SHAYNE'S POV
Buong araw akong umiyak , ni hindi ako kumain , kahit maligo ay hindi ko nagawa. Simula kaninang umaga ay hindi pa ako nakakatulog.
Madaling araw na ngayon, at balak kong puntahan siya mamaya. Gusto kong makita siya. Kahit na wala na siyang buhay.
Tinext ko si kuya na itetext ko na lamang siya kapag papunta na ako.
Sabi ni kuya ay nasa bahay na daw nila ito nakaburol , kaya dun na lamang daw ako pumunta mamayang umaga.
Napagpasyahan kong kumain saglit , dahil kumukulo na ang tiyan ko.
Kahit na wala akong gana ay pinilit ko paring kumain.
Para akong tangang umiiyak habang sumusubo ng kanin.
Hindi kasi matanggal sa isip ko na wala na siya. Na parang ayaw ko pang maniniwalang wala na siya. Mahirap tanggapin eh.
Umakyat akong muli sa kwarto ko upang mag half bath , pagtapos kong mag half bath ay nahiga ako saglit.
Naaalala ko yung mga panahong kasama ko siya. Nakakalungkot lang isipin na hindi na namin yun ulit magagawa pa dahil wala na siya. Sana nga biro na lang ang lahat ng 'to ,sana kung panaginip 'to ay sana magising na ako.
Kung kailan mahal na mahal mo na yung tao ,saka pa siya mawawala sa buhay mo.
Hindi ko na nalabanan ang antok ko at ako'y nakatulog na.
°°°°°°°°
Nagising ako sa yugyog ni mama.
"Anak , gising na , pupunta na tayo sa Mansion ng nga montealegre." Saad ni mama. Muli ko na namang naalala na wala na siya.
"Ma." Naluluha kong saad.
"Ano ? Kaya mo bang pumunta? Kung hindi mo pa kaya , pwede namang hindi kana pumunta muna." Sambit ni mama.
"Hindi ma , pupunta ako , gusto ko siyang makita." Naiiyak kong saad.
Nagpaalam si mama na magbibihis lamang daw sila ni papa. Nagbihis na rin ako , nagsuot ako ng eyeglass para hindi makita yung pamamaga ng mata ko.
"Anak? Tara na." Yaya ni papa.
"Sige po papa." Sambit ko .
"Anak , kaya mo yan." Saad ni papa at hinawakan ang balikat ko.
"Salamat papa." Saad ko.
Sumakay na kami sa kotse.
Habang umaandar ang sasakyan namin ay nagsisituluan ang mga luha ko , parang ayaw ko ng pumunta , parang gusto ko na lang bumalik , dahil alam ko at nararamdaman ko sa sarili ko na masasaktan lang ako kapag nakita ko siyang wala ng buhay. Alam kong mas iiyak lang ako kapag nakita ko siya , alam kong mamimiss at maaalala ko lang ang lahat sknya kapag nakita ko siya.
"Ma? Huwag na kaya tayong tumuloy." Sabi ko.
"Anak malapit na tayo oh ." Saad ni mama. Hindi na ako nakapagsalita pa.
Nakita ko ang maraming sasakyang nakaparada sa gilid at harap ng bahay nila. Nanikip ang dibdib ko. Wala na nga siya.
Unang bumaba sina mama at papa , binuksan ni papa ang pinto kung saan ako nakaupo.
Pagbaba ko ay naglakad kami patungo sa gate ng mga montealegre.
Nakita ko ang napakaraming taong nakikiramay , puro silang naka itim at puti.
Hindi ko na napigilang hindi mapaiyak. Hinawakan ni mama at papa ang kamay ko , inalalayan nila akong makapunta sa loob ng mansion nila dwayne.
Sa pagpasok ko sa pinto , nakita ko ang isang kabaong , kabaong kung nasaan naroon si Dwayne. Nakita ko si Ate sky , na umiiyak dinadamayan siya ni kuya. Nakita ko si tita na tulala , si tito na malungkot.
Lumapit ako agad sa kabaong ni Dwayne , at doon ibinuhos ang sakit na aking nararamdaman. Wala itong takip na salamin kaya't malaya ko siyang nayakap. Hinalikan ko ang pisngi niya.
"Mahal na mahal kita eh , bat mo naman ako iniwan." Umiiyak kong saad.
"Ang daya mo naman mahal ko , kala ko ba pakakasalan mo ako?." Umiiyak na saad ko ulit.
Umiyak ako ng umiyak , hinalikan ko ang labi niya. Alam kong nakakadiri para sa ibang tao pero wala akong paki alam. Mahal ko eh.
Nagulat na lamang ako ng biglang gumalaw ang labi niya. Gumaganti ito sa paghalik sa akin. Pagmulat ng mata ko ay nakita kong nakadilat ang kanyang dalawang mata.
Hinawakan niya ang dalawang braso ko. Napalayo ako sknya , kinusot kusot ko ang mga mata ko.
"T-teka! Bat gumalaw yung patay? Napapraning na ba ako? Panaginip ba to? " Saad ko.
"Paanong gagalaw ang patay? Eh wala namang patay?!." Natatawang sambit ni kuya.
"Ano?!" Sigaw ko.
Nakita kong bumangon si dwayne sa kabaong at lumapit sa akin.
"Sabi ko naman sa'yo lalaban ako para sa'yo , mahal na mahal kita. Pasensya na kung napaiyak kita. Hehe gusto ko kasi surprise eh." Saad niya. Niyakap ko nalamang siya , hindi kona nagawang magalit o magtampo pa , dahil masaya akong biro lang palang patay na siya.
Niyakap niya rin ako at hinalikan ng paulit ulit sa noo.
Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga tao.
"Ngayon! Sabihin mo saken at sa harap ng mga taong nandito! Sinasagot mo na ba ako?" Sigaw ni Dwayne.
"Oo!"sigaw ko.
"Mali pala yung tanong ko." Saad niya.
Bigla siyang lumuhod ay at inilabas ang singsing. Nagulat ako at Nagulat ang mga tao , kahit ang pamilya ko at pamilya niya ay nagulat.
"W-will you marry me Shayne Mckdon? Alam kong maaga pa para dito , pero alam ko at sigurado naman akong ikaw na ang makakatuluyan ko , doon din naman ang punta ng relasyon natin. Ayaw na kitang pakawalan pa. Alam mo at alam ng diyos kung gaanokita kamahal. Isang tanong isang sagot... Pumapayag ka ba na...." Sigaw niya.
Tumingin ako sa pamilya ko , tumango sila , ibig sabihin non ay pumapayag na sila.
"Yes!" Walang pagdadalawang isip na sigaw ko, sinuot ni dwayne ang singsing sa akin atsaka ako niyakap at hinalikan sa harap ng mga tao.
Muling nagpalakpakan at naghiyawan ang mga tao.
Ang saya ng araw na 'to. Kahit na umiyak ako ng buong araw kahapon ay ayos lang basta't kasama ko siya.
Mahal na mahal kita dwayne montealegre.
END OF CHAPTER 66!
YOU ARE READING
My Childhood Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionHi my name is Shayne Mckdon , 6 yrs old palang ako nagkaroon na ako ng jowabelz. Nagbabakasakali akong balikan niya ako. Ngunit may isang lalaking darating sa buhay ko na magpapabago ng takbo ng puso ko.