SHAYNE'S POV
Nagpatuloy ako sa paglalakad , ayoko namang masira ang gabi ko ng dahil sakanya. Tss.
"Are you okay?" Tanong ni Blake.
"Yup , i'm okay ! Wag kang mag alala." Nakangiti kong saad.
Narito na kami ngayon sa pinakaunahaong table kung saan malapit sa amin ang mga montealegre , napansin kong wala ang tatay ni Dwayne. Why naman kaya? Aysh! Bat ko paba iniisip ang dapat hindi iniisip?.
Agad pumunta ang Emcee sa unahan , para ipakilala ako sa lahat , at para narin malaman ng lahat na kabusiness ko ang mga Deuda.
Habang hindi pa nagsisimula ay kumain muna ako , hehe nagutom ako eh. Pake niyo ba?
Habang nanguya ako , napalingon ako sa kanan ko , may isang lalaking naka black hood sa isang gilid na nakatingin sa akin. Hindi ko siya makilala dahil masyado itong malayo sa akin. Pinagmasdan ko siyang mabuti , ngunit hindi ko talga makilala.
Kinalabit ako ni Blake , at tinanong niya ako kung nabusog ba daw ako , sabi ko nama'y oo. Binalik ko ang tingin ko sa lalaking nakita ngunit wala na ito.
Sino kaya siya? At bakita ganun na lamang ang tingin niya sa akin?.
Agad kong tinawagan ang mga bosy guards ko upang magmasid at magbantay sa paligid , may kakaiba kasi akong nararamdaman , parang may mangyayaring masama , pero sana ay wala naman.
"Goodevening ladies and gentleman! Narito po ako sa inyong harap dahil narito ako sa inyong hrap." Saad niya , t-teka parang kilala ko 'to?. Parang nakita kona siya dati.
"So eto na nga po tayo , atin pong palakpakan ang pinakamagandang reyna ng mga Deuda , Bella Rose Deuda! At ang kanyang asawang si Sir. Mc Roland Deuda." Saad ng emcee sa unahan , pumalakpak ang mga tao sa pag akyat sa stage ng mg asawang deuda.
"Goodevening ! Thank you for attending this party tonight , hmmm so i just want to welcome our business partner , Ms. Shayne Mckdon! , Come with us.!" Saad ni Ms. Deuda. Nagpalakpakan ang mga tao , Tumayo ako at naglakad papunta sa stage.
"Thank you so much Ms , and Mr Deuda sa pagtanggap niyo sa akin bilang ka partner ng inyong wine business , And nagpapasalamat din po ako sa mga dumalo ngayong gabi , masaya po ako na makita kayong lahat." Sambit ko at naupo sa tabi ng stage.
"Walang anuman! Mabait kang tao iha kaya dapat lamang na ikaw ang maging ka partner namin , and isa pa may tiwaa kami sayo." Sambit ni we Mr. deuda.
"Thank you very much po!." Sambit ko at nakipagbeso beso sakanila.
Muling nagsalita ang emcee.
"Okay! wala pong aalis sa inyong kinatatayuan , we will turn off the lights , then habang nakapatay po ang ilaw ay chance niyo na para mahalikan ang taong gusto niyo , ngunit! Bawal halikan ang taong may jowa o asawa na okay? Baka magkaroon ng delubyo eh HAHAHA! And! Bawal ding magsalita , kapag nagsalita may punishment , and last 5 mins lang po ang ibibigay namibg oras sainyo , so enjoyin niyo na , wag na kayong pachoosy." Sabi ng emcee. Nagsitawanan ang mga tao.
"In 3 , 2 , 1 ." Sigaw ng emcee.
Makalipas ang ilang segundo , tumahimik ang lahat , wala akong ibang narinig kundi ang nga yapak ng mga taong nasa loob ng bulwagan.
Ilang sandali pa'y naramdaman kong may humawak sa bewang ko. Hinila ako nito pababang stage , hahakbang na sana ako papalayo ng biglang may humigit sa braso ko dahilan para makawala ako sa lalaking humigit ng bewang ko kanina. Naguguluhan na ako kung anong gagawin ko , hindi ako makasigaw dahil ayoko rin namang maparusahan , baka mamaya kung ano pang ipagawa o gawin nila sakin.
Naramdaman kong tinulak ng lalaking humigit sa braso ko ang lalaking humigit sa bewang ko kanina. Bigla nalamang akong hinila ng lalaking ito sa likod ng stage. Sinubukan kong kumawala saknya ngunit masyado itong malakas.
"Sino kaba!" Bulong ko.
"Secret." Saad niya , na ikinatayo ng aking mga balahibo. Hindi ko siya kilala , sino siya?.
"Bitiwan mo ako ." Bulong ko.
"Sumama ka sakin kung ayaw mong masaktan." Sambit niya.
"Ayaw ko." Saad ko.
"Don't touch that girl." Sambit ng isang lalaki. Lalaking nakita ko kanina. Nandito nga siya.
"At bakit ko naman gagawin yun?" Tanong ng lalaking may hawak sakin , hinigit niya ako palabas ng bulwagan , kasalukuyan kaming narito sa buhanginan , wala ding kailaw ilaw dito , sobrang dilim ng paligid.
"Sinabing huwag mo siyang hahawakn eh!" Sigaw ni Dwayne.
Narinig ko ang suntok ni Dwayne sa lalaking ito. Ramdam kong gumanti ang lalaking nakahawak sakin dahil nabitawan niya ako.
Narinig ko ang sunod sunod na pagsuntok nito , hindi ko alam kung sino ang sumusumuntok , dahil madilim parin.
Biglang bumukas ang mga ilaw sa paligid , nakita ko ang duguang Dwayne , naawa ako sa itsura niya.
Kinuha ko ang balisong ko sa bulsa ko at walang pakundangang sinaksak ng dalawang beses sa pa ang lalaking naka black hoodie, siya yung nakita ko kanina sa gilid.
Sumipol ako at bigla naglabasan ang mga body guards ko , pinadampot ko saknila ang lalaking ito at sinabi kong dalhin sa van , at wag pakawalan.
"Alam niyo na ang gagawin niyo jan , paaminin niyo yan , kapag hindi niyo napaamin ipakulong niyo na." Sambit ko , tumango ang sampung body guards ko. Lalapit sana sila kay Dwayne ngunit pinigilan ko sila.
"Hayaan niyo na kami dito , ako nng bahala dito , walang makakaalam nito , naiintindihan niyo ba?" Sambit ko. Nagsialisan ang mga body guards ko. Nilapitan ko si Dwayne , at inabot ang aking kamay saknya ,para tulungan siyang tumayo. Kinuha niya ito , at agad ko naman siyang inakay papunta sa isang room dito sa resort.
"S-salamat." Saad niya habang papasok kami sa kwarto.
Hindi ko siya inimikan , dinala ko nalamang siya sa loob at agd akong kumuha ng ipang gagamot sa mga sugat niya.
"Alam kong galit ka pero sana naman , pansinin mo ako , hindi kona nga kaya ng wala ka tapos ganto pa?" Sambit niya. Lumapit ako sakanya .
"Dami mong sinasabi , ayaw mo nalang manahimik." Masungit kong saad , idinampi ko sa kanyang mga sugat sa mukha ang yelong hawak ko.
"A-aray ko naman , pwede bang dahan dahan naman?" Sambit niya.
"Kulang pa yan sa pananakit mo sakin." Seryoso kong sambit. Niyakap niya ako.
"Hindi ko naman gustong mangyari yun eh , hindi ko gustong saktan ka, maniwala ka." Sambit niya. Sinapak ko ang tuhod niya , dahilan para mabitawan niya ako sa pagkakayakap.
"A-aray." Sambit niya , tinaas niya ang pantalon niya at laking gulat ko ng makita kong madami siyang sugat, at pasa . Tinaas ko pa ang kabilang pantalon niya at nakita iong mas malala pa , meron din sa mga kamay at braso niya.
"A-anong nangyari sayo?." Mangiyak ngiyak na tanong ko. Niyakap niya ako ng mahigpit.
May hindi ba ako alam na nangyari sakanya?
Niyakap kona lamang din siya , alam kong masakit ang mga sugat at pasa niya , kaya niyakap ko nalamang din siya upang gumaan ang pakiramdam niya.
END OF CHAPTER 56!
YOU ARE READING
My Childhood Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionHi my name is Shayne Mckdon , 6 yrs old palang ako nagkaroon na ako ng jowabelz. Nagbabakasakali akong balikan niya ako. Ngunit may isang lalaking darating sa buhay ko na magpapabago ng takbo ng puso ko.