Narito ako sa tapat ng pintuan ng condo ko. Kanina ko pa hinahanap yung susi hindi ko mahanap. Ang sakit pa naman ng paa ko.
"Alas syete na ah? Ba't ngayon ka lang? Saan ka nagpunta ? At bakit parang pilay ka?." Sunod-sunod niyang tanong .
"Kina stacey lang ako pumunta , nanood at kumain kami sa bahay nila." Sabi ko at hinanap muli ang susi sa bag ko.
"Ahh, ano bang hinahanap mo dyan parang kanina ka pa eh. " tanong niya.
"Tsk , yung susi ko kasi hindi ko mahanap." inis kong sabi.
"Hindi mo talaga mahahanap yan dyan, ayan oh nasa sahig. Mukhang nalaglag." natatawang sabi niya sabay turo kung nasaan ang susi. Hinampas ko naman siya.
"Ano ba?! Ang hilig hilig mong manghampas!." Singhal niya.
"Eh ikaw eh tinatawanan mo pa ako ! Nangangalay na nga ako dito! Dzuh ." Maarteng sabi ng lola niyo.
"So kasalanan ko pa? Eh ikaw yung tangang nakalaglag ng susi eh HAHAHA!." Pang-aasar niya pa.
"Nakakainis ka talaga kahit kailan!. Dyan kana nga!"
Papasok pa lang ako ng mas nauna na syang pumasok sakin. Bwiset 'tong lalaking 'to paepal talaga kahit kailan .
Hinayaan kona lang dahil mag-aaway na naman kami.
"Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko." Biglang sabi niya.
"Ha? Anong tanong? Sinagot kona yung tanong mo kanina ah?."
"Bakit papilay-pilay ang paglalakad mo? Anong nangyari?" Tanong niya.
"Ah eto? Wala 'to , yung babae kasing yun hindi ko alam kung dinaggi niya ako o hindi sinasadyang madanggi e . Pero parang sinadya eh kasi nang-iinis pa." Paliwanag ko.
"Sinong babae?" tanong niya.
"Hindi ko nga kilala e , pero parang nakita kona siya dati. Basta may katangkarang babae , maputi , tapos sexy."
DWAYNE'S POV
"Anong kulay ng damit?" Tanong ko.
"Kulay pula." Sagot niya.
Kilala ko na , kilalalang-kil-.
"Aray! Ang sakit." Inda niya.
Agad akong tumayo upang tulungan siyang makaupo sa sofa.
"Dyan ka lang may kukunin lang ako." Pagpapaalam ko.
Pumunta ako sa Condo ko at kumuha ng tela at yelo na panlagay sa paa ni Shayne.
"Ilalagay ko 'to sa paa mo ha? Para hindi mamaga ng sobra . Namamaga na kasi oh." Saad ko at tumango naman siya. Halata sa mga mata niya ang pagod.
"Magpahinga kana , ako na ang bahala dito." Sabi ko at nakita ko namang ipinikit niya na ang kanyang mga mata.
Nilagay ko ang telang may yelo sa kanyang paa upang maibsan ang pamamaga nito.
Uuwi na sana ako ng mapansin ko ang pagkaputla niya. Kaya agad akong lumapit sakanya at hinawakan ang kanyang noo. Ang taas ng lagnat niya.
Sinubukan ko syang gisingin ngunit hindi siya magising kaya binuhat ko siya papunta sa kwarto niya at doon ihiniga.
Kumuha ako ng isang panyo at naglagay ako sa isang lalagyan ng malamig na tubig. Kailangan niya 'to para mawala ang init ng katawan niya.
Dahan-dahan kong inilapat ang panyo sa kamay at paa niya. Nanginginig at pinagpapawisan ako ng papunta na ang aking kamay sa mga hita niya. Habang pinupunasan ko ito , dumampi ang isang daliri ko sa hita niya . Ang kinis niya .
Wag kang ganyan Dwayne.
Pinagpatuloy kona lamang ang pagpupunas . Hindi parin siya nagigising kaya naman naisipan kong bumili muna ng gamot na maiinom niya mamaya.
"Wifey, dito ka lang huh? Babalik ako , babalikan kita. Aalis lang ako saglit." bulong ko saka siya hinalikan sa noo.
SHAYNE'S POV
Nagising ako ng mamalayan kong may inilapag si Dwayne sa lamesa. Nakita ko itong papalapit sa akin kaya naman nagtulog-tulugan na muna ako.
"Wifey, dito ka lang huh? Babalik ako , babalikan kita. Aalis lang ako saglit." Rinig kong sabi niya. Nagulat ako ng halikan niya ako sa noo. Ramdam ko ang lambot ng labi niya. Ngingiti na sana ako ng bigla kong naalalang nagtutulog-tulugan nga pala ako.
Pagtapos non ay tuluyan na siyang umalis. Saan kaya siya pupunta?
Teka bat parang basa ang katawan ko?
Nakita ko ang isang bimpo sa lamesa katabi nito ang isang pabilog na lalagyan na may lamang tubig .
Pinunasan niya ang katawan ko. Bakit hindi ko man lang naramdaman?
At muli kona namang narinig ang mga salitang binitawan niya kani-kanina lamang.
"Wifey, dito ka lang huh? Babalik ako , babalikan kita. Aalis lang ako saglit."
"Wifey, dito ka lang huh? Babalik ako , babalikan kita. Aalis lang ako saglit."
"Wifey, dito ka lang huh? Babalik ako , babalikan kita. Aalis lang ako saglit."
"Wifey, dito ka lang huh? Babalik ako , babalikan kita. Aalis lang ako saglit."
"Wifey, dito ka lang huh? Babalik ako , babalikan kita. Aalis lang ako saglit."
"Wifey, dito ka lang huh? Babalik ako , babalikan kita. Aalis lang ako saglit."
Ramdam ko ang pagkabilis ng tibok ng puso ko , naaalala ko na naman sa'yo si Dwayne. Ang kaisa-isang lalaking minahal ko ng todo kahit bata palang ako. Babyhubby , kelan ka babalik , naghihintay parin ako sa pagbabalik mo.
At unti-unting pumikit ang mga mata ko.
DWAYNE'S POV
Kagagaling ko lang sa mercury drug ng maisipan kong bumili ng baboy. Gusto kong lutuan siya ng sinigang. Kaya bumili narin ako. Dumaan ako sa isang karinderya , nakita kong may lugaw na tinda kaya bumili narin ako.
Agad akong umuwi at iniluto ang baboy. Gusto ko kapag gising niya ay handa na ang kakainin niya.
Hindi ko alam kung ano ba 'tong ginagawa ko. Basta gusto ko nalang siyang pagsilbihan. Hindi ko alam kung mahal ko siya o gusto ko lang. Pero sa twing nakakasama ko siya , nag iiba ang pakiramdam ko. Parang sumasaya ang puso ko kapag nandyan siya palagi.
Pinagpatuloy kona lang ang pagluluto.
SHAYNE'S POV
Hmmmm , ano yun? Ang bango. Nakakagutom naman.
Dinilat ko ang mata ko at nakita ko si Dwayne. Naghahanda siya ng pagkain.
Babangon na sana ako ng maramdaman ko ang sakit ng ulo ko.
"Teka dyan ka lang , wag ka nang tumayo. Dadalhan nalang kita ng pagkain dyan." Saad niya. Bumalik naman ako sa pagkakahiga.
Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Kinikilig ba ako? Hindi hindiii!!! Hindi ako kinikilig! Sadyang mainit lang katawan ko siguro. Oo ganon nga.
Bigla akong kinabahan nang makita ko siyang papalapit sa akin. Shit what's happening to me?
Ba't ganito ang epekto ng lalaking 'to sakin tuwing nagseseryoso siya ng ganto?.
Hell no! Mahal ko si Dwayne , si Dwayne na babyhubby ko. At hindi si Dwayne na nasa harap ko.
End of chapter 13*
DON'T FORGET TO VOTE , COMMENT , AND FOLLOW. THANK YOU!.
-BINIBINING E❤
YOU ARE READING
My Childhood Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionHi my name is Shayne Mckdon , 6 yrs old palang ako nagkaroon na ako ng jowabelz. Nagbabakasakali akong balikan niya ako. Ngunit may isang lalaking darating sa buhay ko na magpapabago ng takbo ng puso ko.