CHAPTER 7

280 27 0
                                    

Dwayne PoV*

 Ano ba tong babaeng to basang basa at may gana pa atang matulog dito sa elevator, lasing ba toh? Aysh napakalasinggera naman ng Babae na to.

Pinilit ko siyang gisingin pero hindi siya magising. Nagulat ako ng biglang nawalan ng ilaw yung elevator. Mukhang sira pa ata 'to ah. Kung minamalas ka nga naman .

Pumunta akong muli sa tabi  niya, ng dumampi ang balat nito sa akin, ay agad kong naramdaman ang init nito. Mukhang lagnat pa ang Babaeng to. Paulan kasi ng paulan. Ihiniga ko siya sa hita ko. Napansin ko ang sexy na kasuotan nito, aba nagsusuot pala ang babaeng 'to ng ganito .Napansin ko rin ang ayos ng mukha nito ngayon.

Kahit na medyo madilim ay kitang kita ang taglay na ganda nito pinagmasdan ko siya, yung kilay niya, mas lalong gumanda ang hugis, ang buhok niya , na mas lalong um-straight. Haysh.

Teka makatawag nga muna, halos mawalan ako ng pag-asa ng lowbat ako. At boom!
 , namatay.

Wala akong magagawa kundi magpalipas ng gabi kasama ang babaeng ito.

Shayne PoV*

Halos di ako makabangon dahil sa sakit ng ulo ko. Napansin ko ang isang lalaking tulog. Nagulat ako ng makitang si Dwayne iyon. Agad naman siyang nagising.

"T-teka? Wag mo sabihing sira yung Elevator!" Sabi ko. Grrr, giniginaw ako.

"Ganun na nga liit." Seryso niyang sabi.

"A-ah ang l-lamig." Nginig na sabi ko.

Nakita kong hinuhubad niya ang jacket niya.

"T-teka anong gagawin mo , Manyak ka! Wag moko gagalawin, Virgin pako!" Signhal ko kahit nanghihina na ako.

"Tangek! Ibabalot ko sayo 'to kasi nilalamig ka!" Sabi niya , nahiya naman ako .

Inilagay niya ang jacket niya sa akin, bali parang nakayakap siya sa akin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, may pagkamabait naman pala ito.

"Oh ayan, matulog kana gigisingin nalang kita pag nabuksan na to." Saad niya.

"A-ah baka may gawin ka pa sakin!" Saad ko.

"Hoy babaeng maliit! Wag ka ngang feeling , di ako napatol sa tulad mo." Ayan na naman siya.

"Che! Makatulog na nga lang." Sabi ko.

Dwayne POV*

Ilang oras ng tulog si shayne, naisipan kong ihiga siyang muli sa hita ko, papikit na ako ng bigla siyang magsalita.

"Babyhubby , nasan kana bat di mo na ako binalikan." Saad nito na ikinataka ko , may bigla akong naalala.

Babyhubby? Teka lang? ... hindi ! Imposible ang iniisip ko.!






Itutuloy.....

End of chapter 7


DON'T FORGET TO VOTE , COMMENT , AND FOLLOW. THANK YOU!❤

-BINIBINING E❤

My Childhood Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now