanong niya at niyakap ako.

"Nagustuhan." Naiiyak kong sabi.

"Oh eh bakit ka naiyak?" Tanong niya.

"Eh kasi naman eh! Nakakatouch kasi yung mga efforts mo! Alam mo? Hindi mo naman kailangang gawin to para mapasaya ako eh , kasi makasama lang kita , masayang masaya na ako." Sambit ko. Hinalikan niya ang noo ko.

"Hayaan mo akong gawin ang lahat ng 'to , hayaan mo akong ipadama sa'yo kung gaano ka kahalaga sa buhay ko." Bulong niya sa tenga ko.
Dahan dahan niyang inilapat ang kanyang labi sa labi ko.

"Mahal kita , Shayne. Handa akong gawin lahat para sa'yo." Sambit niya.


Napakaswerte ko lang na nagkaroon ako ng isang dwayne montealegre. Isang Dwayne montealegre na hindi ko inaasahang darating sa buhay ko.

Ganon naman talaga diba? Hindi natin inaasahan na darating ang isang taong magmamahal sa atin ng totoo , kusa nalang darating ito kahit hindi mo hilingin. Bawat tao ay may nakatakda para sakanila , hindi man dumating ngayon , ay darating din ito sa tamang panahon. 



END OF CHAPTER 68!

My Childhood Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now